Nang ako'y magkacrush sa isang sikat , naging exciting ang buhay ko.
Ako ay isang "fangirl".
Yun ang tawag nila sakin.
Eh bakit ? Nagmamahal din naman ako ah.
Hindi lang basta humahanga.
NAGMAMAHAL DIN.
Ang pinagkaiba ko lang sa iba , SIKAT ANG CRUSH KO.
Stalk dito, stalk doon.
Yan ang daily routine ko.
Yung kwarto ko nga punong-puno ng pictures niya.
Kailangan kumpleto ako ng mga albums niya.
Kaya kahit mahirap , napipilitan akong MAG-IPON.
Hindi ko pinalalagpas ang mga shows niya sa tv.
Nakasubscribe ako sa facebook niya, follow ko siya sa twitter at instagram.
Basta may account siya sa site na yon, gagawa din ako ng akin para lang ma follow siya.
Bukambibig ko palagi ang pangalan niya.
At maghapon magdamag , siya lang ang nasa isip ko.
Kahit hindi naman ako masamang tao,nakikipagaway ako sa mga haters/antis niya.
Kulang pa ako sa tulog , kakahintay lang ng mga updates about sa kanya.
Edi ba parang baliw lang? Pero ginusto ko to eh.
Dito ako nakakahanap ng kasayahan.
Ang pagmasdan siya buong araw.
Ang mahalin siya ng buong buhay.
ANG CORNY NO? HAHAHAHAHA. Walang pakialaman nang trip meen :bb
Isa lang naman sana ang hiling ko eh.
At yun ay ang magkaparehas kami ng apelyido balang araw.
HAHAHAHA. Hindi naman imposible yun diba? :p
Sabihin mong imposible , uupakan kita.
Baliw na kung baliw , eh baliw ako sa kanya eh.
Favorite ko nga yung otp namin eh.
Tsaka may pangalan na nga ako para sa anak namin.
Nagsisimula narin akong mag-ipon at magplano para sa future namin.
Kung pano ko siya aalagaan , pasasayahin at mamahalin.
HOOOOOOOOOOOOY ANU KABA!
GUMISING KA NGA !
LOKARET KA TALAGANG BABAE KA !
NANANAGINIP KA NA NAMAN !
BALIW KA NA ! GOODLUCK SAYO.
LIBRE MANGARAP TSONG !
MAAWA KA SA SARILI MO !
KAPAL MO !!
Yang mga salitang yan.
Yan yung parati kong naririnig sa mga kaibigan ko.
Sa tuwing sinasabi ko sa kanila about kay CRUSH.
Siguro nga ang kapal na ng mukha ko para sabihin yan.
Kesyo magiging kami someday.
Mamahalin niya rin ako.
HAHAHAHA YAN NA NAMAN :PP
Pero kahit naman ganyan ako , tanggap ko naman eh.
Na ang pagiging "fan" ko ay hanggang "fan" nalang talaga.
Kahit na ipagpilitan ko , hindi talaga possible.
Eh yung makita ko lang siya eh hindi ko na nga magawa , anu pa kaya yung magkatuluyan diba?
Kahit pagbaliktarin ko man ang mundo , HELLO REALITY TO EH.
Kahit na sabihin nyo na "walang impossible".
IMPOSSIBLE YUN ! nukaba.
Sige kung iisipin natin , marami magagandang girls na nakapalibot sa kanya.
Balang araw , makikita niya rin yung "other half" niya.
AT HINDI AKO YUN.
At ang masaklap , wala akong magagawa kundi ang maging masaya para sa kanya.
Ano nga ba ang silbi ng isang "fan"?
Eh diba ang pagsupport sa mga decision ng idol mo?
Kaya ayun , kailangan mo nalang mamili.
Maging masaya para sa kanya
Maging masaya para sa kanya
PILI NA ! ^^ hahaha.
Ang hirap nga nun isipin no? Na hindi kayo pwede.
Pero yun ang totoo eh.
Kahit na hakutin mo pa yang mga albums niya.
Kahit na hindi ka na matulog para panuorin lang ang shows niya.
Kahit na patayin mo yang mga haters niya.
Kahit na isipin mo siya buong taon.
Kahit na MAHALIN MO SIYA BUONG BUHAY MO.
Kahit gano pa kalaki yang effort mo.
Ang kaya lang niyang isukli sayo ay ang
"PAGMAMAHAL NIYA SAYO BILANG FAN NIYA"
Yun lang yon.
Pwede ring pag retweet niya sa mga tweets mo
Pag like sa post mo about sa kanya.
Pagbati sayo sa livestream.
Aba girl , pagnagkataon maswerte ka na niyan pag nagawa niya yan sayo.
Ang buhay ng isang fangirl , ginagawa niya lahat para sa idolo niya. Kahit na masama para sa kanya , gagawin niya parin para sa idolo niya. Malakas kong mangarap , pero alam namin limitations namin.
Nasasaktan din naman kami.
Tuwing tatama samin ang realidad.
Masakit yun. MASHAKEEEET <//3
Pero hindi naman nila kami pinilit na hangaan sila eh.
Decision namin to.
So kung ano man ang nakaabang na mga mangyayari sa pagiidolo namin sa kanila.
Kailangan namin yung tanggapin.
Walang kaming choice eh.
Ang lungkot no?
Well , ganyan ang buhay.
Tsaka masaya naman humanga sa isang sikat ah. Kahit na marami ring humahanga sa kanya.
Nagkakaroon ka ng mga friends na fans rin niya.
May nakakabonding ka at may kasama palagi sa kalokohan.
Masaya ang buhay mo dahil sa kanya.
Kaya lang , malungkot din minsan pag nasobra na yung pagkagusto mo sa kanya.
Kasi alam ko naman na most of us ay may hinahangaang sikat.
Yung iba , gusto lang.
Yung iba parang mamatay na tuwing makikita nila sa tv.
Pero OK lang yun Guys , marami naman tayong nasasaktan eh.
Damay-damay lang naman yan eh hahahaha :p
LIFE IS STILL FAIR.
Pero someday , makikita din natin yung para satin.
Hindi man siya "SIKAT" , para naman sa atin.
HINDI PARA SA BUONG MUNDO KAGAYA NG IBA DYAN.