Chapter 1
"Rence,kailangan na natin siyang ilipat ng school.Hindi na siya ligtas sa lugar na ito."sabi ni Mom habang magkaharap sila ni Dad na nakaupo."Yan na din yung naisip ko kanina pa.Bukas na bukas ililipat na natin siya."sabi ni Dad at tumango naman si Mom bilang sagot.
Nagtatago ako dito sa likod ng malaking vase dahil gusto kong marinig kung tungkol saan yung pinag-uusapan nila.At tsaka sino ba yung ililipat??Di ko maintindihan.
Anyways,hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo I'm Sunshine Autumn Ventura.17 years old.Maganda,sexy,mabait at mapagmahal na anak.
"Mom?Dad?Sino yung sinasabi niyong ililipat?"curiousity kills kaya.
"A-autumn?K-kanina ka p-pa ba d-dyan?"tanong ni Mom while stuttering.Lema nila?Parang nakakita ng multo ha..
"Hindi naman po.Narinig ko lang po yung pinag-uusapan niyo.Sino po ba kasi yung ililipat?"tanong ko sa kanila.Like duh?!Sino ba kasi yung ililipat?Kinakabahan na ako eh...
"Anak*sigh*kailangan ka na namin ilipat ng school mo.Bukas na bukas ay aalis na tayo kaya pack your things now."Dad said full of authority.Pero bakit?Bakit kailangan nila akong ilipat ng school?Maayos naman yung former school ko ha..Actually nasa dean's list nga ako eh..."Why?"yan lang ang nasabi ko dahil yan lang naman ang kailangan kong malaman.
"Anak,hindi ka na ligtas sa lugar na ito.Kapag nailipat ka na dun sa bago mong school,mas mapoprotektahan ka nila dun.Kaya please sana maintindihan mo kami dahil inaalala lang namin ang kaligtasan mo."Mom said then she hug me tight.Halos di na ako makahinga."Pwede naman po tayong pumunta sa ibang bansa para hindi na tayo masundan nung mga taong yun."sabi ko sa kanila at bigla namang humiwalay si Mom sa pagkakayakap sakin.
"Hindi natin sila maiiwasan,ipapaliwanag ko na lang sa iyo ang lahat Autumn kapag nasa byahe na tayo bukas.Go to your room and sleep."sabi ni Dad.Dahil nga sa no choice na ako ay pumunta na ako sa kwarto ko at humiga sa king size bed ko.Hayyssss...Ano bang nangyayari?Wala akong kaalam-alam..Pinikit ko na ang mata ko and then all went black..
Zzzzzzzzzzzzzzzz-------
Autumn's POV
Kinabukasan~,
Maaga akong nagising ngayon,di ko nga alam kung bakit kasi palagi akong late na nagigising tuwing weekends pero ngayon maaga akong nagising siguro dahil gusto kong malaman kung saan kami pupunta..
Bumangon na ako and ginawa ang morning rituals ko..
Maliligo,magbibihis,magsusuklay,magboblower,magreretouch and.....tadah!!!Tapos na..
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba papunta sa kusina.Nakita ko naman yung mga cooks na naglalagay na ng mga breakfast namin sa lamesa.Inalalayan naman ako ng isang maid para makaupo sa upuan.Tinignan ko naman kung ano yung breakfast namin..Hmm...Bacon,fried rice,sunny side egg,hotdog,ham,and chicken nuggets.Tch.As always.Wala namang nagbabago sa mga kinakain ko tuwing magb-breakfast kami.Nilagyan ko na ng pagkain yung plato ko at narinig ko naman na kakarating lang din ni Dad and Mom.Si Dad kakaligo lang din dahil medyo basa pa yung buhok niya.Si Mom naman kakagising lang yata dahil nakapajama pa siya.Hindi ba siya sasama?
"Goodmorning Autumn."sabay nilang sabi."Morning."yan lang yung sagot ko dahil hindi masyadong maganda yung mood ko.Umupo na sila at sabay-sabay na kumain ng tahimik.No one attempt to talk dahil sa kakaibang atmosphere lalo na yung kay Dad.Spell A-W-K-W-A-R-D!!!And after a couple of minutes tapos na din kaming kumain.Nilalagay ko na sa maleta ko yung mga iilan kong damit.Bibili na lang ako ng bago dahil ang bigat na masyado ng maleta kung dadalhin ko lahat ng damit ko.
*Tok.Tok.Tok.*
"Come in!"sigaw ko dun sa taong kumakatok sa pinto ng kwarto ko."Ma'am Autumn ako na po ang magdadala ng gamit niyo.Pinapababa na din po kayo ng Dad niyo,aalis na daw po kayo."sabi nung maid na pumasok sa kwarto ko at kinuha yung maleta ko.Sinarado ko naman yung walk-in closet ko at tumingin muna si body sized length mirror bago lumabas ng kwarto ko.Nakita ko naman yung kotse ni Dad na nasa harap ng gate namin.Si Mom hindi daw sasama dahil pupunta daw siya sa office namin para umattend ng meeting with the council heads.
"Lets go."sabi ni Dad at pumasok na ako sa kotse at umupo sa backseat.Close naman kami ni Dad pero wala nga lang talaga ako sa mood ngayon."Anak,you okay?"Dad ask.Tumango na lang ako sa kanya.Pinaandar na niya yung kotse at ako naman ay naglagay ng earphones sa tenga ko habang nakasilip sa bintana.Nang may maalala naman ako.
"Dad bakit niyo nga po pala ako ililipat ng ibang school?Ayos naman yung grades ko dun eh."I said while pouting.Tumingin naman sakin si Dad sa rear mirror at nakita ko naman siyang nagpipigil ng tawa."Anak,delikado ka na kasi sa lugar na yun.Hindi mo lang napapansin pero palaging may sumusunod at nagmamasid sayo."sabi ni Dad.Wala naman akong napapansin eh."Dad saan niyo po ako ililipat na school?"tanong ko."Sa Theurgy Academy,mapoprotektahan ka nila dun at ligtas ka din dun.Hindi ka nila papabayaan."sabi ni Dad habang nagdadrive.Pero ano daw?Theurgy Academy?Parang ngayon ko lang narinig yun ha..Parang wala naman yatang ganung lugar dito..Ay baka sa ibang lugar..Aissshh!!Yaan na nga.Nagulat naman ako ng tanungin ako ni Dad.."Autumn...do you believed in magic?"sa sinabi ni Dad hindi ko na napigilan tumawa."Pft..Whahahhahahahaha!!!Dad whahahahah!!!Ano whahaahhahhaha!!M-magic?Whahahahaha!!"natatawa kong reaksyon sa kanya habang hawak yung tyan ko dahil di na ako makahinga.Woah!Whahahah..Di naman na ako bata para maniwala sa magic.For Pete's Sake!!Im 17 years old already..Anong pumasok sa utak ni Dad at naisipan niyang itanong sakin yan?Whahahaha..As if naman na naniniwala ako dun.."Seriously anak.Bakit ka natatawa?May nakakatawa ba sa sinasabi ko?"mahinahin niyang tanong sakin.Pero wait.seryoso ba siya?"Whahaha!!Dad!!!Nagpapatawa ka ba?!Whahaha-Ow-kay..Seryoso na nga.Pero dad alam mo naman ang sagot ko diyan di ba?Hindi na ako bata para sa ganyang bagay.Siguro nung bata ako naniniwala ako sa magic na yan pero ngayon?Nevah!"sabi ko at may kasama pang gesture sa kamay na hindi talaga ako naniniwala.Tinignan naman ako ni Dad sa rear mirror."Well.dapat ngayon ay maniwala ka na.Dahil ang school na pupuntahan mo ay isang boarding school.At hindi lang yan dahil...Isa din itong 'MAGICAL SCHOOL'."sabi ni Dad at diniinan ang salitang 'MAGICAL SCHOOL'...Tch.Anong trip ni Dad ngayon?"Seriously?"tanong ko kay Dad at kumunot naman ang noo niya.Eh sa hindi nga ako naniniwala eh.Magic don't exist right?!
"Ok..Kung ayaw mong maniwala...Ito na ang pruweba...Ikaw na lang ang bahalang umintindi."sabi niya at itinigil ang kotse sa...GITNA NA GUBAT??!!
As in nandito talaga yung school.Bumaba na ako ng kotse pati na din si Dad.Tumalikod siya sa kotse at may binulong na hindi ko naman maintindihan.Bigla na lang may lumitaw na parang...PORTAL ba yun?Nababasa ko kasi yun sa mga books sa library ng school namin eh.Aaminin ko nagbabasa ako ng fantasy sa libro or sa wattpad pero kahit kailan hindi ko pinaniwalaan yun.
"Autumn,let's go."sabi ni Dad at nauna ng pumasok sa portal.Hala!!Iniwan ako?!Baka mamaya may wild animals pa dito eh..Agad na akong sumunod doon at sa isang iglap lang ay nasa ibang lugar na kami ni Dad.At grabe huh!!!Makalaglag panga lang!!Napa-'wow' na lang ako habang si Dad ay nakatingin lang sakin habang nakangiti.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N:Kaway-kaway sa mga readers dyan.Maganda ba yung first part??Well,alam kong hindi.Pagbigyan niyo na kasi newbie pa lang naman ako.Votes and Comments is my pleasure to all of you guys!!Typo and grammatical errors can be seen.
Ps:Di ako masyadong marunong sa english kaya yaan niyo na.Thanks.
Spread the love...
BINABASA MO ANG
Theurgy Academy:Rise Of A Pureblood Diety
FantasyThis story is only work of my imagination kaya sana magustuhan niyo kahit medyo di naman kagandahan.Please leave your vote and comment every update.First time ko lang po ito kaya sana suportahan niyo. Yun lang thanks.(^_^)V