Chapter 4 - Home

70 2 0
                                    

" RANE POV "

Nasa tapat na ako ng pintuan namin. Kinakabahan na ako, sa mangyayari ngayon dahil sigurado akong mag-aaway na naman kami.

Never say die Rane.

Inilabas ko ang duplicate key ko. Akmang ipapasok ko pa lang sa susian, ay bumukas ang pinto, at ang nagbukas ay walang iba kundi si Cold Monster.

Blanko ang expression ng mukha nito. Niluwagan nito ang pagbukas ng pinto. Agad naman akong pumasok. Hindi pa man ako nakakalayo sa kanya ay binagsak nito ang pinto pasara.

Uh-oh - mind

" What time it is " malamig at seryosong tanong nito. Ayan na ang pinakaayaw ko sa kanya ang pagiging seryoso niya, mas gugustuhin ko pang sigawan niya ako kaysa ganyan siya kaseryoso.

Sasagot na sana ako nang inunahan naman ako nito magsalita. " May asawa kana. Pinapaalala ko lang baka kasi nakalimutan mo, " sarcastic na sabi nito.

" Kasal lang tayo sa papel  Zel, at hanggang doon lang iyon " matapang na sagot ko.

" Puwes, simula bukas, gagawin mo na ang tamang gawain ng isang may asawa, " bigla akong napalingon sa kanya.

" What! " tiningnan ko siya, nanatiling seryoso ang mukha nito. " I'm not your maid stupid. Kung gusto mong may gumawa niyang sinasabi mo kumuha ka nang katulong " tumalikod na ako, akmang aakyat na ako sa hagdan ng biglang hilain ako ni Zel.

Galit ang mga mata nitong nakatingin sa akin. " Sa bahay na ito, ako ang masusunod! " galit na sabi nito sa akin. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kinabig niya ako at mariing hinalikan sa labi.

O__________O

Nagulat ako sa ginawa niya, tinulak ko siya palayo pero mas lalo lang nito pinalalim ang halik. He kiss me dangerously. May nalasahan akong mapait, marahil ay naramdaman rin nito iyon, pinutol nito ang halik.

Tinulak ko siya ng malakas, nabitiwan naman niya ako. I licked my lips, so sa akin pala ng galing iyon.

Tiningnan ko siya. Napakunot noo ako ng makitang para bang pinagsisihan niya ang ginawa niya sa akin.

Psh! That's Bullsh!t

Akmang lalapitan niya ako, pero mabilis akong umatras at sinabi sa kanya, " I hate you! " sigaw ko sa kanya at sabay akyat sa kwarto ko.

********

" ZEL POV "

" Sh!t.. Shit.. Shit... Gago ka Zel " mura ko sa sarili ko. Agad ko siyang sinundan sa kwarto niya pero naka lock iyon.

" Rane, open the door " tawag ko sa kanya mula sa labas ng pintuan.

" Leave me alone! " malakas na sigaw nito. Narinig kong umiiyak siya. Lalo tuloy akong na guilty sa ginawa ko.

Shit Zel, what you have done! Imbis na palapitin ko ang loob niya sa akin, lalo ko patuloy siyang pinalalayo.

Self control - sabi ng isip ko.

Napasabunot ako bigla sa buhok ko. Bigla na lang kasi uminit ang ulo ko sa sinabi niya.

Kasal lang tayo sa papel  Zel, at hanggang doon lang iyon.

Kasal lang tayo sa papel  Zel, at hanggang doon lang iyon.

Kasal lang tayo sa papel  Zel, at hanggang doon lang iyon.

Pain From Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon