Nang Ako'y Magka CRUSH

150 6 6
                                    

Nang ako'y magka CRUSH , naramdaman ko ang feeling ng kinikilig. Nakakabaliw pala yon no? Yung tipong dadaan lang siya sa harap mo , wala na! Injured na yung katabi mo kakahampas mo.

Hindi naman masyadong harsh yon no? -_-

Eh anu naman , eh sa kinikilig ka eh. Bakit? Wala lang haha dumaan lang kasi siya.

Eh ano naman meron don? Wala diba? Eh kasi kahit anong liit pa ng bagay na yan kahit hindi konektado sayo basta about kay crush, lumalakas na agad ang tibok ng puso mo, yung tipong ma hea-heartattack ka na.

Eh pati nga paghinga ni crush , kinikilig ka na. AMININ MO TE! :P

May mga ibang tao naman dyan na pa silent-type lang, yung pangi-ngiti lang at kontento ng nakatanaw sa malayo.

Yung hindi na sila nag aassume na mapapansin sila ni crush (well may konting assuming feeling rin naman) pero yung tanggap nalang nila na hanggang pangarap nalang talaga. 

Yung iba naman , kulang nalang eh iannounce sa buong mundo na gustong-gusto niya ang isang tao. Yung wala ng hiya-hiya , basta go lang ng go. Hindi naman talaga sa malandi , yung parang hindi lang talaga kayang itago yung nararamdaman nila at kailangan talaga nila ng taong masha-share'an.

Grabee! Ang sarap ng feeling ng may crush. 

Kahit na gaano kaboring ang school , araw-araw kang gaganahan pumasok basta andun lang si crush. Makita mo lang siya at mapagmasdan ay buong-buo na ang araw mo. THANK YOU LOORD! :)

Yung para ka ng ewan na nag day-daydream na maging kayo ni crush. Yung tipong napapangiti ka na lang bigla tuwing dadalawin ni crush yang isip mo.

Palagi ka pang inspired dahil sa kanya. Determinado kang magstudy ng mga lessons mo at ipasa ang mga quizzes at exams mo. Nang sa ganun ay BAKA mapansin ka ni crush.

Kahit na ayaw mo naman talagang kahit magpulbo man lang at mag-ayos ng konti ay nagagawa mo parin PARA KAY CRUSH.

YUNG PARANG LAHAT NALANG ATA NG GINAGAWA MO PARA SA BUHAY MO AY PARA NALANG LAHAT KAY CRUSH.

Wala naman talagang masamang magkacrush diba? Actually nga parang nagiging necessary nayon sa atin. Siguro hindi sa lahat pero MOSTLY.

Ang nakakatakot lang ay ang MAHULOG KA NA NG TULUYAN.

Yung IIBIG KA NA. Wow , handa ng masaktan.

Hindi naman talaga yun nakakatakot eh , masaya nga yun eh. Kaso hindi sa lahat ng oras.

LALONG-LALO NA KUNG IKAW LANG PALA YUNG UMIIBIG AT WALA SIYANG BALAK SALUIN KA.

Darating ang panahon na makikita mo nalang ang sarili mong umiiyak sa isang sulok.

Yung parang wala ka ng ganang kumilos at ang gusto mo nalang ay ang umiyak.

AT TSAKA UMIYAK!

Ano ba! Alam ko masakit yun. Masakit na masakit yun. Iisipin mo palang na walang gusto sayo yung tao , parang nabre-breakdown ka nalang. Bakit naman kasi ang unfair? Bakit di ka rin niya matutunang mahalin , diba? PARA EVERYBODY HAPPY.

Kaso hindi eh, hindi lahat ng gusto mo magagawa mo. Ganyan ang buhay , AGAIN. Minsan masaya parating malungkot. DEJOKE! -_- 

Kasi ako? PALAGI EH. Yung malungkot.

Sa dinami-dami ng crush ko , parati akong nasasaktan. Parati akong BROKENHEARTED.

Pero wag kang mawalan ng pag-asa girl ;) Hindi naman tayo parehas eh. Malay mo , crush ka na pala ng crush mo ;)

Natutupak na naman ako =_= 

Back to bussiness.

Eto na nga, konting pansin niya lang parang lumilipad ka na. Makikisali pa tong si Mr. Heart na parang nag ra-racing lang ang peg sa lakas ng heartbeat mo. 

Eto pa ang masaklap , malungkot ka na dahil hindi ka niya gusto pero konting "hi" nya lang. BOOOM! Parang magic , mawawala lahat yan. Pustahan pa? HAHAHA. Pero di nga , mawawala yan. 

Kaya nga ang unfair diba? Gusto mong magalit sa kanya kasi ikaw nahihirapan na , mas pinapahirapan ka pa niya. Sarap pektusan no? Pero wag na , mahal mo yan eh hihi.

Tapos minsan pa ayy mali. KADALASAN PALA. Konting pagpaparamdam lang ni crush , LAKAS NA NATING MAKAASSUME. Totoo diba? Biktima ako niyan eh.

Akala natin gusto niya rin tayo , akala natin may pag-asa na tayo.

YUN PALA NAG PAPAASA LANG! Saklap dre <///3

Ikaw naman tong si TANGA , NAGPAPAASA nalang din. Iniisip mo na malay mo meron pala? 

HELLOOOOOOOO GUYS! Hindi wattpad ang buhay natin. Yung mababasa nating mga churvabells na yan. Nakooo! Minsan na lang yan dito sa Earth.

No offense boys pero MOSTLY ganyan naman kayo diba? P-A-A-S-A.

Yung iba dyan , porket may crush kami sa inyo at baliw kami ay paglalaruan nyo nalang yung feelings namin. Kayo kaya masaktan ng ganito? Alam nyo ba kung gano kasakit? HA? HA? HA? SABIHIN NYOO! Awh kalma. Walang away dito hahaha PEACE BOYS ^_^V

Minsan nga iniisip ko nalang kung meron pa bang nag-eexist na ganun. Kung meron man , parang hindi naman siguro para sakin. HAHAAAY!

Pero teka nga , masyado ng emotera tung sinusulat ko ah. Pansin ko parang affected ata tung si Ms. Author nyo. NAKUUU! Kumukulo talaga dugo ko tuwing naiisip ko yung lalaking yun. NAKAKABV HA! xD

Well , eto lang yung masasabi ko. CRUSH LANG NAMAN YAN DIBA? Okay , sabihin narin natig NAGMAHAL KA NGA AT NAINLOVE KA. Pero di ba hindi naman isang tao lang yung pwede mong mahalin.

Kung nasaktan ka at feeling mo ay hindi siya worth it ,

WHY NOT MOVE ON? at maghanap ng iba mwahaha :D

Ayan na naman yang word na yan. Ano? Sasabihin nyo saking mahirap? Well , I second the motion.

Pero ano? Wag nyong sabihing forever na din kayong magpapakatanga at masasaktan? Naku , sa ganda nating eto , I'm sure may makakaappreciate din sa atin. TIWALA LANG!

Hindi mo naman talaga siya makakalimutan kahit anong gawin mo. Ano to? AMNESIA GIRL ANG DRAMA? Ang ibig ko lang sabihin ay WALK FORWARD.

Yung iwawala mo yang feelings mo para sa kanya at LOVE YOURSELF MORE. May iba pa dyan no. Tsaka hindi lang naman sa tao ka palaging nabubusy ah. Pwede rin namang sa ibang mga bagay like mga hobbies mo.

Basta , always keep in mind na NORMAL LANG ANG MAGKAGUSTO. NORMAL DIN ANG MAGING MASAYA AT MASAKTAN. Hindi ka naman robot diba? Siguro ALIEN pwede narin. HAHA JK.

Hanap ka na lang ng iba ;) MADAMI PA DYAN. Trust me!

Masakit man ngayon , pero hindi FOREVER YAN.

****************THE END****************************

HAHAHAHA! KALOKOHAN LANG TO LAHAT. Wala akong magawa eh :bb Tsaka pansin nyo Guys? Yung title? "Nang Ako'y Magka CRUSH" pero parang sakit at pagluha lang naman halos laman ng story nato? Well , masisi nyo ba ako? Eh relate ako eh :bb hahaha. Pero dun din naman patutunguhan yun diba? Except sa mga maswerteng naakit din ang mga crush nila hahaha. 

Oh sya! Wala talagang kwenta yan. Wag nyo nalang basahin kong ayaw nyo. Shunga lang? Eh tapos nyo na nga diba? XDD Ako na po ang humihingi ng sorry para sa sarili ko at ako talaga'y isang DAKILANG SHUNGA. O sige na , hindi ako tumitigil sa kakadakdak dito eh. BABOSH NA NGA! :bb

Nang Ako'y Magka CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon