Broken Cellphone [ONE SHOT]

1.5K 69 48
                                    

 Nag-iisip ako kung saan ko 'to idedicate at biglang nagpop-out sa aking utak na sa kanya to idedicate. Napahanga kasi ako sa lahat ng ONE SHOT stories na ginawa niya. Sana magustuhan niyo. *O* 

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

[Hahaha, geh goodnight na Maricel. Matutulog na'ko.]

O sige, goodnight din. ^_^

Wala na akong natanggap na reply galing sa kanya. Siguro natutulog na iyon. AND WAAAAH, ngayon ko lang narealize na nagtexting moment pala kami ni crush. Siguro sa sobrang kilig ko kanina, hindi ko na namalayan na nagtetext na pala kami ni crush. Baliw no?

Himala nga eh kasi may load siya ngayon. Hindi naman kasi yun nagpapaload. Kapag tinatanong ko kung sino ang nagpapaload sa kanya, ang tanging sinabi lang niya ay, "secret admirer ko siguro.". Tsk. Tsk. May pagkamahangin yun eh pero okay lang crush ko naman siya eh. Pero kahit na may pagkamahangin yun, sweet naman yun SAKIN eh. OO, sakin niya lang pinapalabas ang SWEETNESS niya gaya ng PANG-AASAR. Hindi naman siya nang-aasar sa ibang babae eh, sa katunayan nga sakin lang siya ganun. Ano kaya problema 'nun? O.o

Alex Smith ang pangalan niya. Para sakin, yun na ang pinakamagandang pangalan na narinig ko sa buong buhay ko (WEH???). Siya ay chinito, matangkad, matalino sa DOTA pero matalino din yun sa MATH (akalain mo nga naman.), sweet (gaya ng pang-aasar) at syempre mabait (sa ibang babae -_-).

Grabe din noh? Inuna ko pang pinakilala si Alex sa inyo. Tsk. Tsk. Yan na talaga kapag may crush. "-_-. My name is Maricel David. Ayaw kong idescribe ang sarili ko dahil masasabi mo lang ang salitang PANGET. Yun ang tingin ko sa sarili ko eh, paki niyo ba?

Nagpray na ako kay God at napagdesisyunan na matulog na may ngiti sa labi. ^_^

Kinaumagahan, walang klase. Malas. Hindi ko siya makikita ngayong araw. Tsk. Tsk. Ayaw ko talaga kapag walang klase kasi anong gagawin mo sa bahay? Tulog, linis, manood ng T.V., Internet at NGANGA. Oh diba, sobrang BORING. -_-

Nagising na ako mga around 11:00 a.m. Grabe ang tagal ng tulog ko. Inayos ko na ang kama ko at nagpasalamat kay God dahil binigyan niya ako ng another day to live. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko. Tiningnan ko kung may nagtext ba at meron nga. 

1 message received.

Shocks. Baka si crush 'to. Hihihi. <3

from: Bestfie <3

Good morning bestfriend. ^_^

Bigla akong nanlumo. Akala ko si Alex yung nagtext, si bestfriend lang pala. Tsk. Tsk.Nireplyan ko na lang siya ng Good Morning baka magtampo yun sa'kin eh. Masyado na sigurong mataas ang expectations ko. Nagiging feeler ako. Ampupu. >O<

Broken Cellphone [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon