CHAIN LETTER (SHORT STORY)

671 12 0
                                    

NOVEMBER 4, 2013

          AKALA NATIN AY ANG CHAIN LETTER AY GAWA GAWA LAMANG. PAPANO KUNG MAKATANGGAP KA NG CHAIN LETTER AT MAGING TOTOO?

          SI JANICE AY 3RD YEAR HIGH SCHOOL STUDENT. 15 YRS OLD. NAG AARAL SYA SA ISANG PRIVATE SCHOOL. TATLONG SILANG MAGBABARKADA JANICE, MALOU AT ROWENA.SI JANICE AY MAY BOYFRIEND MIKE ANG PANGALAN. SA SCHOOL NILA HIWALAY ANG BABAE SA LALAKE. PAG BREAK TIME LANG SILA NAGKIKITA.

NOON USONG USO ANG MGA CHAIN LETTER. LAGI NALANG NA MAY NAGPAPADALA KAY JANICE. KAYA LAGI NALANG SYANG NAIINIS AT BINUBURA NYA.

NAKITA NI MALOU AT ROWENA ANG MASUNGIT NA MUKHA NI JANICE.

MALOU: ANONG NANGYARI AT ANG AGA AGA NAKASIMANGOT KA?

JANICE: PAPAANO ANG AGA AGA RIN MAY NAGPAPADALA NG CHAIN LETTER SA AKIN. NAKAKAINIS.

ROWENA: IGNORE MO LANG YUN FRIEND, BAKA MASIRA ANG ARAW MO. IKAW DIN.

MIKE: HI HON SABAY HALIK SA PISNGI NI JANICE. BAKIT DI MAIPINTA YANG MUKHA MO.

JANICE:PAPAANO MAY CHAIN LETTER NANAMAN AKONG NATANGGAP.

MIKE: WAG KANG MAG ALALA DI KA NAG IISA. WAG MO NALANG PANSININ LALO KA LANG MAIINIS. MAMAYANG LUNCH MAGKITA NALANG TAYO SA CANTEEN HA.

JANICE: OK HON.

NAKARINIG NA SILA NG BELL AT NAGPASUKAN NA SILA SA MGA ROOMS NILA.

SA CANTEEN LUNCH BREACK NA NILA. NAUNANG PUMASOK SI MALOU AT JANICE. NAIWAN SI ROWENA DAHIL MAY KAUSAP SYANG IBANG FRIEND NYA. MGA ILANG MINUTO SUMUNOD NA RIN SI ROWENA.

ROWENA: GUYS, MAY NABALITAAN AKO. SABI NG FRIEND KO KANINA NA YUNG ISANG FRIEND NAMIN AY NAMATAY NA. DAHIL DAW YATA SA CHAIN LETTER. MAY NAGPADALA DAW SA FRIEND NAMIN NA CHAIN LETTER INIGNORE DAW.KAYA DAW NAMATAY.

JANICE: NAKAKATAKOT NAMAN YUN. ANO KAYANG KLASENG CHAIN LETTER YUN?

MIKE: BAKA NAGKATAON LANG YUN.

ROWENA: DI KO ALAM KUNG ANONG KLASENG CHAIN LETTER YUN. SANA NGA NAGKATAON LANG YUN.

NAG-ISIP SILANG LAHAT AT NATAKOT BAKA MAPADALHAN DIN SILA AT INIGNORE BAKA SILA ANG SUMUNOD.

MALOU: SA SUSUNOD DI NA AKO MAG IIGNORE NG CHAIN LETTER. NAKAKATAKOT NAMAN. HALIMBAWANG PADALHAN AKO, ISESEND KO SA INYO HA.

JANICE: OK LANG SA AKIN YUN. BASTA AKO RIN PAG MAY DUMATING SA AKIN, ISESEND KO RIN SA INYO.

PUMAYAG SILANG LAHAT. DAHIL SA TAKOT DI NA RAW SILA MAG IIGNORE NG CHAIN LETTER. USAP-USAPAN NA SA SCHOOL YUN ABOUT SA CHAIN LETTER, MARAMI NA RAW ANG NAMATAY AT NAAKSIDENTE. DI NA SILA MAKA CONCENTRATE SA PAG- AARAL NILA.

SABI NG MGA TEACHERS PUWEDE NAMAN DAW IPASA SA IBA, WALA NAMAN DAW MAWAWALA KUNG SUSUNDIN NYO ANG NAGPADALA NG CHAIN LETTER. PARA WALANG MASASAKTAN O WALANG MANGYAYARI NA MASAMA.

ILAN SA MGA KA SCHOOL MATE PALA NILA ANG NAPAHAMAK DAHIL SA CHAIN LETTER NA IYON. HALOS ARAW-ARAW YUN NALANG ANG MARIRINIG MONG TOPIC SA SCHOOL. YUN IBA NAGBENTA NA NG CELLPHONE. DI NA SILA GUMAGAMIT, PARA DI MAPAHAMAK.

PAGSAPIT NG ILANG WEEKS WALA NA SILANG NABABALITAAN ABOUT SA CHAIN LETTER. MEDYO PANATAG NA ANG LOOB NG MGA STUDYANTE. MEDYO NAKALIMOT NA RIN. HANGGANG SA ISANG ARAW AY MAY NATANGGAP SI JANICE NA CHAIN LETTER.

“I’M SUSAN GARCIA, I DIED LAST YEAR. I WAS FOUND DEAD HANGING IN MY BEDROOM. SEND THIS E-MAIL TO YOUR 7 FRIENDS. DO NOT IGNORE OR DELETE THIS… OR YOU WILL DIE…”

JANICE: OH MY GOD’ ANONG KLASENG E-MAIL ITO? ITO BA ANG CHAIN LETTER NA SINASABI NILA?

MIKE: SIGURO NGA. ISEND MO NA AMIN. PARA MAGING OK. ISEND MO RIN SA IBA MO PANG KAKILALA.

ROWENA: WAG MONG IIGNORE PARA WALANG MANGYARING MASAMA SA IYO. DALI ISEND MO NA SA AMIN.

NANGINGINIG SA PAG SEND NG E-MAILS SI JANICE SA SOBRANG TAKOT. PINAG SESEND NYA ANG E-MAILS SA MGA FRIENDS AT KAKILALA (JULIE, LINDA & JOAN) NYA. SA LAST MESSAGE NAG SORRY SYA. NATAKOT SILANG LAHAT SA E-MAIL NA DUMATING.

YUNG ISANG KAKILALA NI JANICE AY DI NANINIWALA KAYA INIGNORE NYA ANG E-MAILS AT BINURA PA. NAGULAT SI JANICE NG MAY E-MAIL ULIT NA DUMATING.

“ LINDA IGNORE THE E-MAIL AND DELETE IT. THE NEXT DAY SHE JUMPED OFF FROM THE ROOFTOP OF HER SCHOOL BUILDING.”

NAGULAT SILA SA DUMATING NA E-MAIL. HINANAP AGAD NI JANICE SI LINDA. TINAWAGAN NYA  DI RIN SUMASAGOT. DI NYA ALAM KUNG SAAN NYA HAHANAPIN SI LINDA, HALOS BUONG CAMPUS AY NAIKOT

NA NYA. PAGDATING NG UWIAN AY DUMERETSO SILA SA BAHAY NI LINDA. TINANONG NILA KUNG NASAAN SI LINDA. SABI NG NANAY NYA DI PA RAW UMUUWI. NAGHINTAY SILA HANGGANG SA GINABI NA SILA.

UMUWI NALANG SILA. DI NA NILA MAHINTAY. NAG-AALALA NA RIN ANG MGA MAGULANG NI LINDA. NAKAILANG TXT NA RIN SI JANICE KAY LINDA, WALA DIN REPLY. DI NILA ALAM KUNG SAAN SILA MAGHAHANAP. LAHAT NG PINUPUNTAHAN NI LINDA NAPUNTAHAN NA NILA.

KINABUKASAN NG UMAGA PAPASOK NA SILA JANICE SA SCHOOL AY NAGKAKAGULO ANG MGA STUDYANTE. NAKITA NILA SI LINDA NA NASA ROOFTOP NG SCHOOL BUILDING NILA. TINATAWAG NILA ANG PANGALAN NI LINDA PERO DI NYA KAMI PINAPANSIN.

PARANG WALA SA SARILI SI LINDA. MAYA MAYA BIGLA NALANG TUMALON SI LINDA. NAGSIGAWAN ANG MGA TAO SA SCHOOL. BUMAGSAK  SI LINDA SA BABA BASAG ANG BUNGO BALI-BALI ANG BUTO AT PURO DUGO ANG UMAAGAS.

TILIAN AT IYAKAN ANG MGA TAO. PATI SI JANICE AY DI MAKATINGIN SA TAKOT NA NADARAMA. IYAK NG IYAK SI JANICE. SINISISI NYA ANG SARILI NYA. SANA DAW DI NALANG DAW NIYA PINADALHAN NG CHAIN MESSAGE SI LINDA. SANA BUHAY PA RAW SYA.

ILANG ARAW DIN IYAK NG IYAK SI JANICE KAHIT NUN ILIBING NA SI LINDA. INALAM NILA KUNG SINO SI SUSAN GARCIA. KUNG BAKIT SYA NAGPAPADALA NG CHAIN LETTER.

NAG RESEARCH SILA MIKE AT JANICE SA INTERNET KUNG SINO SI SUSAN GARCIA. SILA MALOU AT ROWENA AY NAGRESEARCH SA LIBRARY AT NAGTANONG DIN SA IBA NA NAKAKAKILALA.

NALAMAN NILA NA SI SUSAN GARCIA AY DATI RING STUDYANTE DOON SA SCHOOL NILA AT NAGPAKAMATAY LAST YEAR. WEIRD DAW KASI MAY LAHI DAW NA MANGKUKULAM. LAGI DAW TINUTUKSO, BINUBUHUSAN NG TUBIG SA CR AT KUNG ANO ANO PA RAW ANG PINAG GAGAWA SA KANYA.

LAST YEAR DIN DI NA RAW NAKATIIS, HINDI NA RAW PUMAPASOK. NABALITAAN NALANG DAW NA NAGPAKAMATAY SI SUSAN GARCIA. WALA NA RAW SILANG NAGAWA DAHIL HINDI NAMAN DAW NAGPAPAKITA SA KANILA.

DI RIN SILA MAKAREPLY DAHIL WALA NAMANG NAIWAN NA NUMBER SA CHAIN LETTER (INBOX). HANGGANG NGAYON AY MARAMI PA RIN NAKAKATANGGAP NG CHAIN LETTER. HALOS LAHAT NG TAO SA SCHOOL AY DI NA NILA INIIGNORE ANG CHAIN LETTER, MULA NANG TUMALON SI LINDA SA ROOFTOP.

WAKAS

CHAIN LETTER (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon