Kapag bibigyan man ako nang pagkakataon para humiling ay yung pagbalik ko sa mga oras na kasama ko siya.
Yung mga oras na nandito siya sa tabi ko at niyayakap niya ako kahit anong tulak ko sakanya.
Yung mga oras na kinukulit niya ako kahit badtrip na badtrip na ko at di parin tumutigil.
Yung panahon na kailangan kong mapag-isa pero buntot ng buntot siya saken dahil alam niyang may gagawin akong katarantaduhan sa sarili ko.
Yung oras na sinisigawan ko siya at pinagsasalitaan nang masasakit pero ngumingiti parin siya.
Yung oras na pinakita ko sakanya kung gaano ko siya ayaw makasama at gusto kong alisin siya sa paningin ko pero nanatili parin siya sa tabi ko. Ewan ko ba, may saltik atang tong babae to, di nagpapatinag sa galit at katarantaduhan ko! Samantalang isang sigaw o isang talim na tingin ko lang sa iba nagtatakbo na.
Sana bumalik na siya.
Gusto kong ibalaik yung mga panahon na yun para itama ang lahat ng ginawa kong kataranraduhan sakanya. Ang gago ko lang kasi di ko inisip wala palang permanente dito sa mundo. Noon, bago pa siya nagpakilala sakin, ang motto ko sa buhay "Nothing's permanent."
Pero nagbago yung noong nagsimulang gambalain niya ang walang saysay kong buhay.
Tangina! Pakiusap bumalik ka na!
.....
PLAGIARISM IS A CRIME!
XOXO,
cessangmaldita
7.25.16
YOU ARE READING
Justice Love
Teen Fiction"There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love." -John 4:18