Sa Laban ng Buhay

367 16 2
                                    

Ipikit ang mga mata

Magbilang hanggang labing dalawa

Ngumiti sa Maykapal

At ika'y magdasal.

Ngumiti at magpasalamat

Kahit buhay ay salat.

Bukas panibagong buhay

Panibagong laban na walang humpay.

Humingi sa Maykapal ng sapat na lakas,

Para dagok  ay maharap bukas.

Huwag padadaig sa pagsubok.

Pagkat ito'y daan papuntang rurok.

Ika'y makakaranas ng pagkawagi

Ngunit nandiyan din ang pagkasawi.

Ang buhay ay 'di kailanman naging madali

Pagkat ito'y paglalakbay na hindi puro pagkawili.

Taimtim na magpasalamat sa Diyos

Kahit ilang luha na ang umagos

Tayo'y magpasalamat dahil gabay

Ay kanyang ibinigay sa ating buhay.

Tayo'y mga sundalong tunay

Araw-araw na lumalaban sa buhay,

Kanya-kanyang laban Sa dagok ng buhay.

Ibat-ibang kapalaran sa ating mga palad nakasalalay.

Sa Laban ng BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon