Epilogue

94 1 4
                                    

Epilogue

Rose's POV

Sembreak na ngayon. Ambilis ng panahon noh? Nakalipas agad ang 4 na buwan. Siyempre mamimiss ko yung mga kaklase ko, kahit 4 na buwan lang ang pinagsamahan namin, hindi padin matutumbasan yun ng sobrang kasiyahan kasama sila. Lalo na sa mga panahong talagang kailangan namin ng kapit-bisig, lagi talaga silang nandiyan. Miss na miss ko na ang GE-1A. ♥

Nandito ako ngayon sa bukid. Hanggang ngayon, di ko parin makakalimutan ang mga simpleng pangyayari na nakakapagpakilig sa akin.

Yung simpleng pagsasalubong nga ng landas namin na muntik ko na siyang mahampas dahil sa sobrang kinikilig ako.

Yung makita ko siyang naglalaro ng ulan na tuwang-tuwang parang bata.

Yung simpleng pagsilip ko sa kanya sa may pinto ng classroom niya.

Yung pag-amoy ko sa kanya dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan nung nagkasalubong kami nung SOT Fair. (HAHAHA)

Yung mga ganitong eksena ng puso ko kapag nakikita ko siya----> *TUG-TUG. TUG-TUG.*  ♥_______________♥

Hahahaha. Kinikilig ako at ngumingiting mag-isang parang baliw kapag naiisip ko ang lahat ng yun. Weeeeeeeeeeeeeeeee. ♥ 

Pero never kong makakalimutan ang scene na ito sa may lobby. <///3

#Flashback

"Oy Justine!" nakita ko si Justine. Andito ako ngayon sa lobby dahil kaaawas lang namin.

"Oy Rose, bakit?" tanong naman niya

"Samahan mo naman ako sa foodcourt pleaseeeee? Andun na yun e." pagmamakaawa ko sa kanya. Alam kong para na akong baliw at praning dito dahil maghapon ko na siyang di nakikita

"Wag na, bukas na lang. Uwi na tayo."

"Please naman oh! Charles samahan mo nga ako." kay Charles naman ako nagmakaawa. Hindi talaga ako titigil hangga't di ko nakikita ang taong yun

Okay. Talk to the hand. Dinedma naman ako. Pramis, naiiyak na ako. Hindi kasi ako sanay ng ganito.

"Okay lang yan. Isang araw mo lang naman di nakikita e." sabi ni Justine sakin.

Sa sobrang inis at galit ko, nasigawan ko sila.

"HINDI NIYO KASI AKO NAIINTINDIHAN!!!"

At dahil sumabog na nga ang galit ko, di ko na napigilan na mailabas ito. Hindi ko na talaga napigilan hindi maiyak. Pumunta na lang ako sa isang tabi tas nagpupunas ng luha. Maya-maya pa'y napansin ako ng kaklase ko, si Fita.

"Oy Rose! Bakit ka umiiyak?" tanong niya sakin

"Ayaw nila ako samahan sa foodcourt."

Tas bigla siyang tumawa! Asdfghjkl! Grabe! Lalo akong naiyak kasi tinatawanan nila ang reason ko! Waaaa! Ganun ba kababaw para tawanan nila?! Umuwi na lang kami sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Dahil sa kanila, lalo kong naramdaman kung gaano siya kalayo sakin. Ayoko kasi na sinasabing okay lang yan kahit obvious naman na hindi talaga! Hindi kasi nila alam kung gaano ako kasaya kapag nakikita ko siya. Hindi ako OA pero that's how I feel.

Bumaba ako sa Cathedral at nagdasal kay Lord. Siya ang una kong nilapitan dahil di ko na talaga alam ang gagawin ko. Alam kong ngayon lang ulit ako nagkaganito. As in, feeling ko wala nakong karamay sa mundo kundi Siya. Alam kong everything happens for a reason. Siguro, may mas maganda Siyang dahilan. Hindi ko ba alam kung bakit ganito akong kalalang tinamaan sa Chinitong yun? Ano ba kasing pinakain nun sakin? Haha.

Anyway, masaya ako dahil nakilala ko yun. Parang hulog Siya ng langit. Binigay Siya sakin ni God para maging inspirasyon ko. After 2 years ng pagiging brokenhearted ko, alam kong binigay Siya sakin ni Lord para maging instrumento sa buhay ko.

 #EndofFlashback

Minsan, napapagod na ako kakahabol sa kanya..

Sa kakatext sa kanya...

Sa kapapansin sa kanya....

Pero di ko matiis ang Chinitong ito e. 

Makita ko lang siyang nakangiti, feeling ko nasa CLOUD NINE nako!

Kapag nakikita ko siyang napapagod...

Gusto ko siyang lapitan at sabihing "KAYA MO 'YAN!".

Hay buhay.

Alam niyo ba kung ano yung gusto kong malaman?

Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.

Gusto ko siyang maging kaibigan kahit alam kong malabong mangyari yun. T___________T

Gusto kong mapalapit sa kanya. :(

Pagkatapos ng apat na buwan...

Kelan niya kaya ako mapapansin?

THE END. ♥

ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon