Prologue

65 0 0
                                    

“HURRY UP! HURRY UP!"  sigaw ng head maid namin habang kinaclap ang dalawa nyang kamay "BILISAN NYO!!" dagdag pa nya habang paulit ulit dinadabog ang kanyang pamaypay sa wooden table namin, sanhi din ito sa lalong pagbilis ng kilos ng mga under nyang katulong. "Dyus miyo kayo! Kailangan pa tagalogin para makaintindi!!! BILIS NA!!!”

“OPO!” sabay sabay sinabi ng mga maid na kanina pang paikot ikot at nagtatatakbo sa malaking espasyo na to

“Hindi ba talaga ako pwede tumulong?” sabi ko habang nakapout at nakapalumbaba sa inuupuan ko

“Hindi talaga pwede Miss Ruth” sabi ng isang maid na huminto at bigla din tumakbo papunta sa ginagawa  nya

“Eh~~! Sige na~” pagpilit ko

“Hindi po talaga pwede eh” may huminto nanaman isang maid para sabihin yun at tumakbo ulit paalis.

“Naman eh~~! Head! Sige na~! gusto ko tumulong!” paghihimutok ko

“Hindi nga pwede Ruth! Wag ka na makulit!” sabi naman ni lizzy na bestfriend kong maid na huminto din sa harap ko na nakapamewang pa.

“sige na~”  this time with matching puppy eyes

“Aish! Wag mo ipanglaban yan! Wag ka nga makulit Ru-- ARAY!” nagulat ako ng biglang paluin ni head maid si lizzy ng pamaypay sa ulo. Napatawa ako ng onti dahil sa itsura ni lizzy at ni head, muka kasi silang ewan hahaha para silang comedy duo XD

“SABI KO SAYO ‘MISS RUTH’ ANG DAPAT ITAWAG MO SA KANYA!” sabi ni head maid na may kasamang umaapoy na aura sa paligid nya

“Opo ma’am… aw… sorry po..” nag bow ng paulit ulit si lizzy kay head maid at sa akin. Nag gesture din sya ng ‘wait lang’ bago sya tumakbo pabalik sa inaasikaso nya.

“Miss ruth” napatigil ako sa pag ngisi ko “ilang ulit na ba namin sasabhin na hindi pwede. Andito ngayon ang iyong lolo, magagalit sya pag nakita ka nyang tumutulong sa pagaasikaso para sa handaan bukas” mahinahon sabi sakin ni head maid

“parang tutulong lang..napaka stingy talaga tong tanda na to... hmph!" pabulong ko sinabi

"ano po iyon MISS RUTH?" sabay taas pa ng isa nyang kilay

ah wala! ang sabi ko lang hindi naman ako magpapahuli” tumingin ako sa ibang direksyon at nag pout pa ulit... HMPH!

“Wag na po matigas ang ulo miss ruth-“ tapos napatingin sya sa kanyang relo” BILISAN NYO!! ANONG ORAS NA!!” naglakad na pabalik si head maid sa inaasikaso nila

Nagtungo na lang ako sa balcony ng malaking ball hall na tp at doon nagmukmok.

“hay…” napabuntong hininga na lang ako sa sama ng loob >,< gusto ko talga tumulong eh!!!

Ano naman kasi masama kung tumulong ako d ba? Dapat nga matuwa pa si lolo kaso kabaligtaran pa >,>

Hindi nga ako isang prinsesa pero pinanganak ako sa isang marangya pamilya kaya parang ganun na din ang buhay ko.. prinsesa nakakulong sa isang palasyo.. pinagsisilbihan at bantay sarado pa ng mga servants.. then kailangan lady like kumilos at magsalita…magsuot din ng tamang damit.. Tapos kailangan mo pa sundin lahat ng pinaguutos sayo ng hari… sa version ko naman... ang pinagkaiba lang.. nakakulong ako sa isang mansion at ang hari dito ay ang lolo ko... 

A thief's kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon