Your's POV
It's been 6 months since the day that I have been in a relationship with Ranz. Alam niyo sa totoo lang puro ups and downs kami. Minsan nagkakatampuhan minsan naman sweet. Pero normal lang yun sa magsyota. Syempre naman ! Magkaiba kayo eh, magkaiba sa pananaw, mga paborito at kung ano ano pa pero kailangan niyo rin naman magkaisa para magwork out yung samahan niyo. Pero alam niyo, monthsary namin ngayon ! At may surprise nga pala ako sa kanya. So kung tinatanong niyo ngayon kung bakit ako ang magsusurprise. Ganito kasi yun.
Flashback
"Ahmmm, Sweetheart." sabi mo
"Bakit sweetheart ?" tanong ni Ranz
"Pwede makiusap/favor?" ikaw
"Sige, basta ikaw. Ano ba yun?" Ranz
"Gusto ko kasi tuwing monthsary natin, hindi laging ikaw ang mageeffort/maghahanda ng surprise." ikaw
"Huh ? Bakit naman?" Ranz
"Syempre dahil magsyota na tayo, at bilang girlfriend , gusto ko lang maging patas. Yung tipong hindi lang ikaw nageeffort gusto ko ako din. Kasi diba mostly yung ibang magsyota diyan o yung ibang girls diyan umaasa sa boyfriends nila tuwing monthsary, kaya kapag walang surprise, SHOOT ! Lagot na yung boys diba ?" ikaw
"Kung sa bagay, tama ka." Ranz
"Tsaka isa rin naman yun sa mga ways diba for a better relationship. Para rin naman magwork out yung relationship natin. AT ! Para habang tumatagal tayo, walang lumalamang/lamang pagdating sa efforts. Diba ?" ikaw
"Yup. Tama ka dyan,sweetheart ! Kaya nga ang swerte swerte ko sayo, sweetheart eh ! Ibang iba ka sa mga ibang babae diyan." Ranz
"Talaga lang ! Ibahin mo ko sa mga babae diyan." ikaw
"Haha. Oo na ! So ganito na lang gawin natin, this 1st monthsary natin ako ang magsusurprise, next month naman ikaw. Tapos salitan tayo. Okay ?" Ranz
"Sure ! Sige ! Payag ako dyan ! Osya, aalis na ako at may pupuntahan pa ko." ikaw
"Aalis ka na ? Agad agad ? Wala man lang kiss ? *pout*" Ranz
"Sus. Kiss mo mukha mo." ikaw
"Ayy, ano ba naman yan sweetheart. Parang kiss lang, minsan lang naman eh. Please ? *sabay puppy eyes*" Ranz
"Nako ! Sweetheart, masyado kang nagmamadali. Darating din tayo diyan *sabay smirk*, pero sa ngayon hanggang cheeks lang muna." ikaw
"Pssh. Haha. Oo na. Bye sweetheart. Love you :* " Ranz
"Bye din. Love you more, sweetheart :* *sabay kiss sa cheeks* " ikaw
End of Flashback
So alam niyo na ? Ngayon, nagpreprepare ako ng things for my surpise/our monthsary. Syempre tinutulungan ako ngayon ng aking pamilya pati na rin ng pamilya ni Ranz. Ganito kami palagi tuwing may special occasion, nagtutulungan ang aming mga pamilya na parang akala mo magasawa na kami ni Ranz. Haha :) Supportive mga parents namin eh, wala tayo magagawa dyan. Si Ranz ? Ayun ! Nilibot ng barkada niya, hindi ko nga lang alam kung saang lupalop ng mundo nila nilibot yung moko--este maha-- ayy ! sweetheart pala ! Basta ang sabi lang namin, ilibot si Ranz hanggang 8:00 pm. O diba ?