Part 1: Making Friends
First day of school nanaman at ready ako for school...
Gumising ako ng maaga dahil highschool na ako at hinde na elementary.
Kinuha ko ang headphones ko at nagbabad ako sa bathtub (as usual) para maligo...
(after 30 minutes)
Nagising ako at hinde ko napansin na LATE na ako ( pero lagi naman akong late)
Sinuot ko kaagad ang bagong uniform ko, kinuha ko ang bag ko na may baong lunch at tumakbo ako papunta sa school...
Hinayaan ko nang magulo ang buhok ko dahil syempre LATE na ako sa First Day of School...
"Welcome to Seika-San Highschool"
Nakarating ako sa School (sa wakas)... umakyat ako sa second floor, kung saan ang room ko...
Tumingin ako sa pintuan, nakita ko wala pang nakaupo sa "Teacher's Desk"... Yes!!! wala pa ang professor, which means it's not to late...
BOOM!!!
Pagkabukas ko nang pintuan, nakita ko puro papel ang lapag, ang gulo ng mga upuan at ang raming nakasulat sa blackboard...
Nagbabatuhan ng mga papel ang mga classmates ko sa isa't-isa...Mukhang ang saya nila ah... Rambulan dito, rambulan diyan...
Para bang nasa gitna ka nang matinding digmaan...
Biglang tumahimik ang BUONG klase (aba may HIMALA...) Lahat sila nakatingin saken at napafreeze na para ba'y statue...
"Haha!!", "LOL", "Bwuahahahaha!!!", "HEHEHAHHAAH"...
Buong klase napatawa saken... Pinaghahagis ang mga papel sa mukha ko... Mga wala silang pakealam sa magiging damdamin ko...
Pero ok lng kasi sanay na ako sa mga sitwasyong ganito...
Pagkatapos nila akong pagtawanan, umupo ako sa pinakalikod na upuan, kung saan wala akong katabi, "No Choice Eh..."
Walang gustong tumabi saken eh...
Habang hinihintay ko si Prof, tuloy paren ang rambulan nila sa room...
Kinuha ko muna ang notebook ko para magdrawing... Dinrawing ko ang favorite ANIME ko na kung saan nainlove ang isang
Perfect Guy sa isang presidente sa school nila na yun pala ay isang MAID pero hinde paren nagbago ang love ni Perfect Guy
kay Girl... (otaku po ako :3)
Habang ginuguhit ko na ang mga characters, biglang may pumunta sa harapan ko...
Aba! Tatlong Magandang Babae... Maraming clip sa buhok, maraming bracelet at kwintas at punung-puno ng make-up
ang mga mukha! Yung isa aba'y may dalang Mahiwagang Salamin yung isa naman may dalang Magic Suklay at yung pinakahuli
may dalang Super Lipgloss...
Napaisip ako... "Lalo ata akong mahihirapang magkaroon ng kaibigan... :(" ang sabi ko sa sarili.
Nagsalita yung isang girl, "Hoy Panget! umalis ka nga dito sa room ng mga magaganda at magwagwapo... Baka mahawaan mo pa kami
ng pagkapanget mo eh! Oo nga pala ako si Tori, siya si Trina (itinuro ang nasa kanan) at siya naman si Trixie (itinuro ang nasa kaliwa)
at kami ang Tatlong Popular sa school na toh..." Nagpose pa ang tatlo, parang pose ng The PowerPuff Girls Z ...
BINABASA MO ANG
Lonely Ang Isang Panget
RomanceThe Life of Kathryn Kalesa of Being a "Panget" or an ugly girl...Soon she will find out that being "Panget" is not that bad...