"Manong sa tabi na lang ho," ani Alex sa taxi driver.
Bumaba siya sa harap ng isang diskuhan kung saan may umiikot na malaking spotlight sa entrance. Sa labas pa lang ay dinig na dinig na ang musika. "Hayss, ano ba tong napiling lugar ni Margareth? Ano ba ang akala niya sa sarili niya, teenager?" nakasimangot na wika niya habang ibinababa ang laylayan ng suot na mini skirt at isinisiksik ng maayos ang mga paa sa sapatos.
Pumasok siya sa loob at hinanap ang kaibigan. Pasado alas-otso pa lamang ng gabi kung kaya't hindi pa matao at hindi pa talaga nag-uumpisa ang nakakabinging tugtugan. May oras pa para magkarinigan sila sa kanilang pag-uusap. Nakita niyang tahimik na nakaupo at umiinom si Margareth sa may kasulukang mesa. Napapailing na nilapitan niya ito.
"Malaki ba talaga ang problema mo para puntahan natin ang ganitong lugar?" upo niya at padabog na inilapag ang bag sa katabing upuan.
Hindi sumagot ang kaibigan sa halip ay patuloy lamang sa pag-inom ng wine. Walang reaksiyon sa pagdating niya. Nakatitig lamang sa bakanteng dance floor at pinapanood ang kumikislap-kislap na iba't ibang ilaw.
"Hoy! Margareth kinakausap kita!"
"Alex sa edad natin ngayon, sa tingin mo ba ay hindi na tayo bagay sa ganitong lugar?" parang wala lang na tanong ni Margareth.
Nangalumbaba si Alex "Hmmm... siguro matanda na tayo para sa isang diskuhan ngunit napakabata pa rin naman natin para tumambay sa jazz bar o kay ballroom bar..."
"Tumatanda na nga tayo..." busangot ni Margareth nang mapatingin sa grupo ng mga kabataang masayang nag-iinuman.
Tinitigan ni Alex ang bote ng wine sa tapat niya. "May balak ka bang maglasing? Masyado pa naman yatang maaga para magkaroon ka ng middle age crisis. Hindi pa tayo tumutuntong ng trenta, Margareth."
Sinalinan ni Margareth ng alak ang baso ni Alex. "Gusto ko lang maranasan ulit ang isang bagay na hindi natin gaanong na-enjoy nung kabataan natin. As I recall, hindi tayo nagpupunta sa ganitong lugar. We deprived ourselves with this kind of fun," wika nito nang may matamlay na ngiti.
"Uh-uh mali ka dyan nakakalimutan mo na bang dati akong tambay sa ganitong mga lugar," ngisi ni Alex.
"Iba naman ang dahilan mo kung bakit ka pumupunta. Hindi para magsaya, kundi para manghuli ng mga adik at pasaway!" nakangiwing sagot ni Margareth.
"Hintayin mong magsidatingan ang mga kabataan mamaya, lumakas ang tugtugan at magsiksikan ang mga tao. Tingnan ko lang kung mahanap mo ang enjoyment na sinasabi mong namiss natin," ingus ni Alex.
"Alex, let's try to feel our youth again. Magpakasaya tayo!" sabay ubos sa laman ng baso.
Pagkalapag ng baso ay mabilis na inilayo ito ni Alex." Nag-away ba kayo ni James? Masyadong abnormal ang kilos mo ngayon eh. Kinikilabutan ako sa mga pagi-emote mo!"
Ngumisi si Margareth at kinabig pabalik ang basong inilayo. Muling sinalinan ng alak."Alam mo ba kung anong araw ngayon?" buntong-hininga niya.
"Hindi ko alam. Birthday mo lang naman ang mahalagang araw na tinatandaan ko tungkol sayo."
"1st year anniversary namin ni James."
Humalukipkip si Alex at seryosong pinanood ang kaibigan sa paglalasing nito.. "Ganito ka ba magcelebrate ng anniversary nyo? Imbes na ang boyfriend ang kasama mo, kaibigan ang kinakaladkad mo sa paglalasing."
"Bakit? Nasaan ba ang magaling mong partner na yan?!" duro nito.
Natigilan siya at agad na natameme. Nasa mahalagang operation nga pala si James.
BINABASA MO ANG
Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)
Roman d'amourThis is the second book of ANG ALALAY KONG ASTIG. A continuation of the love story of the most eligible billionaire bachelor Blake Monteverde and the free spirited skillful fighter police officer Alexandra Valdemor.