CHAPTER 13

5 2 3
                                    

Yuan's POV

Umalis na ako sa bahay ng mga Song. Nakakainis lang. Hindi ba niya alam kung anong pinapasok niya?

Nagdrive lang ako hanggang makarating ako sa isang lugar kung saan pwede akong makapag-isip. Sa isang open field.

Ano kayang pumasok sa kukute ng babaeng yun at parang wala siyang pakialam sa desisyon na yun ng parents namin? Is she insane? Maybe? Sinong matinong tao nga naman ang papayag magpakasal sa taong hindi naman niya lubusang kilala? O siguro nagwapuhan siya masyado sa akin kaya pumayag siya agad? Hay! What a lame excuse..

Kailangan kong makaisip ng paraan para magbago ang decision niya. I will make her life miserable.

Trisha's POV

Bumalik na ako sa garden. Baka kasi isipin nila nilayasan ko na sila e.

"O anak. Nakita mo ba si Yuan? Sumunod siya sayo sa loob e.." - Mommy Therese.

Sasabihin ko ba ang totoo?

"Aa.. Si Yuan po? Hindi po e. Nagpunta po kasi ako sa CR." - Trisha.

Bad Trisha.. You're lying.

"Naku baka may biglaang lakad siya." - Tita Yaz.

Sumang-ayon na lang si Tito Andy. Pero halata  ang disappointment sa mukha niya. Pasaway pala siyang anak. Sakit sa ulo ng magulang.

"Therese.. Steve. Mauuna na kami. Medyo late na din kasi e. Sa susunod na lang ulit. Madadalas naman siguro ang meet up natin dahil sa arrangement ng dalawang bata.." - Tita Yaz.

"Magset na lang tayo ng date minsan." - Mommy Therese.

At yun nauna na ako sa loob dahil mukhang magtatagal pa sila sa paalaman nilang apat. Baka magyakapan at iyakan pa sila. Choz! Hahaha.

Umakyat na ako sa taas. Nagshower lang ako tapos humiga na sa kama. Naisip ko pa rin ang expression ni Yuan kanina. Bakit sobra naman siya magalit? Maganda naman ako a. Hahaha. Makatulog na nga lang. Night night!

Zzzzzzz.....z.z....zz....

After 8 hours..

Inat... Inat...

Sakto tulog ko..

Good morning!

Sunday pala ngayon. Wala naman akong alam na gagawin ngayon kaya matutulog ulit ako.

Zzzzz....

After an hour..

"TRISH!!" - ......

Ang ingay naman nun. Umagang umaga nambubulabog.

"TRISH! ANO BA GISING NA?" - .....

Ano ba yan parang may megaphone ang bunganga?..

Bumangon na ako dahil baka mabasag na any eardrums ko.

"Sino ba yan?" - Trisha.

Paglingon ko..

"KC naman e. Linggo kaya ngayon. Bakit ka ba nambubulabog?" - Trisha.

"Yun na nga e. Linggo ngayon kaya bumangon ka diyan at magpupunta tayo sa mall." - KC.

"Mall na naman? Kahapon lang nagmall tayo a. At nakita mo naman kung anong nagyari. Hindi maganda." - Trisha.

"Wag ka naman OA makareact. Joke lang yun. Tingin mo sa nangyari kahapon uulit pa ako?" - KC.

"E ano naman plano mo?" - Trisha.

"Wala. Tatambay lang ako dito sa bahay niyo. Tapos ininvite ko si Lindsay." - KC.

"Wow ha? Bahay mo?" - Trisha.

Wagas din 'tong pinsan ko e. Talagang nag-invite na siya ng hindi ko alam. Pero alam na kaya ni Lindsay na ako at si Xia ay iisa? Kasi the last time I saw her hindi niya ako pinansin kasi nga hindi niya siguro ako nakilala. Kasi naman sino naman ang mag-aakala na ang isang nerd na katulad ko ay isa pa lang sikat na model na nagdisguise lang.

"Anak! May bisita ka!" - Mommy Therese.

"Sige Mommy. Bababa na po kami ni Couz." - Trisha.

Tumingin naman ako kay KC na busy pagtetext. Sino naman kayang katext nito? May boyfriend na ba siya?

"Hoy KC. Umuna ka na dun. Maliligo lang ako. Mabilis lang ako." - Trisha.

"Okay. Bilisan mo ha? Nakakahiya naman kay Lindsay kung paghihintayin mo siya." - KC.

"Ok. Fine. Go." - Trisha.

Nagmadali na ako maligo. Shower shower...

After that bumaba na ako sa sala. Walang tao.

"Yaya. Asan na sila?" - Trisha.

"Nasa garden po Ma'am." - Yaya.

"Salamat." - Trisha.

Lumabas na ako papunta sa may garden. Pero parang may mali e. Tatlo sila. Si KC, Lindsay at.... What the! Anong ginagawa ng lalaking yan dito? Linggong linggo trip niya ba manggulo?

Pero nagpanggap ako na ayos lang ang lahat dahil nga sa plano ko. Kailangan ko magmukhang pumayag sa arrangement ng parents namin para maasar siya. Hahaha.

"Oh. Hello guys! So. Na-meet niyo na pala ang fiancee ko." - Trisha.

"What? Bakit di ko 'to alam? Akala ko ba bestfriends tayo?" - KC.

OA naman makareact 'to si Couz. Knowing her sigurado akong alam na niya lahat. Lagi kaya sila magkachikahan ni Mommy. At bago ako siya muna ang nakakaalam ng lahat.

"Kagabi lang kasi namin nalaman. Di ba Yuan?" - Trisha.

"Trisha we need to talk." - Yuan.

Ay ano ba yan? Talagang ayaw niya sa akin. Pero mas mapapadali ang pang-aasar ko sa kanya dito. Hahaha.. Let the asaran begin.

"We can talk here. Tutal mga kaibigan ko naman ang nandito. Right?" - Trisha.

"Oo nga. Tsaka kung ano man yan malalaman din naman namin dahil nga we're friends kahit shocked ako na siya pala talaga si Xia Song." - Lindsay.

"Ok." - Yuan.

"Pero before that. Let's have breakfast muna. Kakagising ko lang kasi e. Gutom na ako." - Trisha.

Nagpahanda naman ako ng breakfast kay Yaya. Si Mommy kasi bigla na lang nawala. Tinawag lang ako kanina tapos wala na. Baka may meeting.

Kumain lang kami ng tahimik. At ako nag-iisip ng pwedeng ipang-asar dito sa fiancee ko. Yuck!

~~

Sana talaga hindi mapahamak si Trisha sa kalokohan niya. Wish ko lang talaga. Good luck to her.

FOREVER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon