Naramdaman mo na ba na lumalaki na alam mong may kakaiba sa iyo hindi sya Mali ngunit Kakaiba. Dahil hindi karaniwan sa akin ang ganitong pakiramdam dahil iba ang nakikita ko sa paligid, Minsan napapaisip ako kung bakit ganoon ang damdamin na meron ako ito ba ay dahil sa nakakasalamuha ko o nagiimagine lang ako.
Andito ako ngayon sa tapat ng Bahay ni High may usapan kasi kami na sabay kami pupunta sa bahay ng classmate namin para gumawa ng project sa school.
"H! Tara na! Baka gabihin tayo.!"
Saad ko habang kumakatok sa malaki nila na Gate.
Kaso wala ko marinig na naglalakad palapit. Kaya kumatok pa muli ako ng mas malakas. Madalas kasi na nasa entertainment room ang pamilya lalo na kung hapon kaya di ka talaga nila maririnig pwera na lang kung kakalampagin mo ang Gate nila na sobrang Taas.Narinig ko na may nagbubukas ng gate mula sa loob.
"Ay naku! Pasensya na Abby. At nasa taas kasi kami di kita narinig. Ano tara na?" may apologetic na sabi ni High.
Ngiti lang ang sinukli ko sa kanya at Hinawakan na sya sa kamay pagkatapos nya maisara ang gate nila.
Tumakbo na kami papunta sa panglimang kanto mula sa amin dahil doon nakatira si Sasa na classmate namin.
"Ay!ay! Bakit kaba nagmamadali? Madadapa tayo nito Abby eh!" Hinihingal na tanong ni High sa akin
"Hapon na kaya! Tagal mo kasi baka gabihin tayo nito sa paggawa."
Paliwanag ko sa kanya.
"Sa loob lang din naman tayo ng subdivision kaya pwede tayo magpasundo kung manyari yon."
Naiinis na sabi ni high sa akin.
Natatawa na lang ako kasi ayaw nya talaga na nagmamadali. Makupad kasi yan kaya madalas malate sa kahit anong lakad.Kumatok na kami sa Gate ng Bahay nila Sasa, hindi tulad ng kala High at sa amin hindi mataas ang Gate nila Sasa simple lang kita ang bakuran sa loob na maraming halaman at bulaklak na tanim ng Daddy nya.
Nakita namin na lumabas mula sa front door si Tita Mabeth na Mommy ni Sasa."Magandang Hapon sa inyo! Tara , pasok kayo. Si sasa nasa kusina at naghahanda ng meryenda nyo para daw may makain kayo habang gumagawa ng project."
Nakangiti na bati ni tita mabeth sa amin habang naglalakad kami papasok sa bahay nila."Sasa! Andito na sila Abby at High!"
Tawag ni tita mabeth kay sasa mula sa Sala nila." H! A! Tagal nyo ah. Gumawa na lang tuloy ako ng meryenda natin."
Nakangiti na bati sa amin ni Sasa.
"Alam mo naman ang bahay nila H daig pa ang soundproof na bahay."
Natatawa kong sabi sa kanya sabay tingin kay H na nakasimangot na.
"Ewan ko ba kala mommy kung bakit ganoon ang taas ng gate namin ang layo pa sa front door, nilagyan na nga ng camera iyong gate para makita na din sa monitor." Paliwanag naman ni H sa amin."Ano tara na?, Doon tayo sa taas sa kwarto ko tayo gumawa ng project natin." Aya nya sa amin sabay hawak sa magkabila naming kamay ni H.
" Mommy dun po muna kami tska po iyong meryenda padala na lang po ah. Salamat! Tara na." Paalam nya sa ina bago kami inakay pataas.♡♡♡♡♡
Habang nilalatag namin ang mga materyales na gagamitin para sa project namin nakita ko ang mga litrato na nasa isang aparador para sa mga display, tumayo muna ako saglit upang pagmasadan ang mga iyon.
May apat na bata na mukhang masaya sa larawan, kapwa sila nga nakangiti maliban sa isa na nasa gitna ito lang ang nakasimangot habang yakap ng mga batang katabi."Cute natin dyan." Nagulat ako ng nagsalita si Sasa sa tabi ko.
"Oo pwera sayo." Asar ko sa kanya sabay belat.
"Oy! Hindi ah. Si H nga tignan mo nakasimangot kasi ayaw magpayakap" turo nya sa batang nasa gitna na si H.
Nagtawanan na lang kami habang bumalik sa naiwang ginagawa namin samantalang si H nagguguhit na ng mga imahe ng babae sa malaki puting papel. Naatasan kasi kami na gumuhit ng modernong storya na may temang monarkiya iyong may hari at reyna.Mga alas-otso na ng gabi ng matapos kami sa paggawa ng project gusto sana kami ihatid ng Daddy ni Sasa sa mga bahay namin ngunit nagpasya kami ni H na maglakad na lamang dahil sa ilang kanto lang naman ang layo at masarap ang simoy ng hangin.
Naglalakad kami ng may tinanong si H.
"Nakakamiss maging bata noh?"
Tanong nya sa akin habang naglalakad ng patalikod sa direksyon pauwi at nakaharap sa akin.
"Oo naman, iyong mga laro natin sobrang memorable yun tska kakaiba." Nakangiti kong sang-ayon sa kanya.
"Kaya nga iyon ang naisip ko na tema sa project natin kakaiba." Sagot nya pabalik sabay ayos na ng lakad.
"Ano kaya sasabihin nila pagpiniresent natin iyon sa klase?"
Nangangambang tanong ko.
"Ano kaba, A! Sabi naman ni ma'am kakaiba dapat, iyong nagawa natin kakaiba na may aral pa. diba?" Natatawang saad nya na kala mo nakaisip sya ng isang genius na idea.
Natawa na lang din ako habang inimagine ang mangyayari sa klase at magiging reaksyon nila sa project na ginawa namin.
BINABASA MO ANG
LOVE EQUALITY
General FictionShe already know that she's different , hindi dahil may kapansanan sya sa pisikal at mental ngunit sa puso.