Lahat yata sa opisina nila ngayon ay natetensyon. Ngayon ipapakilala ang bagong boss nila. Magreretiro na ang may ari ng kompanya nila at papalitan ito ng panganay na anak na naglagi daw sa Amerika. Bali-balita na may pagkastrikto ito at hindi mahilig makipag halubilo sa tao. Nasanay kasi silang lahat na napakabait ng boss nila. Parang pamilya na ang turing sa kanila ng boss nilang si Renato Ventura. Palagi itong nakangiti kaya lahat sila ay magana palaging nagtatrabaho. Malaki at sikat kompanya ang pinagtatrabahuhan niya. Isa din iyon sa namamayagpag sa industriyang ginagalawan nito pero ang boss nila ang pinakamapagkumbabang boss na nakilala niya. Sayang nga lang at kailangan na nitong magretiro dahil na rin sa hiling ng esposa nito at mga anak.
Dalawang buwan na nila pinaghandaan ang pagdating ng bago nilang boss pero lahat ay tensyonado pa rin. Ayon na mismo kay sir Renato, mula nang magtapos sa kolehiyo sa isang prestihiyosong eskwelahan ang kanyang panganay ay halos hindi na ito umuwi ng Pilipinas. Nagtatag ito ng sariling negosyo sa Amerika at mas pinagtuonan iyon ng pansin kaysa sa negosyo ng kanilang pamilya. Hindi din daw maganda ang relasyon ng mag-ama dahil sa isang bagay na hindi na idinetalye pa ng boss nila. Sigurado siya na siya ang unang dapat mag-adjust sa bagong boss dahil siya ang magiging personal assistant nito. Kaka-promote lang rin sa kanya dahil nagretire na rin ang dalawang dekadang assistant ng boss nila kasabay sa pagreretiro din nito.
Nakapagtapos siya ng Computer Secretarial course sa kolehiyo ng lungsod nila. Ulilang lubos na siya kaya siya ang nagtaguyod ng pag-aaral mula high school hanggang sa makapagtapos siya ng kolehiyo. Marami na siyang naranasang hirap mag-isa at sa awa ng Diyos ay nalagpasan niya naman lahat. Namatay ang nanay at tatay niya noong trese pa lang siya. Nasunog ang bahay nila noon at dahil hindi pa siya nakakauwi ay siya lang ang nakaligtas. Ayaw naman siyang akuin ng mga kamag-anak ng nanay at tatay niya dahil na rin sa hirap ng buhay. Kinupkop siya ng kapitana sa baranggay nila para makapagtrabaho siya at maituloy ang pag-aaral. Naging katulong siya sa karinderia nito na bukas buong araw. Pagkatapos ng klase niya noon ay siya ang tumatao sa karinderia kasama ang ilan ding ulila na kupkop din ng kapitana nila. Likas na mabait kasi iyon dahil balo at walang anak. Nang magtapos siya ng high school ay nag-apply siya bilang student assistant scholar sa kolehiyong panglungsod sa kanila. Hindi siya nagbabayad ng tuition kapalit ng pagtatrabaho niya sa skwelahan. Sa kabila noon ay nagtatrabaho pa din siya sa karinderia ng kapitana nila tuwing sabado at linggo para sa allowance niya at iba pang projects. Nag OJT siya noon sa kompanyang ito sa huling taon niya sa kolehiyo at dahil maganda daw ang naging records niya in-absorb siya ng kompanya.
Limang taon na mula ng mangyari iyon kaya limang taon na siya sa kompanya. Umalis na din siya sa bahay ng kapitana nila at umupa ng maliit na bahay malapit sa trabaho. Nag-aabot pa rin siya ng pera bilang pagtanaw ng utang na loob sa kapitana at tinutulungan miya itong magpaaaral ng mga ulila din.
Mula ng magsimula siyang magtrabaho dito ay hindi niya man lang naisip na maghanap ng ibang kompanya. Napakabait ng boss niya at kaibigan niya lahat ng katrabaho niya kaya wala na siyang mahihiling pa. Nang ma-promote siya ay laking tuwa niya. Tinuro naman sa kanya ni ma'am Lourdes, ang nagretirong assistant, lahat ng dapat niyang matutunan kaya confident siya na magiging epektibo siya sa bagong posisyon.
"Oy, Riya! Handa ka na ba? Naku, sana kasing bait ng bagong boss natin si sir Nate 'no?" Naputol ang pagbabalik tanaw niya ng biglang magsalita si Jenny sa gilid niya.
"Sana kamo gwapo." Komento naman ni TJ, na isang bading.
"Basta kahit na pangit basta mabait, okay na sa'kin." Sagot niya sa mga ito.
"Maatim mong maging boss ay chaka?! Que horror! Ang gwapo ng ama dapat mas gwapo ang anak!" Eksaheradong komento ni TJ.
"Hindi daw 'yon mabait, 'te. Di'ba inabisuhan ka na ni sir Nate?" Wika ni Jenny sa kanya na mas lalong ikinakaba niya. Nasabihan na sila ni sir Renato o sir Nate kung tawagin nila na talagang hot tempered at maikli ang pasensiya ng anak nitong panganay.
BINABASA MO ANG
Devil Beside Me
RomancePara sa isang babaeng kaibigan ng lahat, mahirap mag-adapt sa isang taong napaka-aloof. Riya thinks that everybody has a soft side and can be warm at heart. Not until she met Rafael Ventura, a handsome bachelor with a hint of rudeness. Hindi nakikih...