Halos isang linggo na rin simula nang naging boss namin si sir Raffy. So far, maayos naman ang lahat. Medyo naparami lang ang trabaho namin dahil yung mga files na galing sa kompanya niya ay inayos namin lahat ayon sa kung anong departamento ito kailangan. Naging masyadong busy din si sir Raffy nitong mga nakaraang araw, kaliwa't kanan ang mga meeting nito.
Minsan nga ay hindi na ito lumalabas ng opisina para kumain at nagpapadeliver na lang. Madalas din ang over time nilang dalawa. Marami itong pinapagawa pero kung titingnang mabuti mas marami nga itong ginagawa kaysa sa kanila. Hindi pa kasi naaayos mabuti ang pagmerge ng kompanya nito sa kompanya ng daddy nito. May ilang bagay pa na kailangan ayusin. Madalas kapag may meeting ito ay iniiwan lang siya pero sa mga importanteng meeting ay nandoon siya para magsulat ng mga importanteng detalye. Ngayong araw ay may meeting ito kasama ang isang chinese business man habang siya ay maiiwan dahil hindi naman daw iyon gaanong importante.
"Sir, after po ng meeting ninyo with Mr. Wong ay may meeting pa kayo at 3pm with a certain Sophia Rivas. After that you're good." Paalala niya dito bago man lang sila magkahiwalay dahil nga sa meeting nito.
"Okay, good. Give this to HR and tell them that this is the approved wage increase that we will have next month. Tell them that we also need more people from the engineering and architectural department by the end of next month since, all of the work that was left in my office in the US will be transferred here." Inabot niya ang folder na binigay nito. Minsan talaga kahit hindi ito marunong ngumiti ay may nakikita siyang kabaitan dito.
"Is there anything that we have forgotten to discuss today?" Nag angat ito ng tingin sa kanya na bahagya pang nakatikwas ang kilay. Napatingin tuloy siya sa kulay abuhing mata nito.
"N-nothing else, sir. Aside from the callback that Mr. Clavecillas was asking yesterday, sir. Hindi niyo pa kasi sinasabi kung tatawagan ko siya." Titig na titig siya sa mata nito habang nagsasalita. Napakaganda talaga ng mga mata nito. Ang sarap titigan buong araw.
Hay, nagpapantasya ka na naman sa boss mo Riya! Kastigo sa kanya ng isip niya.
Hindi kaya. Kontra niya pa. Minsan nakakabaliw isipin na araw araw niyang kasama ang lalaking ito na kung hindi businessman ay malamang modelo ang naging trabaho.
"Oh, that. Yeah, call him and tell him that I need a better proposal. I don't want the same trash or he could have his team leave the company ASAP." Nakakunot na naman ang noo nito habang nagsasalita.
Napapaisip siya kung marunong ba ito ng salitang awa minsan. Nung nakaraang linggo lang ang head ng finance ang kaaway nito dahil hindi daw balance ang worksheet. Muntik pa nga nitong masisante iyon kung hindi lang nag overtime at binigyan siya ng mas magandang resulta the next day. Minsan naman ay may mga kausap ito sa telepono na halos mapatid na ang litid nito sa kakasigaw sa hindi naman niya malamang dahilan.
"Nakikinig ka ba, miss Chavez?" Pukaw nito sa kanya.
Napapitlag siya mula sa pagkakatitig dito at napayuko sa pagkapahiya. Uminit ang pisngi niya. "Ahm, y-yes, sir. "
Bumuntong hininga ito at sumandal sa swivel chair nito. "By the way, can you contact a flower shop and send Sophia Rivas a bouquet of flowers. Ikaw na pumili may taste ka naman siguro sa magugustuhan ng babae. You also put a note there that I will pick her up later."
So girlfriend pala nito iyong Sophia na ka-meeting daw mamaya. Kaya pala parang hindi pa niya naririnig ang pangalang iyon. Ayan bawasan ang pantasya may nobya na pala. Nang uuyam na kastigo ng utak niya sa kanya.
Heh! Saway niya sa sarili.
"Yes, sir. Ahm, kailangan ko po ba mag overtime mamaya, sir? Babalik ba kayo dito or uuwi ako on time?" Tanong niya dito para sigurado siya kung ano kailangan niya gawin mamaya.
BINABASA MO ANG
Devil Beside Me
RomancePara sa isang babaeng kaibigan ng lahat, mahirap mag-adapt sa isang taong napaka-aloof. Riya thinks that everybody has a soft side and can be warm at heart. Not until she met Rafael Ventura, a handsome bachelor with a hint of rudeness. Hindi nakikih...