INFATUATION TURNED INTO LOVE

252 1 1
                                    

INFATUATION TURNED INTO LOVE

CHAPTER 1

"Lilipat na tayo sa Bulacan." Wika ni Aling Felisa sa anak na si Eiram

"Bakit?" Tanong ni Eiram na may halong pagtataka

"Ibebenta na natin itong bahay natin. Dun muna tayo sa bahay ng Aunty Lau mo sa Bulacan." Sagot ni Aling Felisa

Hindi na nakakibo si Eiram. Pumunta ito sa kanyang silid at dun nag-isip. Nalulungkot ito pagka't iiwan na niya ang lahat ng mga naging kaibigan niya. Pero alam niyang wala naman siyang magagawa kahit na tumutol siya. Kailangan nila ng pera, kailangang maibenta ang bahay nila. Hindi naman niya nagawang magpaalam sa mga kaibigan dahil bakasyon na nang malaman niya at hindi pa uso non ang cellphone sa mga bata.

Lumipas ang mga araw at dumating na ang takdang panahon ng paglipat nila. Nalulungkot siya pero masaya na rin sa kabilang banda. Magkakaron siya ng bagong paligid, at mga bagong kaibigan. Lingid sa kanyang kaalaman, dito na pala magsisimula ang buhay "teen" niya. Nag-enroll siya sa isang paaralang malapit sa kanila para duon na ipagpatuloy ang pag-aaral.

Dumating na ang pasukan. Kabang-kaba siya sa maaaring mangyari sa unang araw ng eskwela. Maagang dumating si Eiram kasama ang pinsan niyang si Raf na anak ng kanyang Aunty Lau. Doon din ito nag-aaral. Dito muna siya sumama habang iniintay ang Flag Ceremony. Maya-maya pa'y nagring na ang bell. Hudyat na magsisimula na ang morning ceremony. Nagkakagulo ang mga bata. Hindi niya alam kung saan ba dapat pumunta o kung saan ba nakapwesto ang Grade 5.

"LTR!" Sigaw ng isang guro.

"GRADE ONE!" Sigaw pa ng isa.

Hanggang sa marinig niya ang Grade 5. Nang makita niya kung nasan yon, agad niya iyong pinuntahan.

Matapos ang Flag Ceremony ay kanya-kanya na silang pasok sa kani-kanilang silid-aralan. Pagpasok ni Eiram sa room, isang bakanteng upuan na lang ang natitira. Nasa gitna ito ng isang hilerang panay lalaki ang magkakatabi.

"Bakit ganun? Wala ng ibang bakanteng silya. Nakakahiya. Sa mga lalaki pa ako makikitabi." Bulong ng kanyang isip.

Pero wala naman siyang magagawa. Kaya kahit nahihiya ay umupo na rin siya. Dito, una niyang nakausap sina Wawi at Hoody na pawang mga katabi niya. Pero ang nakatawag ng kanyang pansin ay ang dalawang makikisig na mga lalaki. Ang klaseng kanyang napasukan ay parang hindi klase ng Grade 5. Hindi mukhang butiki ang mga lalaki at hindi din naman galawgaw ang mga babae. Aktong dalaga't binata na sila.

Lumipas ang mga oras, araw at buwan, unti-unti nang nagkakaroon ng mga kaibigan si Eiram. Nagsisimula na din siyang tablan ng salitang "CRUSH". Oo. May crush na ang bruha. Sina Mart at PK. Pero magkagayun man, ang atensyon niya'y palaging nakapako kay Mart.

Madalas kung titigan niya si Mart. Kulang nalang ay matunaw ito. Makikita nalang ni Eiram ang sariling nakatulala na pala sa harap ng binata habang tinitignan siya ni Mart. Makakaramdam siya ng hiya at ibabaling ang paningin sa ibang bagay. Mapapangiti nalamang silang dalawa bigla. Hindi man ipahalata ni Eiram, ay kinikilig ito tagos hanggang bone marrow. Kaya sa sobrang pagkagusto sa ganung pakiramdam, halos araw-araw ganon ang eksena. Tititig siya, matutulala, at mahuhuli ni Mart tapos ay sabay magtatama ang mga paningin nila at biglang mangingiti sa isa't - isa.

INFATUATION TURNED INTO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon