Prologue

9 0 1
                                    


"For sure you are one of the Magna Cum Laude this year! Advance Congratulation Ms. Salvador. "

Kinamayan ako ng dean at ng thesis adviser ko. Ngumiti sila sakin na parang may magandang mangyayare pero hindi ko sila ginantihan neto.

Lumabas kami ng office, tinapik ni Ms. Flores ang balikat ko.

"Hindi ka ba masaya? You should be happy. I know your parents would be proud of you."

Napailing ako sa sinabi niya.

"I should go Ma'am may gagawin pa po ako sa library."

Proud? Never. My parents loathe me to hell.

I was 9 Years old ng may nangyare na aksidente sa pamilya ko. Nawala si Agnes ang bunso kong kapatid. Nawala si Agnes dahil sakin to be exact.

Nasa mansion kami sa Batangas ng nawala si Agnes. Birthday ko non, nag lalaro ako sa tabing dagat ng may mapansin akong magagandang bulaklak sa gubat hindi ko alam na sinundan niya ko. Nahulog siya sa ilog, wala akong nagawa, I'm just 9 Year old I was scared and helpless that time. Nakahawak pa siya sa isang sanga ng umaalis ako para humingi ng tulong.

"Agnes! Wag kang bibitaw! Babalik ako! Babalik si ate! Kumapit kang mabuti!"

My little voice is shaking. Unti unting pumatak ang ulan, lalo akong kinabahan. Umiiyak na ko habang tumatakbo ng mabilis. Nadulas pa ko dahil sa isang bato, may humiwa sa tuhod ko pero hindi ko ininda ang sakit.

"Ma! Ma! Da! Dad!"

Nagtatawanan ang pamilya ko ng makapasok ako sa bahay. Ang mga tita ko ay nanlalaki ang mata na tumingin sakin. I don't care anymore.

"Agatha what happened?"

"Princess, what happened to you?"

Lumapit si mom and dad sakin. Nakita ko ang pagaalala nila. Nanginginig ako, hindi ko alam kung saan magsisimula. Hinawakan ni dad ang dalawang braso ko.

"Princess, calm down."

"Da- dad si Agnes po."

Nag iba ang mukha ni mom, Agnes is her favorite. Hinila ko ang kamay ni dad para sana ituro na sa kanya pero hinila ni mom ang braso ko, kinaladkad niya ko palabas ng bahay.

"Where is your sister!"

Umuulan na ng malakas, halo halo na ang nararamdaman ko ngayon. Nagalit si dad sa ginawa sakin ni mom. Pero wala na kong pakielam. Sinabi ko sa kanila ang detalye.

Tumakbo agad don sila dad, kasama ang mga tito ko nagsama din sila ng mga bodyguards namin. Ayaw isama ni dad si mom pero wala silang nagawa, yakap ako ng tita ko. Pinapatahan niya ko. Nagamot na ang sugat ko pero ramdam ko parin ang sakit, pero walang mas sasakit sa nararamdaman ng puso ko.

Bumalik sila dad. Nakita ko sa mukha nila ang lungkot, nasa likod si mom na umiiyak, lalong sumakit ang puso ko.

Wala silang nakitang katawan, kahit sa dagat nagpa search and rescue sila. Ilang linggo na wala parin nakikita. Nag stay pa kami don pero ng wala talaga nag decide si dad na pumunta ng manila dahil andon ang buhay namin.

"Alfredo! Wala don ang buhay natin! Nandito! Dito nawala ang anak natin! Kaya nakakasigurado ko na dito rin natin siya matatagpuan!"

Luhaan na sumisigaw si mom, pero ng napalingon siya sakin binigyan niya ko ng matalas na tingin.

"You! You are the reason kung bakit nangyayare to!"

Tinuro turo pa ko ni mom, pinipigilan siya ni dad pero ng makawala siya sa bisig neto lumapit siya sakin at tinulak ako tumama ang braso ko sa glass table. Takot na takot ako.

"Ingitera ka! Naiingit ka sa kapatid mo kaya binalak mo lahat ng to!... Wag kang umiyak na parang ikaw ang biktima dito! SANA IKAW NA LANG ANG NAWALA!"

Kahit anong pigil ni dad sa kanya at takpan ang bibig niya hindi siya nag paawat.

"Eto tatandaan mong bata ka! Wala ka ng ina simula ngayon!"

Ang bata kong puso maagang nadurog. I am just a kid that time. I am also her daughter, pano nasasabi sakin ni mom lahat ng yun? Hindi ba anak rin ang turing niya sakin?

"Jessica! Ano ba! Tama na yan! Anak mo yang kausap mo! Bata pa siya, ano ba yang iniisip at pinag sasasabi mo?"

That night I can't sleep. At simula din non hinihiling ko na sana ako na lang yung nahulog, na sana ako na lang yung nawala. Sana hindi na lang si Agnes, para hindi nasasaktan ng ganto si mom, para wala na lang sana siyang pakielam.

Her life will go on without me.

What did I do to deserve this? Sabi nila pag naging mabait na bata ka daw bibigay ni God yung mga blessing sayo. Pero bakit sakin pinag kakait niya? Totoo ba siya?

Years passed. Ilang chistmas, new year ang hindi ko naramdaman. Ilang birthday ang pilit kong kinakalimutan ngunit nabibigo dahil pag uuwi ako sa bahay nag luluksa si mom dahil iyun ang araw na nawala ang kapatid ko. Naging casual ang trato niya sakin. Pero hindi mapag kakaila na may galit parin at sisi siyang nararamdaman sakin.

Wala silang napuntahan na graduation ko. Kahit anong school activities magisa lang ako. Dad was too busy, lagi siyang nasa ibang bansa for conference and business while mom... lagi siyang nasa bahay pero hindi ko alam kung ano ginagawa niya.

One time narinig ko sila ni Aunty Jane na naguusap.

"Jess, maging mabait ka naman sa anak mo, after all anak mo parin siya. She was just a kid. Lumalaki siyang walang ina at I hope alam mo yung pakiramdam dahil maaga tayo naulila."

"She deserves that!"

Nanikip ang dibdib ko non. 3 words that breaks my heart every time na maririnig ko yun.

Hanggang sa mag college ako. Mom gave me a condominium as a gift. Hindi ko alam kung regalo ba yun ng pagmamahal o sadyang gusto lang niya ko bumukod.

Ginawa ko lahat ng gusto nila. Nung ayaw ako ni mom sa bahay, umalis ako.

Dugo at pawis ang binigay ko para lang mabigay sa kanila ang best ko. Gumapang ako sa tinik para makapag aral ng mabuti at mapunta sa top, not just top but 1st. Dapat 1st ako lagi sa school. Para may dahilan para pumunta siya, sila. Kaso hindi pala dahilan yun.

Lagi akong napapaaway. Dahil lahat ng tao lalapit lang sayo pag may kailangan. I hate fake people. Walang totoong tao sakin sa mundong to. Except na lang sa best friend kong gago. He's a happy go lucky guy, kaya madalas kami hindi magkasundo at natatawag akong KJ. Well that's not my problem anymore

I am a bitch in school. Sa lahat ng babae sa school masungit ako. Ayokong may nag kakamali sa paligid ko. Lahat gusto ko tama. Boys love to make me fall, pero hindi rin ata nila kaya. Kasi naman pag nag dedemand na sila ng sobra iniiwan ko sila, I want a guy like Migs! So ang ending naka dami na ko sa pag hahanap ng lalake katulad ng bestfriend ko.

Well hindi ko na siguro lost yung diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon