Chapter three

312 17 5
                                    

Yoona pov

Tsk!!!

Nakakabwisit talaga!!!!

Aish!!!!

Ano kaya ang pwedeng gawin?!?!

Yoona isip! Hmmm?

"Miss Yoona nakikinig ka ba sa lesson natin"

"Ay pesteng palaka" wait nasabi ko ba 'yun.

"Miss Yoona makinig ka sa lesson natin, kung ayaw mo made- tension" Sabay talikod saakin ni mam. Aba bastusan. Tumayo ako, pero bago pa 'ko makatayo ay kinuha ni Hyoyeon ang kamay ko at sinabing kalma lang. Psh! Pasalam yang teacher na yan ah at wala ako sa mood makipag- awayan.

Well back to topic. Hmm. Paano ko ba mapapataldik ang 2NE1 na 'yan. Tsk mga kontra- bida. Hay. 'Di ko na namalayan na nagbell na at aming lunchbreak. Psh. Sana di ko makita ang pagmumuka ni CL

Habang papunta kami sa canteen, 'di maipinta ang mukha ng mga tao,ang tahimik, lalo na ang mga lalaki.

Pero bago nun..... Wait... ANO

"Girls narinig niyo ba, may mga hotties na nag-transfer dito sa school" g1

" 'Di nga!" g2

"OMG sana mga single" sabi naman ni g3

"Ano ka ba! Diba nga bawal tayong kumausap sa mga boys dito sa loob ng university." Sabay naman sabi nila g1 and g2.

Psh! Pero wait daw! BOYS!!!!

Better be fun!

Sehun pov

"Mga hijo sigurado ba kayo na dito kayo naka-enroll?" tanong saamin ng clerk sa guidance office. Huh bakit ano ba  ang problema sa school na to...

"Mam sigurado po kami! Ito lang po kasi ang school na malapit sa 'min." sagot naman ni TAO.

"Hay! Sige na nga mga hijo! oh ito na ang mga schedule niyo!" binigay naman na sa 'min 'ung papel na nagla-laman ng schedule namin. Naglalakad na kami papunta sa pinto nang pagsanihan kami ng clerk.

"Mga hijo mag-ingat kayo ah..." huh!

Clash of Princesses and PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon