Chapter 47 (A)

4.7K 73 2
                                    


Mara's POV

"Mara! Dahan dahan naman sa pag dri drive! Pag na aksidente tayo!" Suway ni Agean sakin..

Pupuntahan ko si Erin sa pampanga. Kailangan ko siyang makausap. Mababaliw ako Erin Flinte pag hindi mo ako napatawad. Halos wala akong tulog at kain.

Halos hindi pa ako nakakapag palit ng damit. Parang hindi na ako to. Pero wala nakong pakielam. Bastat ang importante ay makausap ko si Erin. Siya ang buhay ko.

- - - - - - - - - -

Erin's POV

"Erin ikaw na muna ang bahala sa bahay ha. Mamamalengke lang ako para sa tanghalian naten." Sabi ni ate Kath sabay labas ng kwarto ko.

Ako naman. Parang wala parin ako sa sarili. Sabi ni ate manuod nalang ako ng tv kaso wala namang magandang palabas. Kaya eto ako ngayon nakahiga sa aking kama.

Hindi padin siya mawala sa isipan ko. Ang panlolokong ginawa niya sa akin. Pero hindi ko alam pero bakit namimiss ko siya.. arrrgh!!! Bwisit!!

"Erin!!!!" Ipipikit kona sana ang mga mata ko ngunit may narinig akong sumigaw mula sa labas ng bahay namin. At parang pamilyar ang boses na yun.

Agad agad na akong bumaba at lumabas ng bahay. Naka sando at pajama lang ako pero may suot naman akong bra.

Biglang nanigas ang aking katawan dahil

"A-anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sa kanya.

Lumapit ako sa gate para pigilan siya. Dahil pilit niyang binubuksan ang gate namin.

"Erin. Please naman kausapin mo ko!" Pagmamakaawa ni Mara.

Iba ang itsura niya ngayon. Parang hindi siya si Mara. Kaawa awa ang itsura niya ngayon. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o hindi pero nagagalit ako sa kanya.

"Manloloko ka! Akala koba ako lang?!" Garalgal kong sabi. Parang binubunutan ng tinik ang aking puso. Masakit pero bakit gusto ko siyang yakapin.

"Wala akong alam sa nangyari. Pagkagising ko katabi kona si Cheska. Maniwala ka Erin please." Lumuhod siya sa aking harapan. Nakikita ko ang mga agos ng luha ni Mara. Ayoko siyang tignan.

Gusto kong maniwala sa mga sinasabi niya sa aking ngayon pero bakit may kumokontra?

"M-mara tumayo kana d-diyan. A-ayoko na." Mangiyak ngiyak kong sabi.

Tumayo si Mara. Hinawakan niya ang kaliwang braso ko. Mahigpit niya itong hinawakan.

"A-ang bilis mong sumuko. Pero tandaan mo mahal na mahal kita." Mahina niyang sabi. Sabay naglakad na siya palayo sa akin.

Mas lalong sumakit ang pakiramdam ko ng sabihin niya yon. Ako? Mabilis sumuko? Shit lang ha?! Sino ba itong nagloko?! Ako ba?!

Nagmadali na akong pumasok sa bahay at dumiretso sa aking kwarto.

- - - - - - - - - - - -

Hi po!!! Pasensya na po sobrang tagal ko mag update huhuh.

Pero sana may nag babasa pa po :) thank you :))

May part 2 pa po itong part na ito. Maikli lang po kasi eh ~_~

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon