Bryan's POV

69 5 0
                                    

""Hoy tol ! Anong nangyari sayo para kang nalugi." sabi sakin ni Kevin,kaibigan ko.

"Wala to,nga pala nasan na si Ella?" tanong ko kay Kevin

 Si Ella,kababata ko. Sobrang close namin noon siya lang kasi ang nagtitiyaga sa ugali ko noong bata pa kami,may pagka maldito "daw" kasi ako..

Wala akong gusto kay Ella,naguat na nga lang ako nung hinalikan niya ako eh.LITTLE SISTER yan lang ang turing ko sakanya..

"Nako di ko rin nkita eh,sorry tol"

"Sige okay lang,una ka na tambay lang muna ako dito" sabi ko kay Kevin.

AFTER 2 Months 

(PLAY MUSIC ON THE SIDE)

Tsk! Bat ba ang daming umaaligid na lalaki ka Lyra? Kaano ano niya ba yung mga yon?! Panira ng araw!

Kasalukuyan akong nasa garden ito lang kasi yung lugar kung saan ko siya nakikita lagi..Sa kinauupuan ko kasi may view ako ng isang napakagandang tanawin..ikaw.Kaya lang bakit ba lagi kang may kasamang lalaki? Badtrip ah!

Matagal na kitang gusto di ko lang inaamin sa sarili ko,yung presence mo nakasanayan ko na,napamahal na ako sayo.Nung tumigil ka di ko alam pero dun ko naramdaman na may gusto na pala ako sayo.Ang tanga ko lang pinakawalan pa kita..Gusto ko bumalik sa nakaraan yung mga araw na baliw ka pa sakin at ipinapangako ko di ko na sasayangin ang pagmamahal mo..Kaya lang wala eh.Di ko na mababalik ang nakaraan..

Di ko alam kung paano kita kakausapin,paano kita lalapitan,paano kita mapapasakin muli..Bakit nga ba di ko napansin habang maaga pa? Ang Tanga ko talaga..

Gusto kita habulin,gusto ko gawin sayo yung ginawa mo sakin ngayon..kung pwede lang

Gusto kita paghirapang makuha,kung kinakailangan magluto ako gagawin ko! kung pwede lang

Gusto ko iparamdam sayo ang pagmamahal ko sayo parang yung pagpaparamdam mo ng pagmamahal mo sa akin noon..kung pwede lang..

Kaya lang hindi eh,dahil pagbalikbaliktarin man natin ang mundo..di na pwede..Bakit?

Dahil di na ako ang hinahabol mo,siya na.. 

Di na ako ang pinaghihirapan mo makuha,siya na..

Di na ako ang mahal mo,ang nagmamay ari ng puso mo,siya na

Kakadating niya lang,agad umalis yung kasama mong lalaki..Ang lawak ng ngiti mo nung nakita mo siya..Ang saya saya ng itchura mo..

May sinabi ka sakanya na dahilan ng pag ngiti nito..Ang nakakagulat ay ang paglabas ng tropa ng Boyfriend mo na may hawak na gitara..kinakantahan ka niya..naluluha ka na..

'Kaya ko rin yan' sabi ko sa isip ko..

Binigyan ka niya ng flowers..Pink Roses,favorite mo..At may itinaas siyang banner na sabi ay..

"HAPPY MONTHSARY GIRLFRIEND KO..WIFEY KO..HAPPY MONTHSARY LYRA <3 I LOVE YOU!"

Nung pinakita niya yun..dun ka humagulgol ng iyak..nakayakap ka sakanya at mukhang masayang masaya ka..

Alam kong unti unti kong pinapatay ag sarili ko sa sakit pero..mas gusto ko makita ka ng masaya kahit huling beses na..Di ko na kayo guguluhin na balak ko sana..Gusto sana kita agawin ulit kaya lang masaya ka na..Ang unfair ko naman kung ipagkakait ko pa ang kasiyahan mo..

Ang sakit pala Lyra no? Ganito ba yung nararamdaman mo noon?  Di mo nga ako tinutulak palayo pero feeling ko ang layo layo ko sayo..Di mo ko directly sinasaktan pero feeling ko namatay na ako sa sakit..Sorry Lyra,sorry sa mga nagawa ko noon..

Nakayakap ka parin sakanya ngunit ngayon unti unti ka niya nilalayo..hawak hawak niya yung balikat mo..at feeling ko tuluyan na ako namatay..

Hinalikan ka niya..Isang halik na di ko magagawa..Isang halik na puno ng pagmamahal..ang gay pakinggan pero tumulo yung luha ko..Parang walang tao sa paligid niyo..feeling niyo kayo lang ang importante sa isa't isa..Sana..sana..sana ako iyon.. :"(

Di ko maalis sa isipan ko na dapat ako yun eh..Kung di lang ako tanga..kung pinahalagahan lang sana kita noon..kung sana ay nalaman ko yung nararamdam ko para sa iyo ng mas maaga..Pero hindi eh..Di na ako ang hinahabol,pinaghihirapan at mahal mo..siya na

Wala akong karapatang magalit kung may umaaligid sayong lalaki..hindi ako..

Si Luke na..

Lyra mahal na mahal kita pero baka di tayo ang para sa isa't isa..

Lyra,I Love you </3

==========================================

A/N SORRY TALAGA T.T ALAM KO ANG PANGET :< Pero sana respect my ending :3 Chos xDD Next story ko ay ang ang akin sawing love life xDD Sana basahin niyo ha? xDD

TITLE : I'LL WAIT </3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Am I too late? (two-shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon