Chapter 8

11 1 0
                                    

Chapter 8

Antonette POVs

“Girl. Wala pa ba si Sharee? Tagal talaga nung loko na yun!” Yung babae na yon minsan naman sobrang aga minsan naman Sobrang LATEEEEE---

“Hoy Sharee, may sakit ka ata?”-Miles

Ayyy. Andito na pala si Sharee the Gorgeous. Mukang matamlay siya….

“Hindi wala lang to.”-Sharee

“Alam ko na kung bakit!”-Miles

“Bakit? Manghuhula ka talaga Friend. May Future ka na! Nice one friend!” Hahahaha….

“Seryoso ako friend! Si Sharee Kahit nagkakasakit yan hindi yan ganyan, maliban nalang kung--”

Ako na ang nagtuloy “MAY NAGTAKOT NANAMAN SA KANYA!” kung sino man yun papatayin ko yun! Alam naman nilang takot si Sharee sa Multo at Dilim ah!

Si Sharee yung tipo na tao na masayahin. Palatawa, Saka pag maysakit yan gagaling agad yan kasi ayaw niya ng may sakit para daw siyang nasapian -_____- Kapag naman may nangtakot sa kanya, Ayan … naisip niya, Niisip niya yung nangyari sa kanya nung bata pa lang siya.

 Flashback

Nung 8 Years old si Sharee, elementary pa lang kami nun, naglalaro kami nun sa loob ng classroom tawa kami ng tawa kasi naman binully namin yung mataba naming classmate, pero ang pinagtataka namin bakit biglang natahimik si Sharee samantalang siya ang pinaka malakas ang tawa..

“BWAHAHAHAHAHA”-Sharee

Wala nang nakakatawa pero natawa parin siya. Tapos gulo-gulo na ang buhok niya..

“KAYO!! KAYO!!! KAYO ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT AKO NAMATAY!!!”-Sharee

Iba ang boses niya. Boses lalaki natakot kami, kasi hindi naman siya ganyan mag salita eh!

“Sharee, ano ba yang sinasabi mo ha?”-Miles

“LUMAYO KAYO SAKIN!!!!!!!!!!!”-Sharee

“Mga Classmate tawagin niyo si Teacher dali!!! Bilisan niyo!!”

“Tawagin niyo si Teacher!!!!”-Faye

Sa mga oras nayun pinag hahagis niya ang mga bagay na nakikita niya, parang hindi siya karaniwang bata! Parang matanda na! Kasi nabubuhat niya yung mga table namin. Biglang dumating yung teacher namin nun. Nagulat sila sa nakita nila tapos biglang sumigaw yung teacher namin ng “TUMAWAG KAYO NG PARI” Iyak lang kami ng iyak nun. Hindi namin alam ang nangyayari..

 Nakaka-awa ang muka ni Sharee nun pero nakakatakot! Nalaman namin na Nasaniban pala siya. Kaya simula nun hindi na siya dun pinag-aral at lumipat nadin kami, naging matatakutin nadin siya, natatakot nadin sa Dilim, at takot na din siya sa multo..

End of Flashback

Sigurado ako, iniisip nanaman ni Sharee yung nangyari dati! Sino ba kasi ang nangtakot sa kanya? Tsss

“Baby Sharee, Wag mo ng isipan yan! Sige ka, hindi ka mananalo sa Pageant. Napag-alaman namin kay Sir na kapag hindi kayo nanalo ihohold niya ang Grades niyo! Bawal ma Stressed Friend!! ”-Miles

“Oo nga! Smile na yan!! Yieeee”

Tapos kinikiliti namin siya para mag smile na. Mahirap na baka hanggang mamaya ganyan siya eh.

“Sharee. May Pick Up ako.”-Faye

“Faye seryoso kaba? Ikaw magPiPick Up? Wehhh??”-Miles

 Hahaha, Pati si Sharee napangiti nadin, minsan lang kaya makiJoke si Faye! Siguro nalaman niya yan kay Chelsy HAHAHA T-T

“Di wag!”-Faye

“Nye!! Joke lang… Sige na dali!”

“Para kayong panyo Miles and Antonette”-Faye

“Siguraduhin mong sweet yan ha! Bakit? Hihihi”-Miles

 “Ang sarap niyo kasing singahan!!!”-Faye

“HAHAAHAHAHA! Nice One Faye..”-Sharee

“Hayop ka Faye! --.” Akala ko naman super sweet na! -_- Pero Yessss nag smile na si Sharee hihiihi!!

Love can do All.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon