Simpleng Crush ^_^

315 4 1
                                    

Year 1990 ..
Lian ! Lian ! Ronnie !
Tawag samin ng mga kalaro namin alas kwatro nanaman kasi ng hapon .. oras na para maglaro kami ..

Lian pag tinawag ko n kau ng kapatid mo si ronnie pumasok na huh ( sabi ng mama ko masaya ang aming pamilya linggo linggo nasa pasyalan kmi maganda ang trabaho ng aking ama kung kayat ang iba namin gusto ay naibibigay nila )
Opo mama ! Halika na ronnie laro na tayo sa labas tinatawag na nila tayo para maglaro ( at tumakbo na kme palabas )

Hello ate bebe hello sa inyong lahat ! ( sabi ko na tuwang tuwa )
Halika na kayo maglaro na tayo ! ( sabi nman ng bestfriend ko na si thea )
Maganda din c thea matalino din pero lumaki sya na malayo sa mga magulang tanging ang kanyang mga lola at lolo ang nag aalaga sa kanya .. dahil sa kagandahan nyang taglay madalas ako mainggit sa kanya madalas kasi na pag magkasama kmi ay sya lage ang napapansin kesa sakin pero ok lang hindi naman nabago ang pagiging magkaibigan namin dahil dun ..

Uy Lian ano kba bakit tulala ka jan kay thea ? ( tanung sakin ni kua mico )
Si kua mico matanda sya sa amin ng 2 taon kasing edad nya c ate bebe na 10 taon na gwapo c kua mico at sobrang bait nya .. hndi ko alam kung bakit pag nakikita ko sya labis akong natutuwa ng sobra at gusto q palage akong nasa tabi nya pero pag di nya ako pinapansin at palaging si thea nagtatampo ako sa kanya ..

Ah eh ! Wala kua mico hehe halika na laro na tayo sabay hila sa kanya ..

Araw araw ganun palagi ang set up namin mga magkababata masayang masaya kami hanggang isang araw ay nagbago ang buhay namin magkapatid .. isang gabi mahimbing kaming natutulog biglang nakarinig kmi ng ingay na parang nagtatalo ang magulang pala namin ni ronnie narinig q na 1 buwan na palang walang trabaho si papa pero araw araw pa din itong umaalis at ang dahilan ay naghahanap sya ng trabaho di nya daw ito pinaalam kay mama kasi ayaw nya itong masaktan .. lalo nagalit si mama at kung ano anong sinabi dahilan para makarinig kmi ng malakas na kalabog maya maya tumakbo na sa amin si mama na mag dugo sa dulo ng labi at hawak hawak ang pisngi niyakap kami nito at sabay bulong na ( mga anak patawirin nyo ako kung hndi ko kayo maisasama mag ingat kayo palage at lage nyong tatandaan na mahal na mahal ko kayo pangako ni mama babalikan ko kayo magkapatid sabay halik yakap samin at sabay takbo palabas )

Akma kung susundan si mama ngunit agad na hinarangan ako ni papa ..
Lian walang sasama matulog na kayo magkapatid at tumigil kayo sa ka sisigaw at kaiiyak nyo !! ( sigaw ni papa na labis kunG ikinagulat

Wala na kaming nagawang magkapatid nun kundi umiyak ng umiyak .. madalas na din lasing si papa lagi din syang wala sa bahay kung kayat madalas kming naiiwan ng aking kapatid sa murang edad q natutu akong mag alaga sa kapatid ko at maglinis ng bahay tuwing aalis nMan si papa pinagbibilin nya kmi sa kapitbahay namin na si aling Cora na nanay naman ni kua mico .. sobrang bait neto madalas sya na din ang nagpapakaen samin may kaya ang pamilya nila kung kayat di problema ang pagkaen sa kanila isa pa nag iisang anak lang si kua mico .. hindi naman nagbago ang pakikitungo ni papa samin madalas nga syang humingi ng paumanhin sa amin sa nangyari sa kanila ni mama pero hndi pa din maiaalis sa akin ang pag iisip na nasaan na nga kaya ang mama ko kasi simula ng umalis sya mag aanim na buwan na nakakalipas di na din sya nagparamdam at ang pangako nyang babalikan kami ay mukhang malabo ng mangyare ..

Uy Lian tulala ka nnman jan ( si kua mico na ginulat ako nandun ako sa tapat ng bahay namin habang nakaupo .. ang aking kapatid naman ay mahimbing na natutulog sa loob ng bahay )
Hmm .. wala kuya mico naisip ko lang si mama kasi antagal na nyang walang paramdam sa amin naaalala pa kaya nya kami ni ronnie ( sabi ko na sabay tulo ng luha ko )

Lian baka nagttrabaho lang mama mo tapos pagbalik dito madaming dalang laruan para sa inyo malapit na din birthday mo mag 9 years old kana ( alo sakin ni kua mico na halatang pinapasaya lang ako )
Hehe oo nga sana umuwe na sya noh kasi miss na miss ko na sya sobra pag papasok ako sa school wala ng nag aayos ng buhok ko palagi nalang ako naka headban (sabi ko kay kuya mico )
Ano ka ba gusto ayusan ko buhok mo Lian ( sabay gulo sa buhok ko at nagtawanan na kami hindi ko alam kung bakit tuwing nanjan si kuya mico napakasaya ko talaga )

Akin Ka Lang Crush KoWhere stories live. Discover now