Gabing- gabi na noon..
Sobrang dilim..
Sobrang lamig..
Pero wala akong pakialam..
Wala kaming pakialam..
Gusto lang namin makalayo sa lahat ng pangyayari..
Hinding- hindi namin hahayaang mawalay kami sa isa't isa..
"Rey- rey, natatakot ako.. Ang dilim.."
"Shhhh, wag ka matakot, Lelay.. Kailangan nating magtago.."
"P-Pero Rey- rey......"
"Ayun!! Dun muna tayo!!"
Hinigit ko sya papunta sa isang lumang playground na nasa kabilang subdivision.. Walang tao at lumang- luma na ang mga gamit.. Tamang- tama, magandang taguan ito.. Hindi nila kami mahahanap..
"Okay na, Lelay.. Ligtas na tay---- Bakit ka naiyak?"
"Rey- rey, paano pag nakita nila tayo?"
"Hindi nila tayo makikita dito.." Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng napakahigpit.. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso nya at panginginig ng katawan nya dahil sa takot..
"Ayokong malayo sa iyo, Rey- rey.. Ikaw lang ang kaibigan ko.."
"Hindi tayo magkakahiwalay, Lelay.. Pangako ko sa iyo, hinding- hindi kita iiwan.. Kahit magkahiwalay pa tayo, hihintayin pa rin kita.. Tandaan mo yan.."
"S-sana hindi n-na lang kami pupuntang A-america.. S-sana h-hindi na l-lang t-tinanggap ni d-daddy yung t-trabaho dun.." Lalong lumalakas ang pag- iyak nya kaya niyakap ko sya ng mahigpit..
"R-rey- rey.. Nilalamig a-ako.."
"Ha? Wala akong dalang kumot, Lelay.. Tiisin mo muna.."
"Rey- rey, uwi na tayo please.. Natatakot na talaga ako dito.. Please Rey- rey.."
"P-pero......"
"Di ba, napangako mo na sakin na kahit magkahiwalay pa tayo, hihintayin mo ako? Babalik naman ako dito, Rey- rey eh.. Babalikan naman kita.. Ayaw ko mang umalis, pero hindi na naten mapipigilan sina mommy.. Kahit anong gawin natin, aalis pa rin kame.. Kahit ayaw ko, maiiwanan pa rin kita.. Rey- rey, please.. Uwi na tayo.."
Nalungkot ako sa sinabi ni Lelay.. Totoo nga sinabi nya.. Kahit anong gawin namin, magkakahiwalay pa rin kami.. Kasi desidido na sina Tita Miles na pumuntang America dahil sa bagong trabaho ni tito.. Niyakap ko ulet si Lelay ng mahigpit at huminga akong malalim..
"S-sige.. Tara na.."
Tumayo na kaming dalawa at umalis na sa likod ng slide.. Tahimik kaming naglalakad ni Lelay palabas ng subdivision at pabalik na sa bahay namin nang may nakasalubong kaming lalaking lasing..
"Rey- rey....."
"Shhh, okay lang yan, Lelay.. Poprotektahan kita.."
Hinawakan ko ang kamay niya at hinigit ko sya ng dali- dali.. Nakahinga kami ng maluwag nung nalampasan na namen yung matanda, pero nagulat na lang ako nung bigla nyang hinigit si Lelay..
"Aba, nini.. Gabing- gabi na, nag- uuli ka pa din.. Alam mo bang delikado yang ginagawa mo?"
"R-rey- rey......"
BINABASA MO ANG
Childhood Promises
Teen FictionA promise made between two innocent minds.. But a twist of fate made them drift apart.. Will their promise still be fulfilled or be left forgotten along with the fragments of time?