-Chapter 3-

32 1 0
                                    

>Shonne's POV<

Haysss...  ̄0 ̄ kabagot sa room. Bakit pa kasi um-absent si Kaye mylabss eh.. Di naman umaabsent un eh. Baka may sakit?? Hayssssss...

"HUY!" - Jerome

"Ay anak ka ng kabit ng tatay mo!!! O.O" sa gulat ko, yan tuloy nasabi ko. xD

"Oy. Di ako anak sa labas noh. Original na anak to!" pagmamalaking sagot ni Jerome na natatawa tawa sa pagkagulat ko.

"Nakanambebe ka naman kasi Jerome eh, kelangan talagang manggulat ??  ̄0 ̄" -ako

"Puro ka kasi buntong hininga dyan eh, tas mukhang ang lalim lalim pa ng iniisip mo? May problema ka ba pre ? Bago yan ah ? xD" sabi ni Jerome

"Eh... hmm... Wala lang to. Inaantok lang ako." sagot ko kay Jerome

"Weh? Tungkol ba sa babae yan pre ? Umamin ka nga samin ! xD" sabat ni Dave

"Oo nga. Babae ba pre ? Dali ! Umamin ka na habang wala pa tayong teacher." -Jerome

Grabe naman makatanong tong mga to ( ̄- ̄)

"Ano namang aaminin ko sa inyo? At wala akong problema. Inaantok lang talaga ako kaya ako nakatulala kanina. Ang aga ko kasi pumasok kanina eh." -ako

Ano ba yan !! Ang aga ko pa naman pumasok ngayon para lang makita ko agad si Kaye mylabss kaso ayun, absent siya. Di ko alam kung bakit kaya wag niyo akong tanungin. xD haha!!

"May gusto ka ba ka Kaye pre?" diretsong tanong ni Dave.

Nakanambebe naman tong si Dave oh! -_-# Mga tanungan kasi eh, bigla tuloy akong kinabahan. Pinagpapawisan pako ng malamig. Pansin na kaya nila? Obvious na ba? Buti na lang at wala si Kaye mylabss dito kundi YARI! Baka mailang yun.  ̄0 ̄

"Uy pre. Bat hindi ka mapakali at bat pinagpapawisan ka ?? Malamig naman ah? Natatae ka ba? Or......

Totoo ung tanong ni Dave noh ? May gusto ka kay Kaye noh ? xD" nagtatakang tanong na may halong pang-aasar ni Jerome

"Umamin ka na kasi pre. Kami lang naman makakaalam eh. What are friends are for diba ?" mapang-asar at may pagka nangongonsensyang tanong ni Dave

"Wag nga kayong maingay! Baka may makaranig sa inyo. At baka kami na ni Kaye ang headline sa newspaper bukas." - si POGING ako

"Sagutin mo na kasi ung tanong ni Dave." pang-asar na tanong ni Jerome

"Wag ka mag-alala. Kami lang talaga ang makakaalam. At tsaka ramdam naman namin eh. Kaya umamin ka na. xD" -Dave

"Oo na oo na! May gusto nga ako kay Kaye." mahinang sabi ko. "Kayo lang makakaalam ah?! Uupakan ko kayo kapag may pinagsabihan kayo!" -ako

"Oo naman pre, gusto mo tulungan ka pa namin sa panliligaw dyan kay Kaye eh." nakangiting sabi ni Jerome

Kahit na mga tukmol tong dalawa kong kaibigan na to. Mapagkakatiwalaan naman yan kaso mga tukmol lang talaga. haha!! xD peace bro. :D

"Gusto mo, kami na rin bahalang mangharang sa mga manliligaw ni Kaye eh." sabi ni Dave

Sabi ko sa inyo eh. Mapagkakatiwalaan yang mga yan. Tutulungan pa nila ako kay Kaye mylabss. Buti na lang at naging kaibigan ko sila. :)

"Sige pre, aasahan ko yan ah ? :)" nakangiti kong sabi sa kanila.

[ After Class ]

"Mga pre! Di muna ako sasama sa Dota natin ah? Pupunta lang ako kila Kaye. Sisilipin ko lang, di kasi pumasok eh." paalam ko

&quot;I'm inlove with my Best Friend :)&quot; ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon