Coincidence?
Causality?
or
Destiny?
Ayon kay google once Destiny guides you to the one you want, it's up to you to hold on.
and
IF IT'S MEANT TO BE, IT WILL BE.
Because WHAT'S MEANT TO BE WILL ALWAYS FIND A WAY.
***************************************************************************************
First time ko pong magsulat sana magustuhan nyo :) based on a true story po ang ibang scene.
PLAGIARISM is a crime
***********************************************************************************************
Alam kung naranasan nyo na ang magkaroon ng crush. Pero panu kung yung crush mo eh kahit di ka naman nagtatanong tungkol sa kanya e kusa mo nalang itong nalalaman. Kung anung pangalan nya, course and year, saan sya nakatira, at birthday nya. Lahat yun di mo alam pero sa isang di maipaliwanag na dahilan, nalalaman mo nalang ng basta basta kahit di ka naman nagtatanong.
Could it be Destiny? I mean, one of a sign na nakatadhana kayo sa isa't isa? Pero panu kung ikaw lang ang nakakaramdam nito? Makakaya mo ba itong kalimutan nalang na sadyang kahit ang panahon eh paasa na rin.??? :(
Destiny
Maaga akong gumising para maaga ding makadating sa school. Actually, working student ako na may kursong Information Technology and yung duty schedule ko e 7:00 am to 10:00 am, we need to consume 3 hours kasi every weekdays and kapag Saturday 4 hours na .
Bilang opener na open ko na lahat. In-on ko na rin lahat ng computer dito, as in lahat. Nga pala guyz, na assign ako sa internet station, halata naman noh? na pinangalanan lang naman na Cyber Cafe.
Umupo ako sa pwesto ko (student assistant counter), balak ko sanang mag fb kaso may Cctv eh. Kaya nagsulat nalang ako sa notebook , sinulat ko yung nasa receipt para may copy kami once na mag remit.
" Miss, pa print po " - sabi ng isang estudyante
Kinuha ko naman yung flashdrive nya.
Ganito halos ang trabaho ko dito ang mag print. Knowing students and generations ngayon hindi na uso ang handwriting maybe because tinatamad sila and mas maganda talaga tignan ang printed.
Sa kabila ng pag aasikaso ko sa mga students nahagip ng mata ko ang isang cute and gwapo na estudyante. Ang cool nyang pumurma. To be honest parang k-pop syang pumurma tapos ang puti nya pa and he has a chinito eyes mukha syang half na hindi. Anu kaya name nya? Gosh, ang landi ko....bad bad bad Alleyna. Pero teka? panu naman naging bad yun?
Tiningnan ko ulit sya kaso nahuli nya yata ako kaya binaling ko nalang yung tingin ko kahit saan para di nya mahalata. Ok, aaminin ko mukha akong praning.
"Miss"
Napapitlag naman ako sa boses na nasa harapan ko.
Sinabi ko na ba sa inyo na magulatin ako? Well, now you know.
Grabe, huh!! ang sakit lang sa puso parang magkaka heart atack yata ako nito ng wala sa oras. Kaya ayaw ko dito ma assign e, bukod sa expose, yung ugali ng estudyante dito iba't iba. Napatingin naman ako sa lukong estudyante na nasa harapan ko. Napa smirk naman sya. Pe...ro. teka, tama ba itong nakikita ko? o sadyang na hallucinate lang ako.
YOU ARE READING
DESTINY - One shots
KurzgeschichtenCoincidence? Causality? or Destiny? Ayon kay google once Destiny guides you to the one you want, it's up to you to hold on. and IF IT'S MEANT TO BE IT WILL BE. Because WHAT'S MEANT TO BE WILL ALWAYS FIND A WAY. ********************...