Prologue

3 1 0
                                    

Maria Luxene Jille Del Valle (picture on the top part)

This is the story of my childhood friend that turns out to be a "Disaster in Love".

Let me tell you my story, but first let me introduce to you the main characters of the story.

Main Characters

-Maria Luxene Jille Del Valle

-Riven Don Kyrix Keller

Lux Parents

-Martha Feliz Del Valle

-Julian Lucio Del Valle

Riven Parents

-Kyielle Keller

-Raven Don Keller

Past


LUX POV

"Lux, gumising ka na. May pasok pa kayo sa paaralan ngayon. Kailangan mo pang tapusin yung mga requiremts mo sa school bago ka magbakasyon."

"Nay naman eh, mga 5 minutes pa. Inaantok pa ako, anong oras na kasi ako nakatulog kagabi."

Hindi ko pa talaga feel bumangon. Ewan ko ba kung kailan magbabakasyon tsaka naman ako tinatamad.

"Oh hala sige, ikaw ang bahala. Bilisan mo na lang ang kilos mo at baka dumating na si Tita Kyielle mo. Bumaba ka at mag almusal pag natapos ka ng mag ayos."

"Opo nay, ako na bahala."

Bumalik ulit ako sa pag tulog ng lumabas si inay ng kwarto ko. Bahala na mamaya, bibilisan ko nalang ang pagkilos ko para hindi nakakahiya kay Tita Kyielle at sa anak nya na "BEST FRIEND" ko (insert sarcasm here).





RIVEN POV

"Riven bilisan mo, anong oras na baka naghihintay na si Luxene sa atin." Sigaw ni mommy galing sa baba.

"Saglit lang 'my, may inaayos lang ako."

Sa totoo lang, wala talaga akong inaayos. Inuubos ko lang ang oras ko at hindi pa bumababa. Ewan ko ba kay mommy bakit kailangan pa naming isabay si Jille. Hindi sa ayaw ko siyang isabay, nasanay na rin naman ako. Kaya lang masyado akong naiilang sa presensya nya.

Tinignan ko ang wrist watch ko at bumaba na. It's already 7:10. Well, we're not that late kasi preparation nalang naman for graduation ang hinihintay ko. Tapos ko na din kasi lahat ng requirements ko, so my schedule is not that busy.





LUX POV

"Inay, andyan na po sila Tita Kyielle, alis na po kami. Magiingat ka po dito inay." Sabay halik sa pisngi ni inay.

Paglabas ko pa lang ng gate ay nakita ko na si Bestfriend na naka sitting pretty sa car nila. Walang iba kundi si Don.

"Good morning po tita."

Sabay halik sa pisngi ni tita and give her my sweetest smile.

"Good morning din Luxene, kamusta na ang nanay mo?" She respond a sweet smile too.

For me Tita Kyielle is my second nanay. Kung tutuusin sa iisang lugar lang kami nakatira. 4 houses lang ang pagitan. Kaya nga kami naging mag childhood ng mokong na katabi ko eh.

"Okay naman po si nanay Tita Kyielle, how's Tito Raven po?"

Kahit na sabihin pa nating magkatabi kami ng Don na ito. Hindi pa rin kami nagpapansinan. Tito Raven is in Veniz, Italy, he was there since last month pa. May inaasikaso siyang negosyo according to Tita.

"Okay naman siya Luxene medyo naiaayos na niya ang mga problema doon. Siya nga pala, pag katapos ng graduation niyo ni Riven. Anong balak mo? Saan ka na mag hahanap ng trabaho?"

Hmm. Napaisip din ako sa tanong ni tita. Oo nga pala gagraduate na kami. Hindi ko man lang napagtuunan ng pansin yung bagay na yon. Ang dami ko pa kasing requirements na tinatapos. Pero sa totoo lang, gusto ko munang magbakasyon. Pagkatapos ba naman ng 14 years sa school kailangan ko munang magliwaliw. Hehehe

"Sa totoo lang po tita, wala pa po sa isip ko ang maghanap ng trabaho. Gusto ko po muna magbakasyon sa probinsiya nila nanay bago ko sisimulang magtrabaho."

Naku, naubos ang oras namin ni tita sa kwentuhan. Andito na pala kami sa tapat ng school. Pagtingin ko sa katabi ko naka simangot, ke aga aga nakabusangot agad. Hmmmp, bahala nga siya diyan.

"Mommy, una na ako. Marami pa akong dapat gawin."

Si Don na akala mo ay pinagsakluban ng langit at lupa.

"Sige anak sabay na kayo ni Luxene, mag iingat kayo."

"Sige po tita, salamat po."

Umalis na si tita, yung mokong na yun kahit kailan. Buti nalang nauna na yung pumasok dahil ayaw kong sumabay sa mga taong may negative energy sa umaga.

Mabuti pa ay pumasok na ako dahil marami pa akong dapat gawin.

A/N: Please like and vote po for motivation.
What do you think about my story? Comment it.

Disaster in Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon