Dear you,
Ito na ang huling beses na magsusulat ako tungkol sayo. Ang huling beses na iiyak ako at huling beses na aalalahanin ko yung mga araw na magkasama at masaya tayo. Mas masakit ee. Mas masakit kung babalikan ko pa yung alaala na dapat kinalimutan ko na. Sa ating dalawa , ako na lang naman yung mag nararamdaman kaya ako tong nasasaktan. Ako na lang tong lumalaban kasi ako na lang yung may nararamdaman. Pero salamat. Salamat dahil pinasaya mo ako. Salamat dahil kahit papano naranasan kong mahalin ng ibang tao. Salamat sa pagiging parte at pahina ng kwento ng buhay ko. Kung di dahil sayo , hindi ako magiging matatag. Alam kong masaya ka na kasama ng iba. Habang ako, nakapako ang tingin sayo. Umaasa na lilingon ka pabalik sakin,pero malabo. Tama na yung isang beses na nasaktan ako. Tama na din yung isang beses na umiyak ako ng dahil sayo. TAMA NA. Dahil pagod na ang mga mata ko na umiyak sa taong kahit kailan hindi na ako mamahalin pa. Masaya ka na namam sa kanya e. Guguluhin pa ba kita ? Ngumingiti ka na e. Paiiyakin pa ba kita ? Tama na. Tama na tong katangahang to. Yung sugat dito sa puso ko, naniniwala akong maghihilom din sa pag dating ng panahon. At ikaw ? Sana masaya ka na. Sana mapasaya ka nya higit sa kaya kong gawin. Masakit man pero kailangan. Mahirap man pero kakayanin. 😔 Aaminin kong may nararamdaman pa ako para sayo pero darating yung araw na titingin ako jan sa mga mata mo at sa mga panahong yon masasabi kong : WALA NA AKONG NARARAMDAMAN PARA SAYO.

BINABASA MO ANG
A letter for him
Teen FictionFirst story xx Feeling Writer xx Don't be Judgemental ❌ Please do support Thankyou ! God bless everyone !