Zi Tao's POV (Tagalog Version)
Hello! Ako si Huang Zi Tao, 23 years old, artista mula sa China. (Author: Napakapormal mo naman Tao. ^^ Kinikilig ako. Haha) Author-nim, ganun talaga para mukhang mabait. Hahaha. Back to my intro, dati akong member ng South Korean boyband na EXO, pero nagkaproblema kaya nagdesisyon ako na umalis. Hindi pa man tapos ang kaso ay alam kong magkakasundo rin kami ng SM Entertainment at ni Lee Soo Man ahjussi ukol sa mga bagay bagay. Maiba tayo, nagrerelease rin ako ng mga kanta pero sa Chinese language lamang, support nyo ako ah?
Ipinanganak ako sa Qingdao, China at nag-iisang anak. Marunong na akong mag-Wushu simula noong bata pa ako. Dahil dito, binansagan akong "Kung Fu Panda", panda? Sapagkat mukha akong panda dahil sa mga "eyebags" na meron ako. At dahil sa artista ako syempre gwapo ako (Hindi sa pagmamayabang ah?) (Author: Totoo ba yan Tao beybi? Haha. Sige na gwapo ka na. Labyuu) Author-nim talaga eh. =( Balik na ako sa pagdedescribe sa sarili ko, matangos ang ilong, singkit ang mata, may sharp jawlines (Author: Na kadahilanan ng pagka-inlove ko sayo. Haha), alam ko yun author-nim Haha, may muscles sa braso, may katangkaran (6"0 yata height ko?), hindi ganun kaputi?, mahilig ako sa Gucci, ehem, bilhan nyo ako ah?, nahilig na rin ako sa panda, may pagka-iyakin, isp bata, pero masayahin ako kahit minsan hindi halata dahil sa itsura ko. Mukha daw akong cold eh.
Meron pala akong pinaka-close na kaibigan sa EXO, si Kris hyung. Siya yung pinaka-unang umalis sa grupo. Noong mga panahon na yun ang sama ng loob ko kasi hindi man lang nya sinabi sa kahit sino samin, lalo na sakin. Nabigla ako sa mga sinabi ko, kaya nagsisisi ako ngayon, pero alam kong hindi nya ako mapapatawad agad. Hindi ganun kadali. Oo, nasaktan ko sya kaya hindi nya ako pinapansin ngayon at galit sya sakin. Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon na makausap sya ng maayos ay gagawin ko, sasabihin ko lahat at hihingi ako ng tawad.
Nung mga panahon bago ako umalis ng EXO, dun ko naramdaman at napagtanto kung bakit umalis si Kris hyung. Nung mga panahon na nagka-injury ako at lumubha ito dahil sa pagod na rin. Kaya hindi natiis ni Papa na hindi gumawa ng aksyon, ganun naman talaga ang mga tatay diba? Kaya hindi ko sya masisisi kahit ayoko umalis ng EXO nun. Balak ko talagang mag-aral sa America at magpagaling dun, kaya lang sabi ng tatay ko pagkatapos ko gumaling ay umalis na ako EXO, sya na daw ang kakausap kay Lee Soo Man ahjussi. Kahit labag sa loob ko, wala na akong magagawa, tatay ko na ang nagdesisyon, sinusuportahan naman nya ako pero sa puntong yun ay sya na ang nasunod para sa kabutihan ko. Nalulungkot ako kasi hindi ko na nakakasama at nakikita yung EXO, hindi katulad dati na lagi kaming naghaharutan. Wala na tapos naman na yun eh. Tama na nga ang kadramahan, lahat naman 'to may rason diba?
Sana mas nakilala nyo akong mabuti at mas naintindihan nyo na yung saloobin ko tungkol dun sa issue. ^^ Mahaba-haba na rin yung POV ko, kawawa naman si author-nim. Saranghaeyo! ♥
(A/N: Awww. Ang sweet naman ni Tao. Haha. Hello po! Sana nagustuhan nyo ang chapter na ito. Ang madramang pagpapakilala ni Tao sa kanyang sarili. :'( Nalulungkot pa rin ako kasi wala na sya sa EXO. Nakakapanghinayang at nakakamiss. :( Lovelots po. <3)
BINABASA MO ANG
How did it happen, Yeobo?
FanfictionTwo different worlds. An artist and his fan. Is this possible? The journey that consists of two different person. Different worlds will meet. "Paano nangyari ito?" "Ako? Para sa kanya?" "Oo, pangarap ko sya. Akala ko hanggang pangarap na lang." "Nak...