Keith Marie's POV
Hello! Ako nga pala si Keith Marie Ong. =)
Pilipino pero half-chinese. Mas malakas pa rin naman ang dugong pinoy. 17 years old (malapit naman na ako mag-18, don't worry ^^), pangalawa sa tatlong magkakapatid pero hindi kami magkakasama simula nung namatay si Papa. Sad noh? Okay lang, nasanay na ako tsaka alam ko na may rason ang lahat. Kung hinahanap nyo yung dalawa kong kapatid, andun sa mga tita ko, pero hindi ko na rin sila nakikita eh. Yung nanay ko naman nasa ibang lugar para magtrabaho, 'wag kayong mag-alala dito lang din naman sa Pilipinas eh, kaya nagkikita pa rin kami. Kahit hindi ganun ka-sweet ang nanay ko mahal ko yun at alam kong mahal nya rin ako. ^_^
Sabi nga pala ng nanay kong maganda, bago daw mamatay ang papa ko, may ginawa itong kasunduan sa kaibigan nya para sakin. Hmmm, sabi ni mama hindi nya rin alam kung tungkol saan daw ito. Nakakacurious pero tinigilan ko na ang pangungulit kay mama tungkol dito. Kahit dalawa na lang kami ni mama na magkasama sa buhay, masaya pa rin ako dahil sa ibang tao at bagay na nasa paligid ko. Lalo na ang mga kaibigan ko at ang mga inspirasyon ko. =)
Yung mga friends ko para ko na silang mga tunay na kapatid, syempre ako ang bunso. ^^ Hahaha. Bunso na pasaway, makulit, iyakin at kung ano ang gusto binibigay. Oo, spoiled ako sa kanila pero kay mama hindi, hindi uubra yung ugali ko sa kanya eh. Sa lovelife naman, medyo malas. Haha. Minsan na nga lang mainlove, iniwan pa. Oo iniyakan ko yun, pero ngayon mas okay na ako. Salamat kay God, sa mama ko, sa mga friends ko, at sa mga inspirasyon ko.
Isa akong K-pop fan, oo, muti-fandom pa nga eh. Kaya hindi ako masyadong malungkot kahit medyo malayo si mama. Syempre independent na ako simula third year high school, kaya sanay na ako. Btw, graduate na po ako ng 2 year course sa college, kaya ngayon nasa bahay lang , boring. Ang bata ko pa ba? Hindi naman masyado. Sa hilig ko sa K-pop, syempre ang dami ko ng crush na idols, at isa na dun si Huang Zi Tao. (Umamin na yung mga fangirl at fanboy dyan, yung tipong hindi ka makapili ng bias mo sa isang group. Hahaha)
Kahit wala na sya sa EXO, huhu, mahal ko pa rin siya, at kahit taga-China sya. Oo, medyo galit ako sa China dahil Pinoy ako kahit half-blood lang. Yung feeling na, half-chinese ka pero mahirap lang kayo, weird sya pero okay lang. Karamihan kasi ng half-chinese mayaman eh, alam nyo na. Simple lang naman ako, may singkit na mata, matabang pisngi, ngunit medyo may mapayat na katawan (Oo, medyo lang haha), may medyo disappointed nose, medyo makapal na labi, yellowish na balat (Pero wala akong Hepa ah Haha), 5"3 yung height, flat-chested (Huhu, nakakahiya man aminin. Asan ang mga kapederasyon ko? Hahaha), at syempre may pangarap sa buhay, para hindi na magtrabaho si mader. Pero dahil underage pa ako, hindi ako matanggap kahit saan (lahat na lang sila ayaw sakin. Huhu), at least kahit nasa bahay lang ako may ginagawa pa rin naman ako. Minsan masipag pero kadalasan tamad. Haha Pero kapag may inutos naman sinusunod ko agad. Mas gusto kong mag-aral ulit pero wala pang budget kaya tiis tiis muna. (Pag-aralin nyo nga ako. Haha. Magpapa-sponsor na lang pala ako kay Suho. Kekeke)
I am a Christian kahit k-pop fan po ako, kaya medyo napapagalitan ni mama kapag nagii-spazz ako. Mahilig po ako sa panda, sobrang cuteeeee nila as in. Kahit anong pink kadalasan nagugustuhan ko. Hindi rin po ako sanay magsinungaling (Yes naman, kay bait na bata. Haha) Yung ibang hilig at characteristics ko sa susunod na lang ang haba na ng POV ko dito eh. Nakakahiya naman kay author-nim eh. Labyuu po ^_^
(A/N: Annyeonghaseyo! Sa lahat po ng nais magbasa ng story na ito, thank you ng marami. ^_^ Support juseyo! Also, Please bear with me. This is my first fanfiction, and hopefully not the last one. Kamsa ^^ Saranghaeyo! ♥)
BINABASA MO ANG
How did it happen, Yeobo?
FanfictionTwo different worlds. An artist and his fan. Is this possible? The journey that consists of two different person. Different worlds will meet. "Paano nangyari ito?" "Ako? Para sa kanya?" "Oo, pangarap ko sya. Akala ko hanggang pangarap na lang." "Nak...