Prologue

5 1 1
                                    

____

Pangalawang linggo ng bakasyon nang kunin ako ng lola ko para tumulong sakanya sa canteen niya.

At yung araw narin naiyon simula ng unang makita ko ang canteen ng nanay niya, mahigpit na mag kalaban ang canteen ng nanay niya at ng lola ko.

Pangatlong araw ko sa pag tulong sa canteen ng lola ng una ko siyang makitang may hawak na map, mag mamap na ata siya.

Pangalawang kita ko sakanya nag sasara na sila ng nanay niya, halata sa kilos at tayo niya na napaka suplado niya lalo nasa mukha niyang walang emosyon.

Tuloy tuloy ang araw na nakikita ko siya, paminsan wala siya sa canteen ng nanay niya upang tumulong siguro ay hindi na siya tumutulong sa nanay niya sa pag-asikaso ng canteen nila dahil sa may iba ng tumutulong dito.

Naalala ko nanaman yung araw na nag papapalit ito ng fifty peso sakin, mukhang naubusan sila ng barya. Hindi ito nag salita iniabot lamang niya ang pera sa akin, kinuha ko lang ito at pinalitan ng mapalitan ko na ito ni mag pasalamat sa akin hindi niya ginawa, napaka suplado talaga wika ko sa sarili habang napailing ng marahan.

Napabuntong hininga nalang ako habang inaalala ang mga unang tagpuan namin ni clyde, nakahiga ako sa kama at inaalala ang mga unang encounter namin sa isa't isa.

Tuwing inaalala at maaalala ko ang mga iyon, napapangiti ako. Hindi dahil sa nababaliw ako kung hindi dahil natutuwa ako na dati inisnob snob lang niya ako, ngayon bestfriend na kami.

Bestfriend, ang sarap pakinggan pero may kirot sa pakiramdam. Hindi ba pwedeng ibalik nalang ang nakaraan kung saan hindi ko pa siya mahal ?

Hindi na, hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan dahil kahit ibalik pa ito pakiramdam ko mahuhulog at mahuhulog parin ako sa taong iyon.

Napaka perpekto nito sa paningin ko, hindi maiiwasang hindi mo siya mahalin lalo na't alam mo kung gaano ito kasarap mag mahal, yun nga lang nalaman ko ito dahil sa ex girlfriend niya.

Napaka swerte at malas ng ex girlfriend niya, ang swerte niya dahil minahal siya ni clyde ng sobra at ang malas niya dahil pinakawalan niya pasi clyde at bonus pa napaka tanga niya dahil sinaktan niya ang isang clyde.

Maralas o paminsan, tinatanong niya sakin kung deserve niya bang mahalin ? Oo deserve niya. Pero kung ako talaga ang tatanungin ? Mas deserve niyang mag mahal uli pero kung sa maaari lang yung sarili muna niya ang mahalin niya.

Matalino si clyde, medyo naging tanga lang siguro siya sa unang pag ibig niya parang ako, pero sana sa susunod na iibig siya hindi na siya maging tanga.

Tanggap ko na hindi ako, tanggap ko sa sarili ko na kaibigan lang ako ng isang clyde cruz, at masaya ako dun masaya ako na kaibigan ako ng tulad niya.

Pangako, susuportahan kita hanggang sa maachieve mo lahat ng goals mo sa buhay, andito lang ako para sayo.

Katulad ng sinabi mo walang permenente sa mundo, lahat may katapusan pati narin itong pag kakaibigan natin pero alam mo kung anong gusto kong sabihin sayo ?

Kung hindi ko kayang ipaglaban itong nararamdaman ko sayo, magiging matatag ako para kahit man lang itong pag kakaibigan natin mailigtas ko sa mundong walang permenente, sana lumaban karin o kaya icheer muna lang ako habang nakikipag laban kay tadhana.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

So Called BestfriendWhere stories live. Discover now