she's a PIG

31 1 1
                                    

Written by: foreveryours26

She’s a PIG

(My 3nights memories)

Life has no blessing like a prudent friend.

Two persons will not be friends long if they cannot forgive each other’s little failings.

…she is screaming

…she is scared

…she is nothing to do but to cry

…she is longing for someone’s help

…she needs someone to talk to

…she needs someone’s presence, I know

SHE NEEDS ME…

**First night**

Arf! Arf!

Lumingon sya nung marinig nya ang tahol. Lumapit ako sa kanya pero bigla nyang iniwas ang kanyang mukha. Dahil sa may pagka makulit ako humarap ako kung saan sya nakatingin.

“anong bang problema mo? Sa gwapo kong ito snob sa’yo ang beauty ko” pagmamayabang ko, para naman matuwa sya pero di pala sya matutuwa sa halip humagulgol pa nga sya.

“uy! Teka wag ka umiyak ano ba dapat kong gawin para tumahan ka?”lumingon sya at galit na galit habang umiiyak.

“bakit? Sa tingin mo matutulungan mo ako?! Ha?!” galit talaga ang boses nya at parang wala ng pag-asa.

“aba! Wala ka bang tiwala? Kung sasabihin mo matutulungan talaga kita, isa pa marami akong alalay sa bahay na ito.” Pagmamayabang ko ulit.

“bakit? Kaya mo ba akong iuwi sa amin?! Di mo kaya alam ko! Wag kang mayabang!!!” wow! Hinahamon ang talino ko ha?

“what?! Syempre kong isasakay kita sa sasakyan maiuwi kita pero ang buhatin ka nako maawa ka ang baboy mo pa naman.”

“oo baboy ako pero may puso din ang mga baboy!” aba! Minamaliit ako nito ha?

“hoy! Baboy na baboy, bakit kayo lang ba ang may puso? May puso din kaming mga aso no? at wag mo nga akong maliitin di porke’t maliit ako ha malaki kaya ang utak ko… marunong nga akong magbasa ng numero ee eh ikaw anong alam mo, kumain ng marami??? Ahahahahaah!” natatawa talaga ako sa sinabi ko ee ganun naman talaga ang mga baboy ee kakain lang at matutulog tapos paggising kakain ulit ang boring naman ng buhay baboy buti pa ang aso, ay wait! Di ko pala nasabi sainyo na aso ako no? ito kasing si author ee sobrang excited… kala nyo tao ako no? ee sino bang mag-expect sa asong may mga nuggets of wisdom pa ang intro… ahahahah!

“hoy! May kutong aso, tamad man kami malinis naman kami at nanaig sa amin ang pagkamaawain.” Pagtataray nya.

“talaga? Maawain ka nga, alam ko naaawa ka sa sarili mo… ahahaah!” natatawa kong sabi sa kanya. “at isa pa wala akong kuto no, malinis din ako naliligo ako pagtrip ng alalay ko.” Tatawa-tawa kong sabi.

Tahimik na naman sya. Nakatingala sya.

“anong oras naba?” bigla nyang sabi. Napatayo ako sa sinabi nya at tumakbo sa may sala ng bahay namin.

“Ten pee eem na” sabi ko nung makabalik ako sa likod ng bahay kung saan nakatali sya duon sa puno ng bayabas namin.

Lumupasay sya sa lupa at pumikit habang may binubulong:

“panginoon, ba’t ganito ang kapalaran ko? Di ba pwedeng baguhin ang lahat? Makauwi lang sana ako at Makita ang aking ina ikasasaya ko na aking panginoon” tumulo ang luha nito bigla at nakaramdam ako ng awa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

she's a PIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon