Kabanata Five

6 1 0
                                    

"Napholie! labas na diyan! marami pa tayong gagawin!"sigaw ni Pogi mula sa labas.

Nakakainis naman kasi.Pwede namang sila nalang ang gumawa ng trabahong yun.

"Ayoko! ayokong lumabas! masakit yung balun-balunan ko! tapos namamanhid yung mga strands ng buhok ko!"sagot ko.Lame man ang excuse ko pero ayoko talaga!

Biglang bumukas yung pinto ng kwarto.At iniluwa ang isang Greek god.

"Alam mo ba kung anong itsura ng balun-balunan? at kelan pa sumakit ang mga strands ng buhok? lalabas ka diyan o lalabas ka?"hindi na niya ako hinintay na sumagot,saka niya ako hinatak palabas.

Ang sarap talaga ng hangin sa province,lasang alikabok.

"Hoy mukha kang tanga diyan.Nauboy na lahat ng alikabok,kasi sininghot mo na lahat."sabi ni Pogi sabay hagikhik.Parang tanga lang.

"Nye nye nye nye nye,Talk to my precious fingers."sabi ko sabay walk out.

"Hep hep hep!"sabi ni sabay hatak saakin.

Bakit ang hilig manghatak ng mga tao sa probinsya?

"Hooray!"sigaw ko sabay taas ng kamay ko.

"Hooray? teka wag kang lalapit saakin.Nababaliw kana."saka siya lumayo at mukhang nandidiri.

"Ang wafu talaga ni Fafa P no? bagay na bagay ang pangalan niya sakanya,Pogiiii!"tili nung tindera sa kanto.

Napalingon naman ako sakanila,aba papalapit ang mga loka.

"Papa Pogi! kelan ba tayo magd-date? at diba nangako ka na pakakasalan mo ako?"sabi nung hipon na panis saka kumapit sa braso ni Pogi.

Ewan ko ba pero bigla akong nainis.Si Pogi naman nakangisi lang.Wala manlang ba siyang gagawin?

May lumapit naman na babaeng mukhang lalaki kay Pogi.Jusmiyo mas mukha pa siyang lalaki kay Pogi,at mas malaki pa ang katawan niya! eew,ganito pala ang mga tipo niya.

"Teka mga girls.Haha kelan ang alis natin?"sabi niya sabay tingin kay Hipong panis.

At dahil nagaalburoto na ako sa sobrang inis at sa hindi malamang dahilan.Ako na ang gumawa ng aksyon!

"Hoy gago ka talagang babaero ka! kelan kaba magserseryosong tarantado ka?! nakakainis ka talagang manyak ka! kulubot na yang -----"leche hindi manlang ako pinatapos! inakbayan lang naman niya ako.At sa hindi malamang kadahilanan,kinilig ako!

Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.

Hala ano yun? tsk normal lang yan,lahat ng tao tumitibok ang puso.

"Haha sorry,may asawa pala ako,bye girls.Maglalabing labing lang kami."

"Uy nandito na tayo."

Hindi ka kinikilig Napholie.Hindi!

"Uy! tara mag-umpisa na tayo."saka siya naghubad!

"H-hoy! b-bakit ka naghuhubad?!"sigaw ko sabay hampas sakanya.

Hinawakan niya ang mga kamay ko saka nilapit ang mukha niya.

"Maghubad ka."utos niya.

"Ayoko nga! sabi nangaba katawan lang ang habol mo saakin eh!"sigaw ko.Nanlaki naman yung mga mata niya.

"Hala pinaghuhubad kita ng damit kasi magpapalit ka.Naghuhubad naman ako kasi magpapalit din ako.Gusto mo bang ganyang ang suot mo mamayang magtatanim tayo?hala ano bang pinagiiisip mo?"

Summer na summer nagtatanim sila.Ang lalaki talaga ng sapak ng mga tao dito.

"Heh! akala ko kasi kung anong gagawin mo eh.Alis ka nga diyan magbibihis ako!"saka ko siya tinulak palabas.

"Oh bakit namumula ka?"

"Tarantado mainit!"sabi ko sabay sarado ng pinto.Naririnig ko pa siyang humahalakhak.

Pagkatapos kong nagbihis lumabas na ako.Mabilis ko namang nakita sila Pogi,Em,at Shrei.Naabutan ko narin silang nagtatanim.

Nung una nandidiri pa ako kasi naman ako sanay sa putik,oo nung bata ako sanay ako pero syempre lumaki ako sa amerika eh.

Alam niyo ba kung anong ginawa namin?

Ayun naghagisan lang naman kami ng putik.Ang walang hiyang si Shrei ang nag-umpisa.Hinagisan lang naman niya si Em ng putik sa bandang dibdib.Kaya parang yung isa malaki at yung isa maliit.

Masaya rin palang kasama 'tong mga 'to kahit may mga sapak eh.Si Em na nakakaintindi saakin,si Shrei na mukhang shunga,si Pogi na yummy ang abs.Haha nakakaloka.

Masasabi kong dahil sakanila,pwede pa akong magbago kahit papano.Pero ano bayan,pag malapit si Pogi saakin yung puso ko parang nakikipagtrack and field sa bilis ng tibok.Tapos ewan ko ba,yung mga uod ko sa tiyan nagtransform ata sa paru paro,pag kasama ko siya.

"Oh kumot."nagulat naman ako kasi bilang sumulpot si Pogi sa harap ko.

"Matutulog ba tayo sa iisang kwarto lang?"tanong ko.Tumango lang siya at hindi nagsalita.

"Ikaw sa kama.Sa sahig nalang ako"sabi niya saka niya humiga.Humiga narin ako.

"Pogi,pogi ba talaga ang pangalan mo?"nagtatakang tanong ko.Nakakapagtaka naman talaga diba? sa lahat ng pwede ipangalan Pogi pa.

"Gusto mo ba talagang malaman yun totoong pangalan ko?"tanong niya.

"Syempre."sagot ko.

"Naguumpisa sa letter S,at nagtatapos sa letter S yung name ko,dalawa kasi name ko.Tapos D namab ang umpisa ng surname ko at sa D din nagtatapos."

"Ilang taon kana pala?"tanong ko ulit.

"Last nayan ha?"natatawang tanong niya.

"Haha oo sige dalian mo na.Inaantok na ako eh."

"25 years old na po ako."sagot niya.

"Ikaw naman? ilang taon kana?"siya naman ngayon ang nagtanong.

"20 palang ako.Fresh graduate.Tumira kami sa New York for five years.Kaya dun na ako gumraduate."sagot ko.

"Ahhh.Bakit bumalik ka dito?"tanong niya.

"Last nayan ha?"natatawang tanong ko.Haha mukha kaming tanga.

"Oo dali na,inaantok narin ako."sabi niya sabay hikab.

"Bumalik kami dito kasi may isang tao akong binabalikan.Yung first love ko.Gusto kong gumanti sakanya kasi lagi niya akong binubully dati.Pero dahil nga naadpad ako dito,ewan ko kung makakaganti pa ako.Pero alam mo ba? parang ayoko ng gumanti.Parang gusto ko siyang balikan para makapagconfess.Hindi niya kasi alam na may gusto ako sakanya."masiglang sagot ko.

Umupo ako saka tumingin sakanya.Kahit madilim nakikita kong nakangiti siya.

"Diba nga kasi 'Promises are meant to be broken?' so okay lang siguro kung ibreak ko yung pangako kong gaganti ako."dugtong ko.

"Tama.Dapat hindi ka nagtatanim ng sama ng loob,lalong lalo na sa taong hindi mo pa alam kung anong tunay na dahilan kung bakit sila naging ganon sayo.Pero may iba kasing nagsasabing 'Promises aren't really meant to be broken.Promises are meant to be fulfilled'.Yun naman,ginagamit lang kapag yung pangako mo hindi dahil sa galit ka."mala Einstein na sagot niya.

"Hala ang dami mong arte.Sige pagiisipan ko yan."hindi na siya sumagot.Baka tulog na,kaya natulog narin ako.

********

Short UD :3

Haha gusto ko ng matapos 'to! sensya na yan lang kinaya ng kilikili powers ko.Haha.Tama ba yung spelling ng Einstein? paki correct nalang po kung mali.Thank you.

Walang masyadong moment sila Shrei at Emily dito,pero pag natapos 'to gagawan ko ng sequel ang MSaI,'If I was Your Boyfriend' story nila Shrei at Emily yan :) soon pa pero sana basahin niyo.

@iAmTGNumber4  <---iistalk ang aking twitter :D

Beks♡

My Soulmate and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon