Sa gitna ng kawalan at makikita ang isang binata na nakahandusay sa lupa."Asan na ako?" Turan ng binatilyo.
Pilitin mang tumayo ay Hindi niya magawa sa kadahilanang Hindi niya malaman.
"Wag munang pilitin pang tumayo dahil ikaw ay mahina pa" tanan ng isang Boses.
Napalingon ang binatilyo sa pinagmulan ng tinig.
"Anung ibig mung sabihin mister?" Tanung niya dito.
"Hindi mo ba naaaala ang sanhi ng iyong pagkaka paroon dito?" Turan ng lalaki.
Sandaling nag-isip ang binata saka niya napag tanto ang nangyare
.Hindi basta-basta ang dinanas niya mula ng mapasok niya ang lugar na to.
Kung Hindi siya nagkakamali sa pagkakaunawa nandito pa rin siya sinasabing OTOPIA.
Isang mundong nalikha dahil sa isang prinsipyo.
Ito ay ang imahinasyon , na kasama ng brain wave.
Sa Hindi malamang kadahilanan ay nakapasok siya dito.
"Wag kang mag-alala, makakalabas ka din dito kapag natapos na ang oras" paliwanag ng lalaki.
"Oras? So may time limit dito?" Tanung niya.
"Meron, depende sa creator kung panu ang sistema ng oras sa labas at loob ng larong ito" paliwanag ulit niya.
"At ikaw ang creator ng OTOPIA, tama ba??" Tanung niya sa lalaking Hindi naman niya kakilala.
Tinitigan siya ng lalaki sabay ngiti.
"Maniniwala ka ba kung sasabihin kung ako ang gumawa nito?" Sabi nung lalaki.
"Wala ka namang dahilan para magsinungaling saken, at sa kilos mo kanina ng niligtas mo ako, imposibleng Hindi ako maniwala sayo" turan niya.
" Haha! Nakakatawa ka, masyado mung kalkulado ang galaw ko" nakangiting sabi nito.
Ngumiti lang siya dito at tumayo na. Mukhang nakabawi na ng lakas ang binata.
"So panu ako makalabas dito?" Tanung niya.
"Haha! Nagmamadali? Bweno, sabihin mo lang ang salitang escape" tugon sa kanya.
"Okay! Salamat. Pero anu ba ang iyong pangalan para naman makilala man lang kita?" sabay yuko bilang pag galang.
" Thetron bata " ang sagot nito sa binata.
"Kung ganun ay Maraming Salamat Thetron " saad ng binata.
"At bibigyan kita ng special na regalo para Hindi na maulit ang nangyare sayo" paliwanag Neto.
"Salamat, aasahan ko yan" tugon niya sabay bigkas ng 'ESCAPE'.
Nawala sa paningin niya ang binata at napangiti na lang siya dito.
"Isinilang na ang batang babago sa OTOPIA" sabi no Thetron.
Panung pagbabago ang mangyayare sa OTOPIA?
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤Edited part.
YOU ARE READING
7th Sense
Science FictionSa mundong puro gulo at digmaan, sinilang ang isang taong may kakayahang baguhin ang mundo. Siya ba ay maghahatid ng kaguluhan o kapayapaan.