36 | Surgical Masks

9.2K 288 18
                                    

"The lost is gone as the answers show
New secrets will be revealed that nobody still knows
Take a great look on the event that is ahead
Because it'll answer the secret you mostly dread."

Nasaan na naman ba ako? Another dream? Wow, hindi kaya nasa langit na talaga ako this time? Puro puti nakikita ko e

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasaan na naman ba ako? Another dream? Wow, hindi kaya nasa langit na talaga ako this time? Puro puti nakikita ko e. White walls and white floors. Paano ko malalaman ang limit ng kwartong ito kung kwarto man ito?

"Test subject 3 is ready."

Napalinga ako sa paligid nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki. I forgot kung kanino. It's too familiar though. Hindi ko naman maaninag 'yung mukha niya.

Akala ko 'yun lang ang maririnig ko ngunit mayroon pa palang iba.

"Papa, tigil na po. Please?" Ibang boses naman ito. Boses ng isang batang lalaki. "Papa, bad sila. Ayaw ko na dito.

"Alyssa, pakibalik ang anak ko sa chambers niya." Ibang lalaki na naman ang nagsalita. Mas malalim ang boses nito kumpara sa una.

"Papa, please."

"Bryce, halika na," sabi ng babaeng sa tingin ko ay nagngangalang Alyssa.

"Ayoko po! Hindi ko po iiwan ang kaibigan ko! Papa, tama na po. Tama na. Ako nalang po uli—"

Hinila niya ang batang lalaki papalayo hanggang sa hindi ko na makita ang anino nila. Pamilyar din ang boses ng babae. Sobrang pamilyar.

Napahawak ako sa sentido ko nang marealize ko 'yung sinabi ni Alyssa.

Bryce? Hindi ba't iyon rin ang tinawag ni Kuya Nathan kay Dustin? Nahahalo na ata sa mga panaginip ko 'yung nai-eavesdrop ko.

Hindi pa humuhupa ang sakit ng ulo ko nang panibagong mga boses naman ang narinig ko. Iba 'to. Ngayon ko lang narinig ito.

"Itutuloy ba natin?"

"Wala tayong choice," sagot nung papa ni Bryce.

"Baka ikamatay niya."

"Then we'll know that it's a failure."

"Bata lang 'yan. Masyadong cruel naman ata 'to," sabi naman nung lalaki na pamilyar ang boses sakin.

"Umangal ba kayo nung sa anak ko ginawa 'to?" mapaklang sabi ng lalaki. "O baka natatakot kayo dahil alam niyo kung sino ang batang 'to."

"Pero—"

"Andito na siya!" singit ng panibagong boses.

"Simulan na natin," pinal na sabi ng papa nung Bryce.

Aghhh! Ang sakit sa ulo. Napaluhod ako at napapikit habang hindi ko namalayan na napahawak na pala ang mga kamay ko sa dalawa kong tenga.

Pagmulat ko ay una kong nakita ay mga puting sapatos. Habang pataas ang tingin ko ay napansin ko ang berdeng tela na suot-suot ng mga lalaki. Lahat sila ay naka-surgical mask kaya nagulat ako nang unti-unti silang lumapit.

Montague Academy: DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon