Am I too late? (two-shots)

298 6 4
                                    

Bryan's POV

"Tsk!" yan nalang ang nasabi ko sa bwisit na babae na kasama ko ngayon (_ _") Nakakainis grabe!Sunod ng sunod parang ewan!

"Eto Bry oh.Niluto ko para sa'yo" sabay lapag niya ng baked mac sa lamesa ko (_ _") Kelan ba titigil to?

"Kakakain ko lang" Bored na sabi ko sakanya

"Edi kainin mo nalang mamaya.Hehe.Sige una na ako" Sabi ng babaeng yun bago siya umalis (_ _")

Di ko alam kung bakit sunod-sunod yang babaeng yan,eh lagi ko naman sya iniisnob (_ _ ") Ayaw sumuko eh!May gusto daw sya sa akin.Haaayy.Di naman sa di sya maganda,kung tutuusin napaka ganda niya kaya lang di ko talaga siya gusto,Nakakasuka sya!

Kinuha ko yung baked mac na nilapag niya sa lamesa ko at tinapon ito sa pinakamalapit  na basurahan.3 months na syang ganyan,laging may dala-dalang pagkain tuwing lunch time.Bahala siya kahit kelan di ko siya magugustuhan!

Lyra's POV

"Edi kainin mo nalang mamaya.Hehe.Sige una na ako" sabi ko kay Bryan bago ako tuluyang umalis =) Tawagin niyo akong desperada?Sige ok lang..Totoo naman eh =) Wala tayong magagawa,mahal na mahal ko si Bry eh :)) Kahit sabihin pa nating wala siyang gusto saakin kahit katiting man lang,ok lang basta masaya sya.

Bryan's POV


Uwian na kaya dali-dali akong umalis sa room nagbabakasakaling di ako maabutan ni Lyra.Araw-araw kasi na ginawa ng diyos ay nakasunod siya sa akin pauwi.Akala niya siguro di ko alam pero pansin na pansin ko.Haaaaaaayyy kelan ba siya titigil?

Naglakad ako ng mabilis kaya lang bad luck,naabutan niya ako..Pabayaan na nga!Di niya naman ako ginugulo eh.Pagkarating ko ng bahay kumain ako,nagbihis,gumawa ng assignments,naglaro tapos natulog na.Boring buhay ko,alam ko yon.Psh!

Lyra's POV


Heto ako ngayon,sinusundan pauwi si Bry,haha! Ang stalker ko naman masyado.Nahihiya?Syempre Oo! Isipin niyo parang ako na yung lalaki kasi ako yung parang nanliligaw!Pero wala eh,kaya kong gawin yon para lang kay Bryan =) Wag niyo akong sisihin,di ko naman ginusto ito eh,sadyang nangyari lang bigla Haha! Nung makapasok na si Bry sa bahay nila ay umuwi na rin ako =) 

Bryan's POV

Wala ngayong Lyra na nagbigay sa akin ng pagkain.Siguro natuto na rin sya..Ay ewan!Bibili na nga ako ng lunch.Pagkatapos ko kumain,pumunta ako sa locker ko para kunin yung Jersey ko since may practice sa Basketball.Oo nga pala,Varsity ako.Pagabukas ko ng locker ko,tumambad sa akin ang isang container ng cookies.Kinuha ko iyon at binasa ang note.

"Hiii Bry!!!! Sorry di ko nabigay ng personal yung cookies ha?? ^O^ "

                                                                             -Lyra

Am I too late? (two-shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon