PAANO?

14 1 1
                                    

Paano?
Paano na yung mga alaala nating masaya pa tayo?
Paano na ba?
Ano na bang magagawa?
Kung ikaw mismo ang bumitaw na tila tali na nagdudugtong sating dalawa kapag malayo sa isa't-isa?

Ikaw mismo, pinaniwala mo sa akin ang pakiramdam na pinagdadamot sa iba, bat ngayon.. Parang pinapalaya mo na kong mag-isa?
Ang tanong paano na?
Paano ako magiging masaya kung wala ka sa piling ko aking sinta?
Paano magiging buo ang aking araw kung nasasaktan akong nakikita kang may kasamang iba?
Paano na nga ba?
Paano ako ngingiti kung ang dahilan ng iyong pagkasigla ay dahil sakanya?
Siguro sapat na ang ipinapakita mo sakin para masagot ang mga tanong ko na
PAANO NA?

Broken PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon