Simula

2 0 0
                                    

Nasa Labas ako ng bahay namin ng Hapon na iyon, habang hawak ang pambabaeng laruan na regalo ni Daddy. Nagtataka nga ko dahil ilang beses ko naman na banggit sa kanya na nais ko iyong nakita ko Mall na malapit dito sa aming lugar ang Laruan na may apat na gulong na may remote para ito ay umandar ngunit isang malaki na stuff toys ang kanya binili.
Habang nakatingin ako malaking gate na nakabukas sa aming harapang bahay, pansin ko kasi na naglilipat ng gamit ang nakatira doon, Ang alam ko ay mga matatandang Dalaga ang nakatira doon na hindi masyadong lumalabas.
"Aba'y andito ka lang pala. Kanina kapa hinahanap ng Mommy mo. Tara na at makapagmeryenda ka." Pag sulpot ng tagapangalaga sa akin na si Manang Mercy.
"Nang, Bakit po naghahakot sila ng gamit dyan sa bahay ng mga Salcedo?"
Nagtatakang tanong ko sa matanda.
"Ah! Napagpasyahan ata ng mga matatanda na manirahan sa probinsya kaya binenta yang bahay nila. Alam ko sa susunod na linggo may bago ng nakatira dyan. Naku! Tara na baka naghihintay na sa kainan nyo ang mommy mo."
Yakag sa akin ni Manang patungo sa gate papasok.

Makalipas lang ng Ilang linggo kakauwi ko lang galing sa eskwelahan na pinapasukan ko, Masyado ako napagod sa mga activities na ginawa namin kaya nais ko na sana pumasok sa loob ngunit nahuli ng tingin ko ang bago naming kapitbahay sa dating tirahan ng matatandang Salcedo.
Sila pala ang nakabili ng bahay.

ANG STORY NA ITO AY ORIHINAL AT KATHANG ISIP LAMANG ANO MANG PAGKAKATULAD NG PANGALAN AT LUGAR SA TUNAY NA BUHAY AY NAGKATAON LAMANG AT HINDI SINADYA.

ITO PO AY SAME LOVE STORY, IT MEANS TUNGKOL SA PAGIBIG NG MAGKAPAREHONG SEKSWALIDAD AT PAGBUBUKAS SA ISIPAN NA HINDI PAGKAKAMALI AT KASALANAN ANG UMIBIG.

MATURE CONTENT
BE RESPONSIBLE SA PAGBABASA
WAG PO TAYO MAGCOMMENT NG HARSH.

AT HULI SA LAHAT AKO PO AY HINDI PROPESYONAL SA PAGSUSULAT, KAYA PAGPASENSYAHAN NA PO ANG TYPOS , GRAMMAR , STRUCTURE NG STORY.

SALAMAT.

LOVE EQUALITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon