Selfie (Oneshot)

17.8K 279 175
                                    

         “Ate magkano ‘to,” tanong ni mama sa nagbebenta ng mga souvenir items habang ako naman kumukuha ng litrato ng mga makukulay nilang paninda gamit ang Nikon na professional camera ko. Patuloy lang ako sa pagtingin-tingin sa mga paninda habang si mama naman eh busy sa pagbili ng pasalubong para sa mga ka-office niya nung napansin ko ang isang kakaibang shop sa kabilang kalye. Hindi kasi souvenir items ang binibenta nila kundi mga antiques.

            “Ma, punta lang muna ako ‘dun saglit huh,” sabi ko kay mama at nag-oo naman siya bago ako umalis.

            Agad naman akong pumasok sa parang boutique na puno ng antigong bagay nun. Binati agad ako ng amoy ng makalumang tao pagkapasok ko palang agad sa pintuan ng shop na yun. Hidi ko alam kung bakit pero agad na tumayo ang balahibo ko dahil na din siguro sa dami ng mga lumang manika na parang sabay na napatingin sa akin pagkapasok ko doon. Siguro nga emahinasyon ko lang yun pero kinilabutan pa rin ako.

            Nag-umpisa ako magpa-ikot-ikot sa shop na ‘yun at madami akong nakitang mga antigong alahas at relo, mga lumang dekorasyon sa bahay at kung ano-ano pa pero wala naman akong makitang makakakuha ng interes ko. Kinuha ko nalang ulit ang Nikon camera ko at kumuha ng ilang litrato. Asan kaya ang may-ari ng shop na ‛to? Tanong ko sa sarili ko. Simula kasi sa pagpasok ko dito sa shop wala pa akong nakikitang tao.

            Last shot. Sabi ko sa isip ko sabay adjust ng aperture at flash ng camera ko para mas maganda ang kuha ko sa isang antigong salamin sa harap ko. Tinaas ko na ang camera sa may mata ko at aakma n asana akong kukuha ng litrato nung biglang…

            “Aahh!” Napasigaw ako sa takot nung biglang may lumitaw na pigura ng tao sa lens ng camera ko. Isang taong napaka-putla at nangingitim ang palibot ng mata nito.

           Agad kong binaba ang camera ko at liningon ang tao sa likod ko para makumperma ang nakita ko.

            Tao nga, isang lalake na may katandaan na. Nakakatakot siya tingnan lalo na ang kanyang mga mata na nangingitim ang paligid nito. Yung para bang, kulang siya sa tulog.

            Ngumiti lang siya sa akin sabay sabi, “Welcome to my store.” Hindi ako nakapag-react sa sinabi niya. Hanggang ngayon kasi ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko sa gulat dahil sa biglaan niyang pagsulpot.

            Tiningnan niya ang camera ko na may malaki pa ring ngiti sa kanyang labi. “Photographer ka?” Tanong niya sa akin at tumango-tango lang ako. “Then I have the perfect item for you,” sabi niya at agad siyang pumunta sa may counter and for some weird reason, sinundan ko naman siya.

            Nakuha agad ang atensyon ko ng isang malaking vase sa counter. May larawan kasi ng isang lalake sa harap nito at may nakatirik pa na isang kandila. Di kaya…

            “Ahh eto,” sabi niya nung nakita niya na ang hinahanap niya at agad lumiwanag ang mata ko nung nakita ko ang hawak-hawak niya. Isang antigong Polaroid camera. Sa itsura niya parang galing pa siya sa panahon na ginagawa pa lang ang RMS Titanic.

            Hinimas ko ng marahan ang bawa’t parte nito. Ang ganda! Kahit luma na siya halatang inalagaan ito ng mabuti dahil nagmumukha pa rin siyang bago.

            “Gumagana pa yan,” sabi ng nagbebenta na may ngti sa kanyang labi pero di ko alam, sa ngiti at sa titig niya, parang kinikilabutan ako.

           “Pa-try po okay lang,” sabi ko at tumango naman siya kaya agad kong kinuha ang chance na yun. Dream come true din ito na makagamit ako ng makalumang camera. Agad kong kinuha ang camera at ginamit ito para kunan ng litrato ang banga sa counter. Ang ganda kasi ng intricate patterns na nakaukit sa banga na ‘yun. Lumabas naman agad ang isang papel na may larawan ng kinuha kong imahe. Ayos! Ang ganda pa rin ng kuha nito.

Selfie (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon