2nd Part . ..

20 0 0
                                    

"Darating mother mo, Hire?", tanong ni Eca.

"Ewan ko."

"Anong ewan mo?", tanong ni Shei.

"Hindi ko sure. Kasi may insurance meeting kasi sila ngayon."

"Ahh.. ganu'n ba? Lagi na lang wala eh! Siguro kapag end of class, darating na 'yun for sure!", sabi ni Eca.

"Hindi ah?!", depensa ko.

"Pinost na ba 'yung class honor?", tanong ko.

"Hindi pa ata, tingnan natin!", aya ni Shei.

   Pumunta kami sa bulletin board ng school, kung saan laging nagpo-post ng mga nanalo sa contest at honor student every grading. Updated.

   Tiningnan ko 'yung sa 4th year.

1st Honor---     Cruz, Vincent L.

2nd Honor---     Pascua, Nikole R.

3rd Honor---     Pascua, Lylibeth O.

   Ano ba 'yan? Wala man lang akong kakilala sa mga honor na 'yan!?

"Halika na nga! Wala naman tayo d'yan eh!", aya ko sa kanila.

"Nakita ko na 'yung sa'kin!", sabi ni Eca.

"Yaan mo na 'yan!", hinila ko na sila paalis kasi ang dami nang nagsisiksikan para makita kung pang-ilan sila sa listahan.

    Ako kaya? Ba't hindi ako honor? Ang galing ko naman daw sabi nila. Kinokopyahan pa nga ako ng classmate ko eh!

"Lika na nga!", hila ko pa rin kaso may biglang dumaan sa gitna namin, bigla ko tuloy nabitawan 'yung kamay nila, then, na-outbalanced ako.

"Oh my!", buti na lang nahawakan ako kagad sa balikat ng kung sinong nilalang 'yun.

"Thank you!", pagpapasalamat ko nang biglang pagtingala ko. . .

   Teka! Parang kilala ko 'to ah? Isip. Isip. Nasa dulo na ng dila ko eh! (halos mabaliw na'ko kakaisip) Hay! Bahala na nga! Matatandaan rin kita.

"Your welcome. Pero.. wait! (tinitigan niya 'kong maigi) Quits na tayo!", sabi ng lalaking nakasalo sa'kin.

"Ha?", nalito naman ako.

"Ako 'yung nakabangga mo malapit sa gate.

"Ahh.. .", then naalala ko.

"I'm Vincent nga pala. Vincent Cruz."

"Vincent Cruz? 'Yung 1st honor?"

"1st honor ba'ko?"

"Oo, hindi mo pa ba nakita? So.. makikisingit ka lang din pala dito sa iba? Hay naku, wag na! Sinasbi ko sa'yo, ikaw 'yung 1st honor.", ang daldal ko.

"Ganu'n ba? E 'yung 2nd & 3rd? Sino?"

"Aba, e malay ko?!"

"Akala ko ba nakita mo?"

"E syempre, hindi naman ako parehas ng brain mo eh! Madaling makatanda ng words or names!"

   Silence.

"E sa ikaw lang n'yung natandaan ko eh! Babae naman kasi 'yung dalawa.'Yung 2nd, Lily something ba 'yun? Tapos 'yung 3rd, Nikole? Tama ba?", sabi ko na lang kasi tinitingnan niya ako ng kakaiba eh!

   Porke sa kanya lang natandaan ko. Feeling 'to ah?

"Hire! Nandiyan ka lang pala?", singit ni Shei.

"Thank you naman at natapos rin ninyong tingnan 'yun.", sabi ko paiwas sa lalaki, si Vincent daw siya.

"Kain na tayo. Nagugutom na 'ko eh!", sabi naman ni Eca.

   -> You have a text message!!! <-

"Sino 'yun?", usisa ko.

"Si Mama.", sagot ni Eca.

"Bakit?", tanong ni Shei.

"hindi raw siya makaka-attend.", malungkot pero nakangiting sabi ni Eca.

"Ahh.. ganu'n ba? Sa'kin lang pala makaka-attendng pirmahan ng card.", si Shei nagsalita.

"Ang bilis ng karma noh? Pasabi-sabi  ka pa sa'kin na sa end of class na darating si mother. So, parehas na tayo! Hahaha.", sabi ko.

"Sino nga pala 'yung kausap mong lalaki kanina? Ang cute niya ha?.", alala ni Shei.

"Oo nga! Hindi mo man lang kami pinakilala sa kanya. Nakakapagtampo ka ha?", sabi ni Eca.

   Ang drama talaga ni Eca pagdating sa mga cute guys. Atsaka, DA! Hindi naman cute 'yun ah? Feeling pa nga!?!

"Ewan ko sa'yo?!" nasabi ko na lang.

   Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami ng school. Ang pangalan pala ng school ko e Carolina State University (CSU).

"Shei! Saan bang room magmi-meeting?", salubong ng Mama ni Shei.

"Sa room lang po namin, mamayang alas dos.", sagot ni Shei.

"Oh? Nasan na 'yung kananay-nanayan niyong dalawa?", tingin sa'kin at kay Eca ang Mama ni Shei.

"Ah.. e.. hindi po kasi makaka-attend eh!", sagot ko na medyo nahihiya.

         < TO BE CONTINUED. . . >

My Bullied Guy!  [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon