Next Month

1.9K 96 36
                                    

"JOEY MEAD'S KING IS NOW A QUEEN"


Walang tigil ang pagtunog ng cellphone ni Joey dahil sa sunod-sunod na notification sa kanyang Instagram account, pati na rin ang pagtawag ng kanilang mga kakilalang nakaalam ng mainit na balita... na ang bilyonaryong asawa ng Asian Fashion Model Icon ay isa palang transwoman.

Likas na mabait at maunawain si Joey. Taliwas sa tila "normal" nang katarayan ng mga sikat na modelo ay kasundo ni Joey ang kanyang mga nakatrabaho. Mula noong nagsimula siyang magmodelo sa edad na 15 taon; sa unti-unti niyang pagsikat dahil sa kanyang ganda at husay sa pagmomodelo sa mga magazine covers sa iba't ibang bansa; sa pagiging sikat at kauna-unahang Pilipinang VJ sa MTV International Channel V; sa pagiging kauna-unahang Pilipinang bumida sa Head & Shoulders commercial sa Canada; sa pagiging host sa ASAP at sa ilang international show; hanggang sa pagiging mentor/judge ng Asia's Next Top Model. Wika nga ay sementado na ang estado ni Joey bilang tinitingalang modelo at international host. Sa lahat ng kanyang tagumpay, ni minsan ay walang naipintas sa kanya patungkol sa kanyang ugali.



"I'm sorry. It's all my fault. If I didn't insist on coming out they wouldn't be pestering you like crazy," malungkot na paumanhin ni Ian sa asawang si Joey.



"I told you we won't be blaming each other whatever happens after you come out. Besides, I already expected this kind of reaction from them. Not all our friends know about your true self, plus the media. They need a fresh story and it seems ours is a good one for publicity," malambing na sagot ni Joey sa asawa.



Matamlay na umupo si Ian sa tabi ni Joey sa kanilang kama at inakbayan ang asawa.


"We're in this together, honey. There's no turning back anyway. Your other instagram account's already out in the open," ani Joey habang hinahaplos ang kanang braso ni Ian na puno ng tattoo.


"Thank you. You don't know how relieved I am now that the world knows the true me... Thank you, honey. I love you Mrs. King," emosyonal at naluluhang pasasalamat ni Ian.

Sinserong ngiti ang isinukli ni Joey kay Ian kasabay ng pagharap dito upang pahirin ang luha ng asawa niyang nauna pang maluha sa kanya.

"My cry baby husband," natatawa niyang tukso sa asawa.

"Oh wait. Now that Angie Mead King's already out, I think I should be calling you "my wife" instead when were in public places. Sayang naman ang ganda ng asawa ko," biro pa niya.


Hindi naman nabigo si Joey na patawanin ang kanyang asawa.

"Hahaha, you sound like an eager talent manager," ani Ian. "But you don't have to do that. You are my wife. I might be a woman now but I will always be your husband. You've sacrificed and adjusted more than enough. You already lost the man in me, I won't let you lose your husband. I'll put on makeup, wear heels and dresses but my role as your husband will never change. Nor will my love for you," madamdamin niyang sambit.


"I love you," masayang tugon ni Joey.

Niyakap nila ang isa't isa at hindi inalintana ang maingay na tunog ng cellphone ni Joey.








Samantala, sa kusina ng tahanan ng mag-asawang King ay walang humpay sa pagtatalo ang dalawang kasambahay na sina Pau at Lin.


"Huhuhu! My purple heart! Kalat na sa social media na si Sir Ian ay Mam Angie na. Diyos ko! Nakita ko pa 'yung itinagong instagram ni Sir, ang ganda ganda ng eye shadow niya doon at parang si Mam Joey kung pumostura. Huhuhu! Paano na ang ship ko?" halos maglupasay na si Pau dahil siya ang numero unong tagahanga ng mag-asawa.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Queen's QueenWhere stories live. Discover now