Salamat sa araw na iyon,
nakausap kita at boses moy napakinggan,
salamat sa ngiti mong binitawan.
isang beses ng yari pero hindi ko malimutan,
bawat segundo, minuto, oras ngiti mo't mukha hindi maalis nitong isipan.
Maagang pumasok sa eskwela,
upang ika'y maabutan at makita.
kinakabahan pag-ikay nakaharap na,
hindi alam paano kikilos upang sayo'y magmukang maayos.
Akala ko ika'y mamansin,
nguni't mata moy lumihis at sa iba nakatingin.
pangarap ko sa mga araw na nagdaan
na sana ngumiti kaman lang,
para pagod ko'y mabawasan,
paggalaw ng mga paa mo'y aking tinitignan,
Dahil ako'y nahihiya na ika'y titigan.
pero hindi ka ngumiti o nagsabi ng " Hi ", kailanman.
kausap ko ang iyong kaklase,
ikay lumapit at ako'y kinabahan.
ang sabi mo lang, may kamukha ako na dating mong kaibigan,
paulit-ulit ko na rin niyang naririnig mula sayo'y
kailan mo ba mabanggit ang pangalan ko?
isang araw nakita kita, hawak mo ang iyong gitara.
Tumugtog ka ng isang kanta,
iniisip ko na ako'y iyong hinaharana.
sana ngalang ako na lang yung hawak mong gitara
upang ako'y iyong laging nakakasama,
nakikita, napapansin at higit sa lahat kayakap mo pa.
masaya na sana sa araw na iyon,
napakinggan ko ang isang magandang musika,
nang may isang tao na nagtanong sayo,
kung mahal mo na ba siya.
ikay nakangiti at tila masaya,
kahit hindi mo na sambitin,
kislap ng iyong mga mata ay may ibig sabihin.
para akong natunaw, sa nalaman ko.
kung puso mo'y binihag nangiba.
Ang sakit pala kahit crush lang kita,
paano pa kaya kung minahal na kita?
salamat dahil sayo tumulo ang luha ko,
salamat dahil nasaktan ako,
sana masaya ka, tanging lumalabas sa bibig ko.
at tanging hiling ko lang sayo,
sana magpaalam ka bago ka lumisan at tumungtung ng kolehiyo.
hindi kita malillimutan ito'y pangako sayo,
dahil natuto ako at naramdaman ang ganito.
kunng may nagustuhan kang iba, o
kasintahan na, sa akin ay walang problema,
dahil crush lang naman kita.
-paalam
by: julie mar Dayuday