Chapter 15

18 0 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

“Huhubells!!!” Sinubsob ko ang ulo ko sa desk ng chair ko. Nakakahiya grabeeee!! Anong katangahan ginawa ko kanina!? Bakit kasi ang ingay ng utak ko. At nagsabwatan ba sila ng mouth ko!! Mga traydor!! “Huhubells! Nakakainis! Nakakahiya!!” 

“Kanina ka pa Huhubells ng Huhubells jan Makayla ah!” Tinignan ko ang katabi kong si Kristi na nagte-text pero nakakunot ang noo. Andito pala sya. 

“Did I say it out loud again Kristi??” Naluluhang sabi ko. Ano ba naman diba uso yung sa utak lang na convo ko with myself????

“Oo! Kanina pa!” Buntong hiningang sabi ni Kristi pero ayun ang best friend ko nagte-text pa din. Sino ba ka-text nito?

“NAKO NAMAN!!" Napahilamos na lang ako sa mukha ko. What is happening to me?

“Ano bang problema mo babes?” Binaba nya yung phone nya at napapa-kamot sya ng ulo. Wait, kahit napapakamot ng ulo tong si Kristi parang nagpo-photoshoot lang ang peg. Pretty pa din! Ahaha

ANYWAY! Ang gulo ng utak ko ah.  

“Traydor kasi ung utak at bibig ko! Nakakahiya!!” Napayakap ako sa balikat ni Kristi at pinat-pat nya lang ung ulo ko.

“Pano ka ba trinaydor ng utak at bibig mo? Bakit? Iniisip ba ng utak mo na ang pogi ni Jared at sinabi un ng mouth mo?” Napataas agad yung ulo ko at tinignan sya with wide eyes. Pano nya nalaman? Ung totoo may pag ka-mind reader ba tong si Kristina??

“I’m not a mind reader.” At nagbuntong hininga si Kristi. Napaatras naman ako sa kanya with same wide eyes in my face. Say whuuut? Kung di sya mind reader ano sya nakakakita ng future? Ay este, past pala?

“Hindi din.” And she gave me a look. “You’re just like an open book na nakabalandre at naka capslock pa ang mga nasa isip mo.” Sabi ni Kristi then she shook her head. 

“OMG! Di nga??” Ibig sabihin alam din ni Jared ung nasa isip ko?? NOOOOO

“Pero babes. Ako lang or si Miles makaka alam nyan kasi kami ang best friend mo at kami ang lubos na nakakakilala sayo.” -Kristi

“Hayyyyyy.” Para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan!

“So tama nga ung sinabi ko?” Kalabit nya sakin.

*nod nod*

“Ahahaha My best friend! Inlababo na ba?” Kinikilig na sabi nya.

“ANO??? HINDI AH!” Ako in love?? Tss. Ata? Noooooooo

“Sus. In denial pa?” Sabay ngiti sakin na parang nangaasar.

“Hindi nga kasi!!” Hindi talaga! Oo nagwapuhan ako nung first time ko syang nakita pero…

“Okay fine. Edi hindi na.” Nag-cross arms si Kristi at tinignan lang ako sa mata. Ung tinging nakakaloka ah! Feeling ko nababasa nya ung nasa isip ko!

Natahimik kami for awhile at nagtitigan...

Nakakalerkeyyyy ang tingin ni Kristinaaaa!!

“FINE! OO NA! Wait… ata. Hindi ako sure!” Napasubsob ulit ako sa desk ko. Ang gulo ng isip koooo!

“Ahahahaha Aamin din naman pala! Sus. Kailangan pang titigan ng matagalan. Edi you tell him you like him.” Natatawang sabi ni Kristi. Agad naman na bumangon mula sa pagkakasubsob sa desk ang ulo ko.

“NO!! I’d rather die!” Nakakahiya kaya. Pano kung ireject nya ko. Major OUCH to the highest level.

“Ang arte ah!” Sabay palo sakin.

Love at First Punch [ON HOLD :(]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon