Nakatira kami sa Makati,hindi sa Makati ng mayaman huh,sa Makati squater area(hahaha).Pababa na ako ng tawagin ako ng tiyohin kung si Tiyo Bert."Ibili mo nga ako ng beer."
"Tiyo pwede bang si Rowena nalang utusan niyo. Tatanghaliin na kasi ako.
"Eh ikaw ang gusto kung utusan?Gusto mong makatikim sakin?
Tumayo ang tiyuhin ko para siguro bigwasin ako pero napababa ako ng hagdan,kasing bilis ng kabayo.
"Utang po bah?
"Ano pa bah,may pera ka ba?eh d bilhan mo ko.
Ganito nalang lageh,sumasakit ang kalooban sa pagsunod sa mga tiyuhin at tiyahin koh. Nagtitiis sa pisikal at salitang pangmamalupit at pagmamaltrato sakin.
Wala na akong magulang,namatay ang mga magulang ko sa accidente at ang tiya Loling ko ang siyang kumupkop sakin,kapatid siya ng nanay koh.Noong una mabait naman si Tiya Loling sakin eh,nahuhuthutan lang ni Rowena ng kung ano-ano.Syempre sino pa ba ang paniniwalaan niya,syempre blood is thicker nga diba,so sa anak talaga siya kakampi.Mula noong pinagbintangan ako ni Rowena na kumuha ng cellphone niya ay lage nalang akong pinapagalitan ni Tiya at malupit pa ang asawa nitong lasinggo.Pero kahit ganun,tinitiis ko nalang kasi pinapaaral naman ako ni Tiya Loleng at magtatapos na ako ng high school sa katapusan ng Marso.
BINABASA MO ANG
Ampun
RomanceConnie Valderama isang mahirap pero puno ng pangarap sa buhay. Mrs. Anticamara ang taong tutulong sa mga pangarap ni Connie At si Jeffrey Anticamara anak ni Amparo Anticamara na walang ginawa para kontrahin ang mga gusto ng kanyang mama pero mahal n...