Ayun. Sa isang ngiti nya sayo.. nag-assume kana agad kaya ka nasasaktan eh, kasi umaasa ka. Nag-expect ka na mahal ka rin nya, ngunit mali. Hindi pala kayo pareho ng feelings.
'Less Expectation, Less Dissapointments." sabi nga nila.
—-
"Jessica!"
"Oh? Bakit Zac?"
"Si Tina kaba?"
"Hindi. Pero Bakit?"
"May TINA-tago kasi akong pagtingin sayo eh." Ayan nanaman siya. Bumabanat. Sanay na ako eh. Nako, kung hindi lang ako inlove sa kanya baka na sapok ko na yun.
"Tae ka. Tigil-tigilan mo ko sa mga banat mo. Layuan mo ko!" at baka madulas pa ako at mapaamin ng hindi oras.
"Kinilig naman siya. Yiee. Effective ba?"
"Utot mo. Layas!"
"ehh. hindi mo na ako love noh? May nahanap kana." hindi. ikaw lang at wala nang iba. :(
"gags. masasapok talaga kita. tigil-tigilan mo ko! tutal may gusto kana naman sa kaibigan ko, siya kulitin mo hindi ako." ok lang. kahit masakit. kahit masakit makita na may ibang kausap ang mahal mo. ok lang. kahit masaya ka piling ng iba. ok lang talaga...yan tayo eh. may nagbibigay lagi ng motibo kaya na-bubuo ang salitang 'ASSUME' . Kung sana hindi nalang nabuo yan, hindi sana ako.. tayo.. nasasaktan ng sobra.
—
"Jess!"
"Bakit nanaman Zac?"
"Si Nicki Minaj kaba?"
"Hindi. Si Jessica ako."
"Kasi pagnakikita kita napapasabi ng puso, BOOM BOOM BUROOM BOOM BOOM BUROOM BOOM BOOM BABY."
"Connect nun?" Kahit ganyan siya mag-joke, Nakaka-inlove parin kahit nung kinder 1 ko pa narinig yang mga joke na yan. kahit na korny at walang ka-connect connect, mahal ko parin siya.
"Mahal kasi kita." M-mahal? Ano? tama ba narinig ko? sampalin nyo ko dali.
"A-ano?"
"Joke lang." yan masama sa kanya eh. lahat ng bagay dinadaan nya sa joke. bakit ba kasi ang daming paasa?
sabi nga nila. 'Wag paasahin ang sarili sa mga bagay na impossible at malabong mangyari.'
di hamak na isang, KAIBIGAN LANG NAMAN AKO. Bakit mo ba kasi ako pinapaasa? Tigilan mo na to please.
—
"Babes!"
"Anong kalukohan yan ha?" pinigil ko na kilig ko baka mapaghalataan pa mahirap na.
"Si Dessy kaba?"
"Jessica nga ako, zac."
"Kasi dessy-dido na ako ligawan ka eh." with matching smile. Puso ko zac, malalaglag na.
BINABASA MO ANG
Assumera kasi
Short StoryUmasa. Isang salitang nakakamatay sa sobrang nakakamatay pati puso pinatay niya din. Mahirap umasa sa bagay na alam mong sa una palang talo kana pero syempre mahal mo kaya nagpakatanga ka at sinubukan mo paring mahalin siya nagbabakasaling mahal ka...