Bago palang ako dito. Broken Hearted kasi ako ngaun, naisip ko na gumawa ng story na makakpag pagaan sa loob ko. Halina't simulan natin.
CHAPTER1
Ako nga pala si Cheska Alonzo, Che kung tawagin nila. Nasa Canteen ako ngaun ang ingay, SIgawan dito. Parang ngaun lang sila nagkita kita.
"Uy Che" tawag sakin ng bestfriend ko.
Sya si Ana, matalik na kaibigan ko buong buhay ko yata alam na nya.
"o? bakit, tara kain na tayo?"
"Sige. Pero upsss. Kilala mo ba si Ryan Lim?"
"Sino naman yun?"
"Ano kaba? Sikat kaya yun, model dito sa Manila"
"ahhh. okay!"
"Wala ka man lang balak makita sya? Search mo sa Facebook Ryan Lim pangalan ang gwapo nya promise!"
"Bakit ko naman kikilalanin yun? Mayabang yun for sure, Model at sikat pala tara na nga order na tayo"
Habang umo-order kami pangalan ni Ryan Lim yung naririnig ko, eka gwapo daw, sikat, echos echos. Bakit ko naman aaksayahin yung panahon ko dun diba? Sikat sya, so baka sikat din yung hinahanap nya. Kumakain na kami, puro Ryan Lim lumalabas sa bibig ng Bestfriend ko, sapukin ko na to e.
Tapos na Recess, Di kami mag kaklase ng bestfriend ko. So Wala na naman akong kadaldalan sa Room, Nag aaral nga pala ako sa La Consolacion. Isa akong Normal na estudyante. Maingay kung minsan. Pero madalas naiinis ako kapag sobramnng ingay ng sa paligid ko!
Ang sabi ko kanina Wala akong pakelam dun sa Ryan Lim na yon. Pero lumipas ang ilang subject namin mag uuwian na nga, puro sya ang nasa isip ko. "Ano nga kaya itsura nya? Gwapo nga ba talaga sya at ganto sya kasikat sa school?" Hindi naman kasi sya dito nag aaral ayun sa narinig ko sa may Canteen sa St. Marcel Academy daw sya nag aaral.
*Ring.... Ring.... Ring*
Nag bell na, Uwian na. Magkatapat lang kami ng Room ng Bestfriend ko, paglabas ko ng pinto hinihintay na niya ako. "So pano friend uwi na ko ha? Ikaw lang hinintay ko. bye see you tomorrow!"
Habang nag aantay ako ng Jeep, hindi mawala sakin yung Ryan Lim. Sino ba kasi sya? Ganun ba sya ka gwapo para pag usapan ng mga girls sa school. Na o-OP ako! Habang bumabyahe na ko atat na kong makauwi sa bahay, atat ng gumamit yung kamay ko ng Computer. Bakit nga ba? Se-search ko yung Ryan Lim? Pero hindi din. Mayabang yun for sure model kasi.
Malapit na ko sa bahay ng biglang tumawag ang bestfriend ko.
"Hi bes, sinend ko na yung link ni Ryan Lim sayo. Tingnan mo na kasi!"
"Oo na sige na, Ba-bye na nasa gate na ko!"
Hindi pa ko nag papalit ng damit sa Computer agad ako nagpunta. Open agad ng facebook, "Wow! Wala daw pakelam pero nauna pa yung facebook kaysa sa Homework"
Ana Rodriquez Message you.
"Bes, eto yung link http://facebook.com/RyanLimpogikotalaga"
Hindi ko na nga nireplyan yung bestfriend ko. Click agad. pag click ko
"BOOOOOOM!"
"GWAPO NYA SHET!"
"CRUSH KO NA SYA"
So, ang gwapo nya talaga. Ako naman pinindot ko yung "ADD AS FRIEND"
*** I-aacept kaya nya ko? O Snob sya? Abangan nyo yung Chapter 2"
Salamat sa bumasa. =)))
CHAPTER 2
Tuwing umaga, ugali ko yung nag o-open ng Facebook, para mag update mag post ng status ganon nga yata talaga pag Single ka e. Nagigising ako ng maaga para lang mag Facebook. Lintek na adik na sa Facebook.
Syempre, Una kong tinitingnan yung Notifications ko. Nananlaki yung mata ko
RYAN LIM ACCEPT YOUR FRIEND REQUEST.
Uyy, Sheeettt! Hindi dya snob. Bakit ganto nararamdaman ko? O friendly lang talaga sya. Pero hindi din kasi nga yung Bestfriend ko hindi pa daw sya inaacept Last Week pa yung FRiend Request nta, ha? Hoy Cheska! Wag kang assuming.