Chapter 1

2 0 1
                                    

Papunta ako ngayon kila Sierra at susunduin ko siya sakanila, ayaw kasi nun na laging pumapasok sa school ng mag isa tutal mag classmate naman kami kaya why not diba?

Malapit lang naman bahay nila saamin, mga ilang kanto lang siguro. Nung malapit na ako sakanila nakasalubong ko nanaman yung isa sa manliligaw ko.

"Hi Cara, san punta mo?" Sabi niya saakin while smiling.

Dahil hindi naman ako snob, pinansin ko narin. "Ahh diyan lang kila Sierra susunduin ko lang siya." Sabi ko sabay ngiti.

"Ahh so-" hindi ko na siya pinatapos dahil alam kong mapupunta nanaman ang usapan tungkol sa panliligaw niya saakin.

Mahigit isang taon na siyang nanliligaw saakin at wala akong pakieelam sinasabihan ko naman siya na walang pag asa saakin pero ang tigas talaga ng ulo eh. Hindi naman siya panget actually crush nga siya ni Sierra eh, gwapo siya tsaka mabait. Kaso di ko lang talaga type tsaka bata pa kami para sa ganyan.

"Sorry Ivan pero kailangan ko na talagang sunduin si Sierra eh. Baka malate kasi kami sa school." Sabi ko at ngumiti ulit sakanya.

"Okay lang Cara, sorry din. Tsaka I gotta go narin. Bye." Sabi niya saakin tsaka kumaway

Ngumiti lang ako at dumiretso sa bahay nila Sierra.

"Sierra! Sierra!" Katok ko sa gate nila.

"Bukas yan!" Sigaw naman niya

Binuksan ko yung gate tsaka dumiretso sa pintuan nila.

"Good morning po Tita." Bati ko sa Mama ni Sierra

"Upo ka muna Cara, late na kasi nagising yang si Sie." Sabi naman niya saakin

"Okay lang po tita."

Tumayo ako at pumunta sa kusina nila kung saan nakita ko si Sierra na nag totooth brush.

"Opps! Diyan ka lang, wag mo kong panoorin habang nag totooth brush." Saway niya saakin. Ayaw niya kasi na may nanonood sakanya habang nag totooth brush.

"Dito lang ako huwag ka mag alala." Sabay taray ko sakanya

Nung natapos na siya lahat lahat pumunta siya sa basket nila na punong puno ng mga candies. At binigyan niya ako.

"O tatlo yan para I love you." Sabay tawa niya

Tumawa na lang din ako at nag thank you.

"Ma alis na po kami ni Cara! "

"Sige mag ingat kayo, aral mabuti ha."

***
Habang nag lalakad kami papuntang school nag kachikahan kami ng konti.

"Na gets mo ba yung lesson kahapon?" Tanong niya saakin.

"Lesson saan? Sa Math o Science?"

"Sa Math, di ko kasi maintindihan eh. Ang hirap talaga kapag apelyido mo Vasquez. Ang hirap maupo sa likod."

"Hahaha buti pa ako sa D nagsisimula yung apelyido ko." Asar ko sakanya

"Buti ka pa Dizon. Tungunu kasi nung mga kaklase natin ang lalaki ng ulo. Imbis na yung sinusulat ni Ms. yung makita ko mga ulo nila eh."

Natatawa ako kay Sierra tuwing naiinis, ang cute kasi niya mag mura imbis na sabihin yung totoong word iniiba niya ng salita.

"Masanay kana Hahaha."

Pagdating namin sa room umupo lang ako at nagsuot ng earphone. Yung iba ko namang mga kaklase gumagawa ng assignment at yung iba naman kumokopya sa may gawa.

Well that's life.

Kumakanta ako ng mahina at nagulat ako ng may biglang humablot sa isa kong earphone.

"What?" Pagtataray ko sa kanya

"Ahmm chocolates?" Alok niya saakin sa dalawang pirasong box ng Toblerone.

" Ayaw kong mamatay sa sakit na Diabetes Kean ha." Sabay suot ko ulit ng earphone ko.

"Hindi kita papatayin, I'm just being sweet to you Cara." Sabi ni Kean

Naririnig ko naman yung mga sinabi niya kasi hindi naman masyadong malakas yung volume nung sound.

"Ha?" Kunyaring hindi ko narinig ang mga sinabi niya

"Wala, just accept this." Sabay bigay niya saakin ng chocolates

"Okay I'll accept this pero hindi ko sinabing kakainin ko to okay?"

Halatang nalungkot siya sa sinagot ko sakanya. Gusto ko lang magpakatotoo.

" Bumalik kana sa room mo at baka nag stastart na yung klase niyo." Sabi ko sakanya at nagpaalam narin siya.

Siya si Kean isa rin sa mga nanliligaw saakin 4th year High school na siya at ako naman ay nasa 3rd kaya malapit lang ang building nila saamin. Mabait siya at siya yung tipong mukhang suplado na chinito. Madami ring nagkakagusto sakanya at isa narin dito si Sierra.

Sa dinami dami kong manliligaw sila lang talaga yung naniniwala sa kasabihan na SOLID. Ganyan na siguro mga lalaki ngayon 'walang titibag' nga daw eh.

Basta ako I need to enjoy being young at darating rin tayo sa punto na maiinlove tayo sa tamang panahon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nothing Last ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon