One Shot

121 9 1
                                    

"Whooohhh!" Paulit-ulit kong sigaw habang patalon-talon sa harapan ng salamin sa kwarto ko. Kanina pa ako kabado.

Makailang beses ko nang inayos ang buhok ko. Makailang ulit na ko na rin pinasadahan ng gel at suklay para maging maayos ito. Chineck ko din pati ang aking polo at pantalon. Siniguradong walang dumi at gusot. Inamoy amoy ang aking sarili at nagdagdag ng pabango.

"This is it Sam! Ngayon ang tamang oras ng pagtatapat. Naghihintay na si Nath." Bigla akong napaupo ng pumasok sa aking balintataw ang mukha ni Nathalie.

Si Nath pala ay ang aking kababata, ang babaeng matagal ko ng tinatangi. Si Natalie Montero. She's the beautiful woman, inside and out. Hindi lang basta maganda si Nath, mabait at matalino pa s'ya. That's why I admire her so much. No! Not only admire, I love her so much.

***
Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala pa s'ya. Napaaga ako. Nauna akong dumating sa aming tagpuan na dala-dala ang tatlong mapupulang rosas na binili ko para sa kanya.

"Sam!" Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng marinig ko s'yang tinawag ang pangalan ko. Parang hindi ko na ata kaya. Natotorete na ako sa pagtawag pa lang ng aking pangalan.

Dahan-dahan akong lumingon at ang nakangiti n'yang mukha ang aking nakita. Napatulala na lamang ako sa pagkakatitig sa kagandahang nasa harapan ko. Sino ba ang hindi matutulala kung ang nasa harap mo ay isang maladiyosang kagandahan.

"Hoy! Sam! Bakit ka naman nakatulala d'yan? Para kang nakakita ng multo ah." Sabi nito sa malamig ngunit malambing na boses.

"Ah- ha? Sorry. Nakakatulala kasi ang ganda mo Nath." Nakangiti kong sabi sa kanya. Gusto kong sabihin na hindi multo kundi isang diyosa ngunit hindi ko maiwasang mag-alala baka magalit ito at akalain nanglalait ako.

"Nambola ka na naman Sam. Bakit mo ba ako pinapunta dito sa tambayan?"

("This is it Sam. You need to tell her. It's now or never.")

Instead na sagutin ko sa kanya ay inilabas ko ang dala ko na mga rosas at sabay sabi, "Ahm... Nath. Roses for you." Nanginginig na inabot ko sa kanya ang mga dala kong rosas pero imbes na kunin n'ya ito mula sa aking kamay ay tinitigan lamang n'ya at kunot noong tumitig sa mga mata ko.

"What are these roses for, Sam?"

"Ah... Hmm... Kasi..." Hindi ko malaman kung paanong magtatapat. Parang nalunok kong bigla ang aking dila dahil hindi ako agad nakapagsalita. I can't find my words. Hindi ito ang inaasahan ko sa aking imahenasyon.

Ang akala ko mabibigla s'yang nakangiti at tatanggapin ang mga rosas na walang tanong. Lalo akong kinabahan sa magiging reaction niya sa aking ipagtatapat. Magagalit ba siya? Busted na ba ako agad bago pa ako makapangligaw?

Umiling s'ya at bumuntong hininga.

"I... I... I love you Nath." Bigla kong naibulalas ng makita ko s'yang tumalikod.

Naistatwa yata s'ya sa kanyang kinatatayuan. Ni hindi n'ya magawang kumilos o lumingon man lang sa kinaroroonan ko. Hindi ko tuloy mabasa ang reaction niya. Galit ba siya? Naasar? Ngumingiti ba siya? Gusto ko siyang hawakan ang kanyang mga balikat at iikot paharap sa akin pero kinakabahan ako baka masampal ako ng wala sa oras.

Nakita ko s'yang tumungo. Ano kaya ibig sabihin noon? Oo? Kami na agad? Bago pa man lumabas ang aking ngiti, napansin ko ang pagkuyom ng kanyang kamao sa paldang suot n'ya.

"Best friends tayo Sam. Hindi ba walang talo-talo? Simula pa lang akala ko malinaw na iyon."

"Alam ko Nath... But how can I stop this feeling? I tried to suppress it. Believe me. But in the end, talagang mahal kita Nath."

Those Three WordsWhere stories live. Discover now