Ex-boyfriend

156 0 0
                                    

©2010 yhanakulet

Ex-Boyfriend

"Best! Ang ganda ganda mo na talaga ngayon."

Sabay yakap sa kanya. Matagal na kaming hindi nagkikita ni Mikaela, halos tatlong taon na rin. Kaya halos magtatalon ako sa tuwa pagdating niya sa airport. Ang mukha niya-kay gandang pagmasdan. Ibang iba na talaga siya, walang bahid ng kahapon.

"Naman! Haller best?! Ikaw lang ba may karapatang gumanda? Excuse me." Pabirong sabi ni best sa'kin sabay kindat at pagkatapos siya pa ay humalakhak.

Hinanap pa niya ang boyfriend ko. Nagtataka siya at hindi nakabuntot si Marvin kaya nabisto niya agad na break na kami. Isang lingo pa lang naman kaming wala.

Masaya kaming nagtsikahan sa mga bagay-bagay sa buhay naming dalawa habang nasa kotse pauwi hanggang sa pagtungtong naming ng salas. May isang lalaking nakaupo sa sofa ang bumungad sa'min. Matangkad siya, maputi, balingkinitan ang katawan, matangos ang ilong, singkit na mga matang masayang natanaw ako. Hindi inaasahan ni best na may bisita ako at si Marvin pa. Pero ako inaasahan ko na, paano ba naman kahit wala na kami lagi pa rin s'yang dumadalaw. Pinakilala ko sila sa isa't isa at si best nagwapuhan pa sa ex ko, naku lang.

"Ba't mo pinakawalan best? Sige ka akin na lang siya." Pabulong na biro ni best sa'kin

Lumipas ang ilang araw at mukhang nagkakamabutihan na silang dalawa. Dedma na lang ako kahit halata sa'king mga mata ang kirot. Kinubli ko ang lahat kahit bas a mismong bahay ko pa sila naglalambingan. Lumalabas sila, friendly date ba-puntang Trinoma, MOA, Podium, kain sa Tokyo-Tokyo, nood ng sine o kahit sa bahay ko na lang sila mag-bonding. Sabi ko na lang sa sarili ko, okay lang. Ang mahalaga masaya sila.

Isang gabi, pumasok si Marvin sa kwarto ko. Hindi man lang siya kumatok. Hinaplos ng kanyang mainit na kamay ang aking pisngi. Ang mga mata niya ay nangusap na tila alam ang pinagdadaanan ko. Hindi ko na nakayanan at nabulalas ang damdaming kinubli.

"Nagseselos ako, pero wala na 'kong magagawa dahil hindi na n'ya ko mahal. Ikaw na!"

Unti-unting pumatak ang luha sa 'king mga mata. Hindi ko namalayang nakatayo na pala sa may pintuan si Mikaela. Narinig niya ang mga sinabi ko. Lumakad s'yang papalapit sa akin at tinabig palayo si Marvin. Lumuho siya sa'king harap, niyakap niya ako at winikang:

"Sorry, halos tatlong taon na rin buhat ng iwan kita."

Patuloy lang ang aking pag-iyak. Dinama ang katawan niyang kurbadang eba na talaga. Mas maganda pa s'ya sa akin ngayon. Kahit hindi na s'ya tulad ng dati , nang dumampi ang labi niya sa aking labi ay nadama ko pa rin ang init ng pagmamahal na isang adan.

Ex-boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon